Ang Pag-ibig ko

73 0 0
                                    

Tandang-tanda ko pa
Ang unang araw ba nakita kita
Gwapo, pero suplado
Ang unang expresyon ko sayo

Akala ko, paghanga lang to
Pero sayo lang nakatitig mga mata ko
Hanggang kumabog na pati dibdib ko
Anu to? Umiibig naba ako?

Mapaglaro talaga tong si kupido,
Polyo, numero uno!
Akalain mo? Nagkaklasi pa tayo?
Sa harap ko pa talaga ka umupo

Siga at Astig ako sa mga kaibigan ko
Pero pagdating sayo, nauutal ako
Parang gusto ko nakatitig lang sayo bawat minuto
Pagmamasdan ko bawat kanto at kurba ng mukha mo

Naging inspirasyon ka sa bawat exam ko
Dahil ayokong mapahiya sayo
Naging malapit tayo
Kulang na lang nga maging tayo

Kachat, katext at Kacall kita
Sa mga panahong di tayo nagkikita
Mas lalong nahulog ako sayo
Na nasabi kong, mahal ko nang taong to

Alam ko imposible
Kasi di ako yong tipo mong babae
Babaeng maganda at may kurba
Na pweding ipakilala sa iba

Okay lang naman sakin
Na kaibigan lang ang iyong tingin
Pero sana hayaan mo lang ako
Na mahalin ka ng aking puso

Masakit mang isipin at tanggapin
Ako'y nagpapasalamat parin
Dahil ikaw ang nagpadama sa akin
Na ang pag-ibig ay may ibat-ibang ibigsabihin

Ang importanti, natutu ako
Nasa pag-ibig, di mo kailangan manalo
Kahit talo man ako sa puso nga taong mahal ko,
Masasabi ko naman na magmahal ako ng totoo. ❤

(wag po kayong matakot magmahal' dapat mas mahalin mo lang nga buo ang sarili mo bago ka magmahal. Pain is the long lost twin of love 😉😇)

Tula sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon