Some people will never fit into your life no matter how much you wanted them to.
Pakanta kanta ako while browsing my facebook account. Masaya ako eh.
Ilang araw na kaming di sadyang nagkakatinginan ni Sky ! Eto na ata yun. May feelings din sya sakin ! OMG !!
I keep on browsing when suddenly, an annoying relationship status was caught by my beautiful eyes.
Nanlaki yung mata ko to check kung totoo ba yung nakikita ko. I even took not just once or twice but five more looks to the post to confirm kung namamalikmata lang ba ako. Pero hindi ! Sky Dela Vega my loves is really in a relationship with a some girl, at hindi ako yun ! How can it be ????
Tumakbo ako sa sulok ng kwarto habang nakapangalumbaba. Tears almost fall in my eyes.
Anong kalokohan to ? So walang ibig sabihin yung mga aksidenteng pagkakatinginan namin?
Nag-assume lang pala ako ? Bakit kung kelan push na push na akong lumaban para sa feelings ko sakanya saka naman siya nagkaroon ng girlfriend ?
Ansakit sa heart !
Naghilamos ako ng mukha para naman mawala yung pamumula ng mata ko. Pupunta ako sa compound nila para maki-chika kay Mariskha. Yes, she's my bestfriend na pinsan ni Sky. She knows my feelings about him but she does not agree on my feelings for him. Good girls daw kasi ang gusto ni Sky, and obviously Marishka and I are not that type.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay nila Marishka, kilala na ako dito at sanay na yung relatives niya sa presence ko. Since birth kasi ay dito na kami sa place na to. Pati mga magulang at mga tita namin is magbabarkada nung mga bata pa sila. Ang problema lang, ayaw ng mga tita niya na magkasa kami palagi sa maraming kadahilanan.
Unang-una, madaling araw na kami nakakauwi dahil insomniac kami. Tulog sa umaga gising sa gabi. Pero hindi kami mga Magdalena ah. Matino naman kami kahit papano. Pangalawa, nahuli kaming ngayoyosi ng mga tita niya sa likod bahay nila. And last but not the least, wala na daw kaming nagawang matino, bulakbol dito, bulakbol doon. Alam siguro ni Sky na ganito ako kaya di niya ko magustuhan :'(
According to Marishka, kasamahan daw ni Sky si Angel sa trabaho. Nagsimula ang lahat sa asaran hanggang sa nagka-developan. Linsyak na mga kasamahan nila ! Humanda sila sa akin ! tsss.
" Alam mo girl, maybe he's not meant for you. 6 years na yung pagsintang pururot mo diyan kay Kuya Sky. Stop na !" sermon ni Marishka sabay sindi at buga ng yosi.
Kinuha ko yung yosi sa bibig niya sabay hithit at buga sa usok. Ayokong tanggapin yung mga sinasabi ni Marishka but I guess that I just have to move on.
Baka nga hindi kami para sa isa't-isa. Bakit sakanya pa kasi tumibok ng pihikang puso ko.
BINABASA MO ANG
Crush of A Lifetime
HumorI was eyeing him since I was 15. I surely like good guys a lot... He is one of those , but will he like a not so good girl like me ?