Her Side

89 3 0
                                    


Hanggang saan ko kaya kakayanin?

Hanggang saan ko pa kaya mapipilit ang sarili kong limutin ka?

Kailan kaya ako mapapagod at Susuko?

____________________________________

Simula ng iwan mo ako, marami ng nagbago.

Maraming naging pagbabago sa buhay ko.

May nadagdag..

At higit sa lahat may nawala.

Hanggang ngayon ay puso ko parin ang hindi nagbabago..

..Ikaw at ikaw parin.

Hanggang kailan ko kaya pipilitin ang sarili kong limutin ka,

Kung sa bawat sandali ay ikaw ang aking naiisip?

Paano kita kakalimutan kung sa lahat ng bagay ikaw ang nakikita ko?

Paano kung sa lahat ng tao, mukha mo parin ang nakikita ko?

Ang hirap. Sobrang hirap..

Ang hirap turuan ang puso kong kalimutan ka,

Baliwalain ka, na sana pag nagkita muli tayo, kakayanin ko nang ngitian ka, kausapin at bumuo ng panibagong alaala ng pagkakaibigan natin.

Pero ang tanong..

Hanggang kailan?

Paano?

Darating pa kaya ang panahong iyon?

Darating pa kaya ang panahon na,

Pagnagtagpo ang mga landas natin ay wala nalang sakin kung may kasama kang iba..

Kung may bago ka nang kasama sa pagbuo ng masasaya at puno ng pagmamahal na alaala,

Na may bago ka nang kasama sa ilalim ng liwanag ng buwan,

Sa ilalim ng mga nagliliwanag na bituin.

Hanggang kailan pa ako masasaktan?

Gusto ko nang sumuko,

Sumuko sa kahihintay sa muli mong pagbabalik.

Hanggang nagayon, sa mismong araw, oras, at pagkakataon..

Ay narito parin ako sa likod ng pinto..

Kung saan mo ako iniwan.

_______________

Narinig ko ang madahang pagbukas ng pinto,

Umaaasa ako na sa pagdilat ko ay ikaw na ang nakatayo diyan..

At naghihintay sa akin..

Sa pagbukas ng mga mata ko at naaninag ko ang imahe ng isang tao..

Muli na namang lumandas ang mga luha ko..

"Maxene.."

____________________________________

Hello👋

Itinuloy ko na po ang kwento ng pagmamahalan ni Maxene at Ethan.

Sino kaya ang nakita ni Maxene?😏

Thank you po sa mga nagbasa😘

Vote and comment.👌

Lavyahh💞

ImaAvantika💕

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon