Atena
Babz saglit lang.. Kahit nasa kotse tayo .. Madilim at walang tao.. Respetohin mo naman ako.. Wag mo ko pilitin na halikan ka.. Sana naman makuntento muna tayo sa yakap at holding hands.. Tandaan mo di pa tayo kasal.
Kenneth
Babz naman.. Tagal na natin.. 4years na tayo.. Ni halikan ka wala.. Tsaka buti pa yung mga bata nahahalikan mo.. Ako hindi..
Atena
Babz.. Di naman sa ganun.. Intindihin mo din naman ako.. Gusto ko ok ang lahat.. Dapat kasal muna bago lahat.
Kenneth
Di ba sinabi ko na sayo na papakasalan naman kita.. Di pa ba yun sapat.. Engaged na tayo at naka ipon na tayo.. Papakasalan kita.. Kaya hayaan mo naman gawin natin ang ginagawa ng magshota.
Atena
Mukhang naliligaw ka ata.. Walang ginagawa ang magshota.. Magasawa lang nuh..
Kenneth
Sige na..
Atena
Kenneth.. Ang kulit mo..
Kenneth
Please.. Atena..
Atena
Ano ba gusto mo?
Kenneth
Ang ginagawa ng magasaw sabi mo nga..
Atena
Ano ba yun?
Lumapit si kenneth kay atena at hinawakan ang kanyang kamay. Pagkatapos nilapit niya mukha niya sa mukha ni atena.
Ngunit ang dalaga ay sadyang matibay.. Kung kaya't nilayo niya ang kanyang mukha pagkatapos niyakap niya ang kanyang kasintahan.
Atena
Babz mahal na mahal kita.. Ngunit ang lahat na bagay ay may tamang oras.
Walang nagawa na si kenneth kung kaya't niyakap niya nalang ito ng mahigpit.