Elementary

158 0 0
                                    

Grade 1.

"Chicken Little!"

"Little Chicken sabi eh!"

"Bobo. Baliktad"

"Mas bobo ka. Tignan mo nga kulangot mo nasa may labi mo na!"

Lagi kami nagtatalo sa title ng movie na yun. Isang sisiw na linigtas ang planet sa alien. Kakabilib diba?

Jayem ang pangalan nung klasmeyt kong yun. Lagi kami nagtatalo.

"Pst!"

Sit sit sa amin ni teacher. Binelatan ko na lang siya at inirapan.

Little Chicken nga kasi eh.

Si papa at mama lagi nasundo sa akin noon. 2nd honor. Kaya lagi may jabii.

Grade 2.

Naranasan ko tumae sa school. Heaveeen ang feeling paglabas ko ng CR. Kaso pinauwi ako ni teacher kasi ambaho daw. Sinundo ako ni papa sa school.

Naranasan ko din batuhin ng chalk ni teacher. Madaldal kasi ako. Naguusap kaya kami nung mukha kong kabayong classmate tungkol sa high school musical. Ako si Gabriella!

We're soaaaarin! Flyyyiiiiiin!

Grade 3.

Alam niyo ba feeling ng sinampal ka?

Boom panes.

Sinampal ako dati ng classmate ko. Nagpatuli kasi yung katabi ko. 1 week siyang absent. Tapos pagka pasok niya, tinukso niya ko.

"Miss mo siya no!"

"Bakit?"

"Crush mo eh!"

"Wala kang patunay"

"Eh namiss mo nga?"

"Gusto mo patulian din kita para ikaw ang mamiss ko?"

*PLAAAK*

The end. De joke, di natapos yun. Sinabihan niya ako ng gago dun. At ayun, sinumbong ko kay mader dear. Sinugod niya.

Diyan din ang una kong perform sa public. Sumayaw kami. By group. Girl scout. SM Bacoor. Kasali kasi talaga ako sa dancer ng school.

Nuxx.

Pinagsuot kami ng mala peacock na costume. May heart heart at feather feather pa everywhere.

At doon ko nakilala si Lance. Kaaway ko siya kasi lagi niya ko inaasar.

"Pandak"

"Maganda naman"

"Maliit nga lang"

"Kesa sayo, squid"

"Crush mo lang ako eh"

"In your dreams squid"

Mga ganiyang asaran.

Gusto nio mahabang kwento? Comment kayo. Haha!

Grade 4.

Milagros. Huhu! Ang pinaka panget kong teacher ever. Para siyang lola ni little chicken. Lagi ako pinapagalitan. Kasi lagi daw akong nagsusulat ng di niya sinasabi.

Bobo ka ma'am? Para sossyaaal. Habang nagdidiscuss ka nagtatake down ako! Boba!

Lagi ako pinakakabit ng tape sa dingding para ipost ang manila papers niya.

Teacher ko din si haaaating gloooobooooo.

Hekasi teacher. Strict! Ang ganda sana, kaso nabanat ang mukha at naging mukhang bulldog. Poor teacher.

Grade 5.

Eto matinde. Mula Grade 1-Grade 5, first section kami. Naks. At ang malas namin dahil si Ma'am Lilibeth ang may hawak ng first section ng Grade 5.

Monday- Orange

Tuesday- Pink

Wednesday- Yellow

Thursday- Blue

Friday- Violet

Dapat laging naka ribbon ang buhok namin. Pare pareho ang tali. Kailangan complete uniform. Bawal magmura, bawal ang boyfriend, bawal ganto ganiyan.

Pag maingay, palo sa magkabilang palad gamit ang kahoy na ruler. Poor!

Pag bagsak sa quiz, palo sa pwet.

Isang palo lang ako sa pwet. Wahahaha!

Si Z. Siya ang may crush sakin na may leukemia. Linigawan si mama! Ayun, ora mismo, boypren ko daw. Tsk!

Nabugaw ako dun

Then nagbreak din kami. Yun.

Grade 6.

Naranasan ko mag flag ceremony kasi lagi daw akong late.

Nagsayaw din kami ulit.

Costume ko ay strawberry.

Parang tanga.

Nutri Month kasi yun. Eh nanalo naman kami. Infairness, nag perform ako ng may lagnat ako nun.

Pinagalitan ako dati. Kaliit liit ko daw ang daldal daldal ko

Eh pake mo?

Tapos may takutang nagaganap din noon. Sa H.E Room daw may kabaong sa ilalim. Napaka weirdo ng mga estudyante.

Nakagraduate naman ako ng matiwasay at maayos after ng mga katarantaduhan ko sa Elementary Days.

Nainis pa ko kasi pinamake upan ako ni mama sa bakla nung graduation, ayun. Mukha akong jokla nung araw na yun. Pero andaming nagandahan sakin. Galing ko no

Talambuhay ni AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon