Natulog akong ikaw ang kapiling ko, sa aking paggising wala ka na sa tabi ko..
Pinangako mong habang buhay na ating pagsasama, ngayo'y nasaan na?
Di ba't sa ating dalwa'y ikaw ang naunang sumuko?
Ikaw ang syang pumutol sa lubid na syang nagdurugtong sa ating mga puso..
Masakit isipin, na kung sino ang syang nagbibigay kulay sa mga larawang puno ng sakit, lungkot, at paghihinagpis, ay sya rin namang sisira sa larawang sabay nating kinulayan na mayroong pagmamahal at kasiyahan.
Ikaw na syang nagpatibok, sa pusong kong matagal nang natutulog..
Nagbibigay tamis sa puso kong napuno ng pait dahil sa mga taong nagbibigay ng pasakit..
Ikaw ang nagsilbi kong tahanan sa mga panahong nararamdaman kong nagiisa ako..
Ikaw ang nagsilbi kong balikat sa bawat pagluha ko..
Ikaw ang nagsilbi kong pamilya at karamay sa mga pagkakataong nararamdaman kong taliwas sa akin ang mundo..
Tinuruan mo akong lumaban, na ikaw ang magsisilbi kong panangga sa problema at sakit..
Tinuruan mo akong dumepende sayo..
Tinuruan mo akong mamuhay na ikaw lang ang kasama kahit lahat sila ay pawang pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw natin...
Ngayong natutununan ko lahat ng mga tinuro mo sa akin..
Natutunang lumaban..
Natutunang dumepende sayo,
Saka mo ako iniwan,
Iniwan mo akong magisa.
Iniwan mo ako sa kalagitnaan ng laban ko,
Iniwan mo akong dala ang sandata at panangga,
Iniwan mo akong dala ang puso ko,
Iniwan mo akong nagdurusa.
Iniwan mo akong nagiisa sa kabila ng mga masasayang alalang sabay nating binuo,
Alaalang kahit kailan ay hindi na maibabalik pa.
Alaalang magiging alaala na lang.
Alaalang sa paglipas ng panahon ay dadalhin ko kahit nasaan man ako naroon.
Nasaan ka na?
Ikaw ba ay masaya sa piling ng iba? Habang ako ay nandirito at hinihintay ang iyong pagbabalik..
Ngayong nakalimot na ako,
Sa bawat gabing dumarating ay pinagdarasal ko na sana, pagdilat ng mga mata ko ay nariyan ka na ulit sa aking tabi..
Nakalimot na nga ba ako?
Kung sa araw araw ay mga halik at yakap mo ang inaasahan kong gigising sa pagkakahimbing ko..
___________
Idinilat ko ang mga mata ko mula sa aking pagkakahimbing..
Panaginip lang pala ang lahat, isang masamang bangungot lamang.
Ngunit nakita kitang naglalakad palayo sa akin...
Lumingon ka sa akin at sinabi ang mga katagang kinatatakutan ko.
"I'm sorry. Pagod na ako, Maxene. Hindi ko na kaya."
Iniwan mo na naman ako.
Iniwan mo nanaman akong lumuluha dahil sayo,
Lumuluha hindi dahil sa kasiyahan, kundi dahil sa sakit, lungkot, paghihinagpis.
"Ethan..."
____________________________________
Lame po ba? Sorry.✌
Bigla lang po kasi iyang pumasok sa isip ko. Kaya sinulat ko.
Hindi po ako broken hearted😂 sadyang ganun lang po talaga.
Bata pa po ako.😀
Thank you po sa nagbasa, lovelots💞
ImaAvantika