Chapter 1

27 1 0
                                    

"Hi, Ley An! How's the flight?" salubong na tanong sa akin ni Tita Shine.

"Okay naman po" nahihiya kong sagot sa kanya.

Nasa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) kami ngayon. Sinundo ako ni Tita Shine dahil baka raw maligaw ako kung magco-commute ako mag isa. Hindi pa naman kasi ako sanay dito sa Maynila.

"Buti napapayag mo ang mama mo" aniya habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng taxi.

"Oo nga po e" sagot ko na lamang sa kanya.

Kasalukuyan na kaming nakapila sa sakayan ng taxi.

Habang nakapila kami ay namamangha akong tumingin sa paligid. Matataas ang mga gusali dito hindi kagaya sa probinsya namin sa Mindoro. Mapapansin mo rin na karamihan ng tao rito ay magaling mag-ingles.

'Hindi ako nababagay rito'. Nasabi ko na lamang sa sarili ko.

Nagulat na lamang ako ng kalabitin ako ng tao sa likod ko. Agad naman akong napalingon dito.

Isang batang nakaupo sa taas ng maleta. Nakasalamin sya at may hawak na gadget. Masasabi kong gwapo sya.

"Look at your front, stupid lady" aniya.

Aba'y talo pa ako ng bata na ito sa pag-iingles. Kaso ay hindi ko gusto ang pananalita nya. Kahit papano ay nakakaintindi ako ng ingles. Isa kaya ako sa pinarangalan na may honor sa katatapos lang na recognition namin sa aming paaralan.

Sa totoo lamang ay magaling ako pagdating sa pagsusulat gamit ang salitang ingles pero pag dating sa pagsasalita ay hindi ko mahagilap agad ang mga tamang salita kung kaya ay nauutal ako.

"Tristan that's bad. She's not stupid. Maybe she's just spacing out" ngayon ko lamang napansin ang lalaking kasama ng bata.

"Kuya stop defending this girl, she's stupid" dagdag pa ng bata

Ang sakit ng sinasabi sa akin ng bata pero mas napansin ko ang gwapong Kuya niya.

Napatulala na lamang ako sa kanilang dalawa.

"Hey miss, okay ka lang ba?" muling nagsalita ang lalaking kasama ng bata umakto pang ikinaway ang kanyang kamay sa harap ko.

Natauhan naman ako doon at napatingin na sa kanina pang itinuturo ng bata.

Nakita ko si tita. Nasa harap na sya ng taxi na aming sasakyan. Sobrang layo ko na sa pila.

Kaya pala ang ingay ng mga tao sa likod ko. Nagrereklamo pala sila.

Nilingon ko muli ang magkapatid sa likod ko. Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ng paumanhin.

Nginitian lamang ako ng Kuya noong bata. "Nah, it's fine", aniya sabay ngiti. "Bye" pahabol nya pa pero nagsimula na akong tumakbo.

Ang gwapo nya talaga.

"Kilala mo ba ang mga iyon?" tanong sakin ni Tita Shine nang makalapit na ako sa kanya. Tinutukoy nya ang magkapatid.

"Ay hindi po" sagot ko habang naghahabol ng hininga. Medyo hiningal ako dun sa pagtakbo ko ah.

Nagkibit balikat na lamang sya at pumasok na kami sa sasakyan.

Habang bumabyahe ay panay pa din ang pagtitig ko sa paligid. Ang ganda talaga pagmasdan ng mga gusali.

Iba't iba ang disenyo na talaga namang kahanga hanga sa ganda. Iba't iba ang kulay, lapad at taas. May ilan na tila ba isang malaking salamin dahil sa muwebles na ginamit. May nakita pa akong isa na purong ginto ang kulay.

Marami ding mga kabahayan ang nadaanan namin at masasabi kong kakaiba ang mga ito kumpara sa mga bahay sa amin sa probinsya. Makikinita talaga ang karangyaan dito sa lungsod.

Bahagyang bumagal ang byahe dahil sa trapiko. Ito nga pala ang problema sa mga daanan dito na madalas ko lamang noon na nababalitaan sa tuwing nanonood ako ng balita sa telebisyon. Ngayon ay nararanasan ko na.

Halos tatlong minuto ang itinatagal bago kami nakakausad.

Kasalukuyan kaming nakahinto.

Muli akong tumunghay sa bintana ng sasakyan at laking gulat ko ng may isang batang kumatok dito.

Hindi ko mawari ang itsura nya dahil halos matabunan na ito ng dumi sa kanyang mukha. Ang damit nya ay ganoon na lang din ang dumi.

Bahagya akong nagulat nang abutan ako ni Tita ng bente pesos at sinabing iabot ko ito sa bata.

May pinindot si Tita sa tabi ng pintuan ko upang bahagyang mabuksan ang bintana dahil siguro alam nya na hindi ko naman alam kung paano iyon gagawin.

Iniabot ko sa bata ang pera.

"Salamat po" aniya sabay ngiti sa akin.

Nilingon ko si Tita at nginitian nya naman ako.

"Marami ka pang makikitang ganyan dito. Pero piliin mong mabuti ang pagbibigyan mo" aniya sa akin.

Bumaling syang muli sa kanyang cellphone at pinagpatuloy ang kanina nya pang ginagawa.

Ibang iba rin ang kanyang cellphone kumpara sa akin. Touch screen ang kanya at pinipindot lamang itong akin.

Hindi naman na bago sa paningin ko iyon dahil may mga kaklase din ako sa amin na ganoon ang cellphone.

Natahimik na lamang ako muli at tumingin sa bintana.

Ilang minuto pa at nakarating na kami sa bahay ni Tita.

Sinalubong agad ako ng tatlo kong pinsan.

"Hi Ley An" bati ni Ate Eva

"How are you?" tanong naman ni Ate Deo

"Welcome to you new home, Ley An" bati naman ni Ate Fenech at sabay sabay nila akong niyakap.

Ang gaganda din talaga ng mga pinsan kong ito.

"Girls, have you prepared food? I'm sure Ley An is hungry. Let's eat muna" yaya ni Tita Shine sa amin.

Matagal din ang naging kwentuhan naming lima habang kumakain. Kamustahan tapos syempre kwentuhan tungkol sa ibang bagay.

Masaya. Na-miss ko sila. Dati rati ay palaging dinadalaw ko pa sila sa bahay nila sa Mindoro para lamang magkita kami. Kung minsan ay sila naman ang dumadalaw sa akin. Ngayon heto at magkakasama na kami.

Kinagabihan matapos namin kumain ay nag ligpit na ako ng aking mga gamit na dala.

Tatlo pala ang kwarto dito. Ang isa ay kay Tita Shine. Ang isa ay kay Ate Deo at Ate Eva. Ang isa naman ay kay Ate Fenech lamang noon pero ngayon ay dalawa na kami rito.

Nang matapos ako sa pag aayos ay nagkwentuhan lamang kami ni Ate Fenech hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pagbigat ng mga mata ko.

🌸 Blurred08

A Wendy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon