"Muling Pagkikita"

1.3K 41 0
                                    


"Wahhh!! Girl nandyan na siya !! The leader of Black Chess! Waahh!!"

Napatingin ako sa baba, mula dito sa itaas ay nakita ko ang isang guy na naka hoodie, he's wearing cap kaya hindi ko masyadong napansin yung mukha niya. Nakasout siya all black.
Parang...parang pamilyar yung bulto niya. Nagsimula na silang maglaban nong kalaban niya, and with that.. nagsiksikan ng mas lalo dito sa itaas. Hindi ko kaya ang sikip kaya tatalikod na sana ako para umalis ng hindi  sinasadyang natapunan ko ng cafe mocha yung babaeng nasa likod ko pagharap ko.

"What the hell!!"

"S..sorry" sabi ko.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Sorry?! Ganun lang yun?!"

Hayyy..ano ba naman ito.. Tumingin ako ulit sa kanya. Napatingin ako sa dalang aso niya. Anu ba naman, takot ako sa dogs.

" sorry talaga miss, hindi ko sinasadya"

laking gulat ko ng sinampal niya ako.

"Shit you!" sabi niya.

Pero mas nagulat ako ng nakitang nabitawan niya ang tali ng aso niya.
Oh my! Oh my! Aaminin ko, mas nakakatakot ang aso kaysa sa tao.

"A ha ha ha, ang sakit naman non, aalis na ako" umarte akong masakit yung sampal niya kahit hindi naman talaga masakit. Nagmamadali akong umalis, nakakatakot kasi yung aso.

"ARF! ARF! ARF!"

napatingin ako sa likod ko at gulat na gulat ako ng makitang sinundan pala ako ng aso. Wtf! Wag mong sabihing may malaking galit din to sakin?!

"wahaha, go doggy.. habulin mo siya! wahaha" rinig kong sigaw nong babae tapos tumawa na parang demonyo. Baliw ba yun?? Nagdala ng aso eh.. nakakataka..

Pero waaahh!! Yung aso hinahabol ako!! Nakakatakot!! Waahhh!!! Tumakbo ako na parang wala ng bukas! Takbo lang Bianca! Takbo lang! Malalampasan mo to!

"ARF! ARF! ARF!"


"Baliw ba yan??" narinig kong bulungan ng mga tao.

Hindi ko na lang sila pinansin, napahinto ako nong wala na akong madaanan, nagkukumpulan na kasi ng estudyante sobra dito. Napatingin ako ulit sa likod ko.

"ARF! ARF! ARF!"

Waahh!!! Malapit na siya! No choice!

Pumasok ako don sa may parang square..takbo lang ako ng takbo.
Bahala na si Batman! Napatingin ako sa likod ko,

"ARF! ARF! ARF!"





*BOGSH!*






Pagharap ko, may nabangga akong pader .. Sa lakas ng impact,  bumagsak ako sa lupa,
Pero laking gulat ko ng maramdamang pumaibabaw ako sa isang.....tao??












TAO??!!








As in tao?!










Sino to?!!







Napamulat agad ako ng mata ko,



















Wala na, Patay na ako..
















"Jones?.."

That Gangster is My Ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon