Sa hirap nga buhay
Masasabi mo bang ika'y may karamay?
Na sa lungkot mo'y may kadamay
At nakahawak sa iyong mga kamay.Alam ko marami ka nang pinagdaanan
At lahat nang yon iyong nalampasan
Nadadapa man minsan
Babangon parin para lumabanAlam ko, minsan gusto mo nang sumuko
Para matapos na ang lahat ng paghihirap mo
Pero bago ka huminto
Tingnan mo kung gaanu kana kalayoMahirap sa simula,
Nakakapagod kung nasa kalagitnaan kana
Pero ang sarap pagnatagumpayan mo na
Tagumpay na magbibigay sayaSa buhay ay di lang puro tuwa
Dapat maranasan mo ring lumuha
Kahit ilang ulit man nadapa
Basta maniwala ka, lahat ay iyong makakakaya
BINABASA MO ANG
Tula sa Buhay
PoetryCollection po to ng mga tula na nagawa ko sa buhay. Tula sa araw-araw kong pamumuhay. Mga tulang nagawa ko dahil sa pag-ibig, pagkabigo, problema at kung anu-anu pang dahilan at paraan basta nakagawa ako ng tula. :D