Hindi pa ko senior student to sa lampasan na muna natin yun. Jump tayo sa ibang topics :)
Paano ako nagsimula? As an author?
Simple.
Nadiscover ko ang wattpad because of my friend. Maganda daw. First, akala ko parang facebook siya. Yun pala iba.
Grade 4 pa lang ako, nagawa na ako ng mga stories. Binebenta ko pa nga eh! Hahaha. At nagpapagawa sila sa akin. Then ayun.
Nagsulat ako ng story sa wattpad. Like' PAANO TO?
Hahaha. No ideas! Pero nagulat ako nung may mga nagbabasa na.
Wow author ang galing.
Nice story!
Yey! Update update ;)
Shocking, right? :)
Kaso binura ko siya. Then nadiscover ko ang KATHNIEL.
Seriously, KATHNIEL ang inspiration ko para magsulat :)
Nagsulat ako ng isang story. Plot pa lang, naguluhan na ako. First story na ginanapan ng Kathniel sa imahinasyon ko.
May magbestfriend na magpapanggap na sila.
And then? Ang gulo. Hindi ko siya natapos even though madaming naghihintay sa kaniya. Maraming naghihintay for an update.
Next ang..
BARBIE THINGY.
Seriously author? Anong kagagahan ang pumasok sa utak mo at naisip mong itaksil ni Barbie si Ken?
Like duh. Kailangan malawak ang imagination mo, dahil kung malawak yan, mas malawak ang sa readers.
Madami ding nagaabang dun, kaso namental blocked ako. Madaming nagpapaupdate dun sa story na yun. But what? Hahaha. Hindi ko na alam.
Matagal tagal bago ko inopen ang new story.
Babaeng tinagusan sa church.
Simple, yet funny, right? Sinimulan ko. Akala ko walang magbabasa. Then nagulat ako, 2 days lang, 1K na agad ang reads. And andaming nagPiPm na iupdate ko, idedicate sa kanila. Nakaka inspired lalo.
Then tinuloy tuloy ko siya. :)
Yey. Kahit magulo yung takbo, andami pading nagbabasa sa kaniya.
Paano nga ba ako nakakabuo ng story behind my life?
Once an author, always an author. Feeling author ang tawag ko sa sarili ko. Haha! I dunno why. Hindi pa din ako kuntento. Immature things ang nasa stories ko. Kasi bata pa ko. I'm only 13 ng sumulat ako sa wattpad. Pero dinelete ko ba? No. I'm proud. Dahil kahit panget yun, wahahaha! Dahil kahit panget yun, alam kong may nagbabasa nun. Silent readers. :)
Hindi naman tayo basta basta gagawa ng stories, right? Laging may pinaghuhugutan. Laging sumasalamin sa buhay natin. Laging konektado sa problema, love life. Feeling natin kasi pag nakasulat na tayo ng isang story, andami ng naghihintay at sumusubaybay sa takbo ng buhay mo.
Diba? :)