Tanghali ng hapon sa bahay nila Elyk ay naglilinis ang kanyang Mama na si Miri, habang sya'y naglilinis sa sala ay biglang may narinig syang nagdoorbell nagtaka sya kung sino ang tao na iyon dahil sa pagkaka-alam nya ay wala naman syang inaasahang bisita. Dali-dali syang nagpunta sa gate at di nya inaasahan kung sino ang nakatayo sa harapan nya,walang iba kundi ang asawa nya.
"Ah, maganda hapon Miri, maari ba akong pumasok sa bahay natin? - Ama ni Elyk
Di makapagsalita ang Mama ni Elyk.
"Bakit ka pa bumalik? At paano mo nalaman ang kung nasan kami?" -Miri
"Bakit? Wala na ba akong karapatan na makita kayo? Nakakalimutan mo ata na marami akong koneksyon, madali lang kayong mahanap kahit saang lupalop pa ng lugar kayo magpunta." -Ama ni Miri
"Simula nang umalis ka sa pamamahay na ito, yun rin ang simula ng pagkawala ng karapatan mo! Wag ka nang magpapakita pa dito! Wala kang kwenta! Di ka namin kailangan ni Elyk! Lumayas ka! Wag na wag ka ng babalik pa sa buhay namin!" -Miri
Nagtitimpi sa inis ang mama ni Elyk, ngunit nagulat lang sya ng dire-diretsong pumasok ito sa bahay nila at umupo sa sofa na parang welcome na welcome sya.
"Maayos naman na pala ang pamumuhay nyo ni Elyk, di narin masama na iniwan ko kayo." -Ama
Nanggalaiti sa galit ang mama ni Elyk dahil sa binitawang salita ng kanyang asawa kaya naman:
"Ang kapal talaga ng mukha mo para sabihin yan ngayon! Kahit umalis ka man habang buhay, magiging maayos kami ng anak ko!Kaya hanggat nagpipigil ako umalis ka na ngayon at wag nang bumalik! Ayaw kong maa--"
Naputol ang pagsasalita ni Miri ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Elyk. Bakas sa mukha ni Elyk ang pagkagulat sa nasaksihan nya ngayon, pati narin ang kanyang magulang na di alam kung ano ang sasabihin.
"Mama? Ano ang ibig sabihin nito? Bakit nandito sya sa bahay natin?"
"Anak, nangangamusta lang ang papa mo."
"Nangangamusta? Sa tagal-tagal ng panahon na iniwan nya tayo, ngayon lang sya nangamusta?!"
"Anak, wag kang ganyan. Di kita pinalaki na maging bastos!"
"Mama! Di ako bastos pero itong taong nasa harapan ko ay walang karapatan na respetuhin ko! Di ko sya kayang irespeto dahil sa ginawa nya sayo, sa atin! Ayaw ko nang makita pagmumukha nya!"
Pagkatapos sabihin ni Elyk ang mga katagang iyon ay pagalit syang umakyat sa kanyang silid at nagkulong. Ang kanyang magulang naman ay naiwan na tahimik at gulat parin sa reaksyon ng kanilang anak.
"Narinig mo naman na siguro ang sinabi ni Elyk, kaya naman umalis ka na at wag nang bumalik pa! Nagmamakaawa ako sayo, umalis ka na!!"
Di na nagsalita ang ama ni Elyk at dire-diretsong tinungo ang pintuan at umalis. Napaupo naman ang kanyang Mama sa upuan dahil sa emosyon na nararamdaman.
***
Elyk's POV
Pabagsak akong humiga sa higaan ko, andaming tumatakbo sa utak ko ngayong oras na ito isa na rito kung bakit pa bumalik si Papa. Di ko alam ang kanyang dahilan kung bakit pa sya bumalik pero isa lang ang nasisiguro ko, may pakay sya sa amin ni Mama.
Napabangon si Elyk ng maalala nya ang kanyang Mama dahil baka atakihin ito ng sakit nya,kaya naman dali-dali syang bumaba at nadatnan nya ang kanyang Mama na nakaupo sa sofa na animo'y nakalutang lang dahil ito'y tulala. Nilapitan sya ni Elyk at tinabihan ang Ina.
"Ma, okay ka lang po ba?"
"Okay lang ako anak, sorry pala sa nakita mo kanina." -Miri
"Ma bakit ka nagsosorry sakin, wala kang ginagawang kasalanan tsaka di mo naman alam na babalik si Papa sa tagal ng panahon na wala sya sa atin. Wag kang magsorry Ma"
Tumahimik ang mama ni Elyk. Hindi na ito umimik at tumango nalang sa sinabi ng kanyang anak. Niyakap sya ni Elyk upang mabawasan ang emosyon ng kanyang Mama.
******
Naghahapunan na sila Elyk ng maalala nya yung pangyayari sa kanilang dalawa ni Kyan kanina sa eskwelahan kaya napatigil sya sa pagkain, nahalata naman sya ng kanyang Mama.
"Anak, may problema ka ba? Di mo ba nagustuhan ang ulam? Sige magluluto nalang ul----" Miri
"Hindi Ma, masarap nga ang niluto nyo mo may naalala lang po ako."
"Ano ba yang naalala mo anak? Maari ko bang malaman? Baka sakaling makatulong ako, alam mong nandito ako palagi para sayo" -Miri
"Ma, wag ka magagalit ah, diba alam mo naman na normal na sa katulad ko na magkagusto. May gusto po kase ako."
" Yun lang ba anak? Oo normal lang yan anak, pero anong problema dun?"- Miri
"Mamaya ko nalang po ikwento sa inyo Ma, tapusin muna natin tong pagkain."
"O sya sige anak, ituloy mo na ang pagkain, tignan mo ang payat mo na!"- Miri
" Ma! Sexy ako! Hindi payat!"
"Kumain ka na jan anak! " -Miri
*****
Nasa kuwarto na si Elyk at nagaayos ng kanyang higaan ng pumasok ang kanyang Mama.
"O Ma! May kailangan ka po?"
" Wala naman anak, naalala ko lang na diba sabi mo magku-kwento ka tungkol dyan sa lalaking gusto mo." -Miri
" Ay, sorry Ma nakalimutan ko. Upo po kayo Ma."
Magkatabing nakaupo ang mag-ina sa kama.
"O sige anak magkwento ka na, makikinig ako sayo."-Miri
"Ganito kase yun Ma, si Kyan po ay matagal ko nang kaibigan simula po nung unang klase naging matalik ko po syang kaibigan. Sa tagal ng panahon na kasama ko sya, di ko nalaman na iba na po pala ang nararamdaman ko sa kanya bukod po sa pagiging magkaibigan. Tapos kanina po bumalik po yung ex nya at nagkabalikan sila. Nasasaktan po ako Ma, di ko po alam kung bakit kase gusto ko palang naman po sya eh."
"Anak, ang pagkakagusto ay hindi masama, ngunit anak know the things that might happen when you started to liking someone. You might get hurt. Remember this anak, ang nararamdaman mo ngayon ay wala pa sa naranasan at naramdaman ko. Yang sayo ay siguro ay selos lang muna anak, kaya't wag ka masyadong ma bother about that okay?" -Miri
" Ganon po pala yun Ma, salamat po Ma sa advice nyo sakin. Wag po kayong mag-alala tatandaan ko po yung sinabi nyo sa akin ngayon. Thank you again Ma! I love you Ma.".
Yumakap si Elyk sa ina at niyakap rin sya ng kanyang Ina at hinalikan sa ulo. May binulong ang kanyang Ina sa kanya ngunit di nya narinig.
"Patawad anak, balang araw magiging maayos rin ang lahat"- Miri
Di namalayan ni Elyk na nakatulog na pala sya sa bisig ng kanyang Ina, kaya naman dahan-dahan syang inihiga ng kanyang Mama at kinumutan tsaka ito nilisan ang kuwarto.
-------––------------------––––------------------------
Hello! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-UD andami ko kaseng ginawa. Eto na po ang Chapter 5! Sorry sa mga typo at wrong grammars! Just feel free to correct me.
Hope you like this Chapter!
Don't forget to press the star button to vote! Leave a comment guys kung may gusto kayong sabihin😊 Kamsarang😘
-Ms. Ellen
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with My Seatmate
Teen FictionIsang babaeng unti-unting nahulog ang loob sa kanyang katabi.. Sa paglipas ng panahon..Lalo syang nahumaling dito. Mapapansin kaya sya ng kanyang kinahuhumalingan?? Mamahalin rin kaya sya? Sabay-sabay natin na alamin ang lovestory nila Elyk and Kyan!
