Monica Kaye Villanueva

8 0 0
                                    

Dahil maganda ako, point of view ko ito. Nasaan ang mga bida? Ayun MIA. Kaya mag focus na lang tayo sakin. Yup, sakin talaga, POV ko ito eh. Alangan naman sayo o kaya sa katabi kong  ... Urgg. Hindi ko alam na may nag exist palang ganyang mukha.

Anyway, I need to introduce myself, baka naman kasi isipin niyong rude ako o kaya gaya gaya ako kay Eis na nag inarte na lahat lahat hindi pa napakilala ang sarili. I'm Monica Kaye Villanueva, Communication Advocate 😊 at ang napaka gandang kapatid ni kuya Molu. Oo, magkapatid kami, magkaiba lang ng tatay

Where am I? Nandito ko ngayon sa cr ng girls sa first floor. And yes, mawawala ba ang pagselfie. 🎶Ipakita sa buong mundo ang magandang cr ng ucc. Pang mayaman, pang may class🎶
Kanta ko sa isip lang.

Kanina pa nga ako iniirapan ng babae dito. Ayt! Ganda niya, ganda niya lang talaga!
Syempre, joke yun! Mukha siyang alipunga noh.

Makaalis na nga dito bago pa mapasa sakin ng babaeng to sakin ang sumpa niya.

🎶Lalalaal~ Lalalala~🎶 Papunta ko ngayon sa paburito kong tambayan. Saan? Sa puso mo. Charooot!

Sa mini garden kuno papasok ng building. Ako lang natambay dito, ako lang ata ang gustong busugin ang mata ng maala Adonis na lalaki dito sa school. Mabuti na rin yun, para wala akong kaagaw sa pag boy hunting

"Problemamo?"

Sabi ni Mikay ng walang space. Kabigla naman ang babaeng to, bigla-bigla nasulpot!

"Wala, di ka makaka relate."

Panira much ng view to. Nahagip na nga ng mga mata ko si kuya Michael eh. Hayy, ang igop niya talaga ang kaso hindi niya naman ako napapansin 😥 saka hindi uso ang pagpapalit ng damit sa kanya. Araw araw ganun eh! Turn off!

"Sige na. Ano nga?"

Pangungulit niya pa. Spell Chismosa?

Umupo siya sa tabi ko. Dun ko lang napasin si Jayann na busy naman sa pagtext. Ang liit kasi ng babaeng to eh.

"Ganda problem. Oh, di ka relate di ba?"

Sinimangutan niya ko saka umalis ng padabog. Parang si Eisha rin to eh, pag sinabihan ng panget naniniwala kaagad. Bat pa kung sino pa ang maganda, sila pa ang feeling panget. At kung sino pa ang panget sila pa ang nag feeling maganda, yung iba ang aarte pa! Ayt! Buti pa ko pinanganak na alam ang katotohanan kaya may karapatang mag inarte. Whaaahahaha! 😉

"Nakita mo ba si Lucas?"

Pagtatanong ni Jayann. Mukha ba akong tanungan ng nawawalang boyfriend?

"Nasa cr"

Sagot ko kahit hindi ko naman talaga alam kung nasaan si kuya. Technique yan, pag may gusto kang paalisin

"Anong ginagawa dun?"

Tungunu. Ano bang ginagawa pag nasa cr 😒

"Nangungulangot... Gamit ang hinlalaki niya sa paa"

Inirapan niya ko saka rin ako iniwan. Bastusin! Kaya di ako boto maging ate siya ehh

Matagal pa ang next class ko. 7 am hanggang 10 am ang klase ko kanina, eh mamaya pang 4 pm uli ang klase ko. Ang saya di ba? Sobrang bait nang nagbigay ng schedule na yan!

"Miss hindi ka bagay dyan"

Sabi ng isang boses galing sa likod ko. Hindi na ko nag effort na lingunin siya. For sure hindi siya igop. Kasi naman! Pumupunta nga ako dito para makakita ng gwafuuung forever katulad sa mga nababasa ko sa secret files pero shokoyyss naman ang lumalapit sakin. Last time, amapola ang lumapit, tinanong ako kung nakakaganda daw bang umupo dito. Kainis!

Hustisya naman di ba!

"Hey"

Sabi uli niya. Maypa hey pa si koya. Ignore lang! Ang tunay na maganda isnabera. Saka mamaya hindi pala talaga ako ang tinatawag, edi napahiya pa ko

"Hmmm. Ang ganda mo"

This time sure na ako yung kinakausap niya. Binanggit yung palayaw ko ehh

"Ouch!"

Reply ko na parang nasaktan talaga.

"Huh?"
At lost niyang sagot. Medyo slow

"Truth hurts"

Nung naintindihan niya na (talk to turtle) tumawa si koya tapos humalakhak, then humagalpak na. Nakakahiya tong taong to

"Hoy, tumigil ka na. Baka mautot ka"

Tumigil naman na siya sa pagtawa. Meron talaga kong kapangyarihan magpatigil eh. Ang tawag dun Beauty Power, oh wala ka nun noh?! Balik tayo dito. Ang lupit ng kakapalan ng mukha nito ni kuya, umupo ba naman sa tabi ko. Nilapastangan niya ang kagandahan ko.

This is war!!

Nilingon ko si koya kahit na baka masuka lang ako

And...

Dugdug

Dugdug

Dugdug

....

Ang...

"Ineng, alis dyan baka mahulog tong minamartilyo ko matamaan ka"

Ang lakas makaepal ni manong 😑 akala ko puso ko na yung maingay ehh

"Hi."

Sabi niya sakin.

Whaaaahh! Tell me, nasa heaven na ba ko. Bakit may anghel sa harap ko. Red lips... Pointed nose.. Kutis na maala only belo touches my skin. Wengya! Panis ang bilad sa araw kong balat

"Ahhh..."

Nakaupo lang kami dun ng magkatitigan. Alam mo yung feeling na parang nawala ang lahat ng nasa paligid namin at tanging siya lang ang nakita ko

Sobrang kinikilig na talaga ko to the point na parang maiihi na ko. Pero umatras yung ihi ko, nahiya ata sa eksena nang dalawang to sa harap ko.

Kuya Molu: Jay wait nga lang!

Jayann: what again Lucas? Alam mo pagod na ko eh, lagi kang absent pag kailangan kita

Kuya Molu: You need me, pero iiwan mo ko?

Jayann: Alam mong wala akong choice

Kuya Molu: Meron! ayaw mo lang pumili

Alam niyo yung popcorn na lang ang kulang pero dahil wala, kuko mo na lang

Jayann: wag na nating pag usapan muna to

Kuya Molu: Kelan natin pag uusapan? Pag paalis ka na

Halatang yamot na yamot sila sa isa't isa. Tumalikod si Jayann at naglakad nang mabigat ang mga paa at damdamin. Charr! Yan ang hirap sa mag bf at gf eh, pag may hindi pagkakaintindihan lahat na ng bagay hindi mapagkakasunduan hangang sa maglalakad na lang papalayo sa isa't isa

Tsk. Wag na nga sila ang pansinin natin. Nilingon kong muli yung katabi ko ...
Teka.. Nasaan na yun?

"Oh, saan ka pupunta?"

Sigaw ni kuya Molu. Kahiya tong dalawang to dito pa talaga nag away. At nanira pa ng moment! Kainis!

"Dyan. Po. Sa. Labas. Bibili ng kendi. Putres!"

Bibili lang pala dyan sa labas. Oa nito ni kuya! May pag drama pang nalalaman. Bakit di niya sundan? O kaya tali kita sa sarili niya para di makalayo. Jusme! Tumawid lang ng kabilang kanto, magkabilang mundo na ang drama. Nakakaloka tong magjowa! Sakit sa kilay!

Mabato nga itong korning lalaking to. Lakas makasira ng moment ehh.

"Badtrip ka!"

Sigaw ko matapos siyang batuhin ng maliit na bato. Maliit lang ayaw kong magkaroon ng panget na kuya

"Aray! Bakit!"

Inirapan ko siya saka nagwalk out na rin. Syempre may drama rin ako, ano sila lang.

I took my phone from my pocket. At mag post ako sa akong Facebook. Paki like ahh

"Some people are worth melting for 💕💕"

Post.

My Aevan LoveWhere stories live. Discover now