The Laiterong Gwapo

12 0 0
                                    

Pag may negative daw na nangyare sayo sunod nun positive then negative ulit at susundan nanaman ng positive. Eh, bakit sakin magkasunod na malas? Lumaktaw?! O baka dahil may Morgan Lucas na nasa paligid kaya walang magandang nangyare

Hayy. Bat ba parang ang sama ko namang kaibigan sa kanya para isiping siya ang malas sa buhay ko

"Tss. Sugat ko! Sugat!"

Pinagdidiinan niya pang sabi. Minsan talaga ang childish niya

"I know, hindi ako bulag"

I said cool para kunyari hindi talaga takot

"Tss. Nadamay nanaman ako sa kadramahan mo"

"Pwede kanya kanyang trip? Nasasaktan ako eh!"

Ang laitero na, ang pakielamero pa. Kung hindi lang talaga kita kaibigan, nakooo!

"Alam mo walang mangyayari sa pag iyak iyak mo. Masyado kang bitter, ipakita mo sa kanya na kahit maliit at mataba ka, in short mukha kang gasul. Walang kwenta sayo ang problema at lalo na ang tulad niya"

Naluluha nanaman ako, hindi dahil sa may panlalait nanaman siyang sinabi. Sanayan na lang siguro sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Kaya siguro mahal ko itong kaibigan ko dahil once na magseryoso siya sa sasabihin niya, matatamaan ka. Hindi man ganun ka-hard pero sure masasaktan ka pa rin

"Bakit kasi kayo ganyan... Pinili nga namin kayo dahil nangako kayong mamahalin niyo kami... Na hindi niyo kami sasaktan! Tapos.... Tapos... Iiwan niyo na lang kami basta basta!"

Tumodo lalo ang pag iyak ko. Nakakainis naman kasi..

"... Bat ganyan kayong mga lalaki, mas pinapahalagahan niyo pa ang gadget tas kaming mga babae pinag lalaruan niyo!"

Napahagulgol nanaman ako. Nagpakawala nanaman ng maraming luha ang mga mata ko. Its been four months! Four months na naaalala ko pa rin yung past namin at paulit ulit rin yung sakit... Hindi na ba ito matatapos? Ano bang ginawa ko para iwan niya na lang ako without reasonable reason?!

"Abaa! Hindi ako IT at lalong hindi ako siya!... Kasalanan niyo rin naman yang mga babae ehh"

"At bakit?!"

Bakit abeeeerrr! Paki explain! Bat sa babae na lang lagi ang sisi?

"Kasi kayong mga babae hinahanap niyo Mr. Perfect. Eh, hindi naman kayo perfect"

"Were not looking for a perfect guy! Hindi niyo ba naisip na baka ang hinahanap namin ay right man?!"

Nagsisigawan na kami sa loob ng clinic. Pero wapakels kahit pinag titinginan na kami ng ibang pasyente dito

"Naghahanap kayo ng right, puro naman kayo left! Ibig sabihin tao siya, baboy ka! Gwapo siya, panget siya!"

Huhuhu.. Ganito ba talaga ang offer niyang tulong para maka move on ako? Masyadong masakit ahh

Hindi ko ito mapapalampas!

"Bwisit ka!"

Pinaghahampas ko siya gamit yung unang gamit ko kanina, siya naman todo salag

"Bakit?! Totoo namang panget ka ahh!"

Tinigil ko na ang paghampas sa kanya mukha na kasi ako baliw dito, gulo pa ng buhok ko. Paano mag papanget ng walang effort in Eisha Cervantes way. Plee!

"Hindi yon. Tinalsikan mo ko ng laway, dalawang beses!"

Kadiri lang talaga. Mamaya kung anong kinain niya at baka hindi pa siya nag toothbrush. K. Maarteng panget here!

I know this man. Believe me, hindi niya alam ang personal hygiene! Wala sa dictionary niya yun. Pogi lang talaga siya.

"Talagang bilang mo ha."

"Oo naman gagantihan kita ng tatlo"

Lumapit ako sa kanya at saka kunyaring dudura talaga habang siya'y hinawakan ang noo ko para malayo ang mukha ko sa kanya.

Mukha talaga kaming timang!

Bigla namang dumating ang isang SA at inawat kami ni Molu.

"Hoy, tumigil nga kayo magsasakitan nanaman ba kayo"

Pumagitna siya samin ni Molu. Kaya naman sa kanya tumalsik yung dura ko. Buti na lang hindi nya napansin. Whaaahahaha!

"Ikaw babae!"

Ako daw? dinuro niya ko gamit ang hintuturo niya sa paa. Este! Yung sa kamay niya

"Hindi mo dapat inaaway ang boyfriend mo. Ayan tuloy nasasaktan ka niya"

Sermon ng SA sakin. Nanlaki naman ang mata ko dun. Ano daw? Boyfriend ko itong kumag na to! No way, highway, sideway, in my beautiful dreams with Kev. Ayy, bakit ba nasama nanaman siya dito

Hindi ko siya type noh, kahit isipin niyo pang ang choosy kong panget

"Hindi ko po siya boyf--"

Hindi ako pinatapos ni ate sa sasabihin ko. At si Molu naman ang trip niyang sermonan. Medyo bastos!

"Ikaw namang lalaki ka!"

"Oh, anong ginawa ko sayo"

Natawa ko sa sagot ni Molu, parang bata!

Medyo natakot naman itong si ateng SA kaya hininaan ang boses niya

"Wag mo nang saktan ang girlfriend mo.. Intindihin mo na lang pag ang babae paiba iba ang mood"

Hahahaha.. Maamo niyang tugon dito. Hindi bagay!

Halatang nabadtrip si Molu kay ateng kay tindi mag advice. Kahit ako naman noh. Mayayamot pag sinabing bf kita

"Hindi ko siya gir--"

Hindi nya rin pinatapos sa sasabihin si Molu. Tuloy tuloy pa rin ito sa pagsasalita

"Dapat kayo nagmamahalan, Hindi nagsasakit--"

This time siya naman ang hindi namin pinatapos sa pagsasalita

"HINDI KO PO SIYA BOYFRIEND/GIRLFRIEND!"

sabay naming sagot at sabay nag iwasan ng tingin. Ito namang si ateng SA biglang nag MIA (missing in action)
Abaa. Ang tindi mag advice about love, mang iiwan rin naman pala bigla!

Hindi nya ba alam kung Anong nararamdaman ko ngayon? Naiihi ako!!!

Bakit?

Dahil sa atmosphere dito!
Insert background music *kruuuu~ kruuuuu~*

Awkward.

My Aevan LoveWhere stories live. Discover now