Nagising si Elyk sa araw na dumampi sa kanyang balat. Tinignan nya kung anong oras na at napabalikwas sya ng bangon ng malaman na 12:30 na pala.
"MAMA!!!!"
Nagulat ang Mama ni Elyk sa pagsigaw nya kaya dali-dali naman itong umakyat sa kwarto ni Elyk.
"Oh ano yun anak? May magnanakaw ba? Asan na sya?"
"Walang magnanakaw ma! Bakit di nyo ako ginising? 12:30 na pala! Malalate ako nyan eh!"
"Anak ng tokwa naman anak! Akala ko kung ano na, tsaka kanina pa kita ginigising pero sinasabi mo na mamaya na! Aba'y hinayaan nalang kita."
"Aishhh! Sige na nga Ma! Maliligo na ako! Bumalik ka na nga dun sa baba, nangangamoy sunog na!"
"Ayy!ang niluluto ko pala! Sya sigee, bilisan mo na jan nang makakain ka na!"
Pagkalabas ni Miri ay tsaka lang pumasok si Elyk sa banyo.
*****
Naglalakad na si Elyk sa field ng may marinig syang tumatawag sa pangalan nya. Paglingon nya sa likod nya ay sumalubong sa kanya ang soccer ball na dumiretso sa mukha nya. Nakaramdam sya ng pagkahilo at dumilim ang paningin nya.
----
Naglalakad si Kyan papasok ng eskwelahan ng mapagdaan sya sa soccer field dahil may pinagkakaguluhan doon. Babalewalain nya nalang sana ng narinig nya ang usapan ng dalawang babae.
Jilianne! Si Elyk nahimatay daw!
Anoo?!! Tara puntahan natin!
Pagkarinig nya ng pangalan ni Elyk ay kumaripas sya ng takbo sa nagkukumpulang estudyante. Nakita nya si Elyk na walang malay kaya dali-dali nya itong binuhat. Binalewala nya ang pagtawag sa kanya ng dalawang babae na sa palagay nya ay kaibigan ito ni Elyk.
Dinala ni Kyan si Elyk sa clinic nila upang matignan.
Doc,kamusta na po sya?
Okay lang sya, wala ka dapat ipagalala, napalakas lang talaga ang impact ng pagkatama ng bola sa ulo nya kaya sya nawalan ng malay. Maya-maya ay gigising na sya.
Sige po doc, salamat po
Walang anuman,mauna na ako sayo.
Tumango nalang si Kyan sa doctor at binalikan si Elyk sabay upo sa kanyang tabi.
---------
Nagising si Elyk ng medyo masakit ang ulo, kaya't bumangon sya at inikot ang paningin , nasa clinic sya.
Tinignan ko yung kamay ko dahil parang may mabigat doon, at nagulat ako ng makita na kamay ni Kyan, dali-dali ko itong tinanggal dahilan upang magising si Kyan
Elyk, gising ka na? -Kyan
Ay hindi, tulog pa ako
Gising ka na nga, namimilosopo ka na eh, Okay na ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo?- Kyan
Wala namang masakit sakin, paano mo pala nalaman na may nangyari sa akin?
Narinig ko sa mga naguusap kanina habang naglalakad ako. Ano ba kasing nangyari sayo? -Kyan
Ayun, tumama lang naman ang bola sakin. Galing ko sumalo no? Bulls eye!
Puro ka talaga kalokohan, sya nga pala tinawagan ko si Tita, sinabi ko na okay ka na, nabalitaan nya kase ang nangyari sayo. - Kyan
Buti naman kung ganon, salamat! Pero pwede na ba tayong umalis dito may klase pa tayo diba?
Oo, sige tara na sabi naman ni doc okay naman na daw ikaw.- Kyan
Inalalayan ni Kyan si Elyk para makapasok na sila. Habang papunta sila sa classroom nila ay para silang magkasintahan na nagbibiruan at sweet sa isa't isa.
*****
Hello guys! Kakaupdate ko lang sya ngayon!!! Sorry sa mahabang panahon na paghihintay!! Maikli lang ito ngayon!! I hope it gives you an excitement!! Feel free to comment below and correct some wrong grammars here!!
Press the star bottom to vote guys!!
-Ms.Ellen
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with My Seatmate
Novela JuvenilIsang babaeng unti-unting nahulog ang loob sa kanyang katabi.. Sa paglipas ng panahon..Lalo syang nahumaling dito. Mapapansin kaya sya ng kanyang kinahuhumalingan?? Mamahalin rin kaya sya? Sabay-sabay natin na alamin ang lovestory nila Elyk and Kyan!
