Love Letter Ko Para Sayo (One-shot)

775 17 15
                                    

2nd One-shot ko! :D I hope you'll like this and dedicated ulit sa kanya! :D :D :D 

----

Miguel's POV

''SIR!!'' Inis kong nilingon yung kanina pa tumatawag sa akin! Hindi ba nya kitang nagmamadali ako!?

''ANO!?'' Malalate na ako sa school at may test kami ngayon! At wala akong panahon sa kanya.

''L-love letter daw ho para sayo.'' Binigay nya sa akin ang letter at saka mabilis na tumakbo. Tsk. Sino naman kaya ang nagpapabigay?

Tumingin ako sa babaeng tumatakbo ngayon. Sa totoo lang, hindi ko dapat sya susungitan kaso naging masama ang gising ko dahil sa kapatid kong sinabuyan ako ng tubig sa mukha. Kung hidni dahil sa kanya, baka alam ko na yung pangalan nung babae na yun.  Hindi ko man lang nakita yung mukha nya.

Ay takte! Late na nga pala ako!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa may school at dumeretso na sa classroom ko.

''PARE! KAMUSTA NAMAN YUNG PAGIGING LATE MO!?'' Agad akong nakipag-fistbump sa bestfriend ko na sinalubong ako. 

''Masaya naman. Minsan i-try mo.'' Sinalubong na din ako ng iba ko pang kaibigan.

 Dumeretso na ako sa upuan ko at itinaas ang dalawang paa ko sa upuan sa harap ko. Siga ako dito kaya walang sumubok na harapi--

''Paki-alis yung paa mo.'' Napatingin ako agad sa babaeng may dalang bag na nasa harapan ko.

''Paki-ulit nga yung sinabi mo?'' Tinignan ko sya at maganda naman sya pero pumapatol pa naman ako sa babae.

''Paki-alis yung paa mo.'' Walang buhay nya ulit na sinabi sa akin. 

''ABA'T!"' Hinawakan ko agad sa kwelyo yung babae sa harap ko at tinignan sya sa mata pero wala man lang bakas ng takot sa mukha nya. 

Nagulat ako nung tinanggal nya ung pagkakahawak ng kamay ko sa kwelyo nya at umupo na sa may upuan nya! 

''Ginagalit mo ba ako!?" Walang may karapatan na bastusin ako ng ganun at sa mismong teritoryo ko pa! At higit sa lahat, babae pa!?

''Hindi. Pero kung nagagalit ka, baka.'' Nag-labas sya ng notebook at nagsimula ng magsulat. Kinkopya nya yung mga nakasulat sa blackboard. 

''Ikaw! Wag mong sabihing babae ka dahil pumapatol ako sa babae!"' Kinuha ko yung notebook nya at itinapon iyon kung saan.. wala syang karapatang bastusin ako.  Lalo na sa teritoryo ko. 

''Hindi ko na kailangang sabihing babae ako dahil halata naman. Saka, pulutin mo yung notebook ko.'' O_O Sino sya para sagutin ako ng ganun!?

''Inuutusan mo ba ako!?"' Kinuwelyuhan ko ulit yung babaeng nasa harapan ko at wala akong pake kung tinitignan na kami at kung babae sya. Ginalit nya ako, sorry sya.

''Hindi kita inuutusan. Pinapakiusapan, pwede pa.''

Mas lalo kong tinaliman ang tingin ko sa kanya at mas lalo syang inilapit sa akin.

''Ano tingin mo sa akin?! Mabait!? Ikaw ang pumulot nyan!'' Binitawan ko na sya at muling umupo sa upuan ko.

Ang ganda nya kaya hindi ko sya kayang saktan. Ang isang tulad nya, dapat pina--- Ano ba tong sinasabi ko!? Nawawala na ata ako sa sarili ko! Argh! Hindi sya maganda. Hindi! ARGH! OO NA! MAGANDA NA SYA!

Nagulat ako nung pinulot nya yung notebook nya at binulungan ako ng..

''Sana sinabi mo agad na ayaw mong pulutin. Hindi yung inaway mo pa ako.'' 

Love Letter Ko Para Sayo (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon