Strange Letters

38 0 0
                                    

This is based on a true story of a person I once knew. Then I was inspired, it made me think to write my friend's thoughts to the person who made my friend's heart bloom to gloom.

April 6, 2011

 Dear You,

Hindi ko alam kung saan ito tutungo. Kung may makikinig ba sa hinanaing ng aking puso. Sa kwento ng makulay kong buhay ngunit puno naman ng pakikipagsapalaran. Hindi ko rin alam kung kelan matatapos 'to. Kung kelan ko titigilan ang pagsusulat sa'yo. I don't even know who to trust with my rants or silly stories. Kasalukuyan akong nakaharap sa aking laptop. Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa'yo. Kung nauurat ka na at hindi pa ako nagkkwento, I think it's better to choose another story. 

May ipapakilala nga pala ako. Si LTN06. Si LTN06. Ang tanging dahilan kung bakit ako nagpupuyat gabi-gabi. Kung bakit dumami ang tighiyawat ko sa mukha at kung bakit patuloy ang pangingitim at pagdudugo nitong aking puso. Oo, alam mo na siguro kung anong meron sa kanya. Mahal ko siya.

Hindi muna ko magkkwento tungkol sa kanya. Minsan kase, ayoko ng maalala yung mga masasayang oras at araw na magkasama kami. Sometimes, I have tons of dilemmas. Iiwan ko na ba siya? O kakayanin ko pa? Haaaay. Sobrang hirap naman. Ikaw ba? Sana sumagot ka sa mga tanong ko. Masaya ka bang umiibig o hindi? Nahihirapan ka rin ba tulad ko?

Alam kong hindi mo ako kilala. O makikilala kailanman. Isa lamang akong hamak na tao tulad mo. Naghahanap ng mga bagay-bagay na makakapagpasaya sa kanya. Ako nga pala si X. Tawagin mo na lamang akong X. Bakit? Kase sa mundong tinitirahan natin, Kahit pangalan nahuhusgahan. Lahat ng tao hinuhusgahan tayo kahit hindi pa tayo nilang lubos na nakikila. Natatakot ako. Na baka pati ikaw din, na nagbabasa nitong sulat ko ay manghusga. Kaya't minabuti ko nalang na hindi magpakilala. 

Nag-aaral ako ngayon sa isang State University sa Pilipinas. Journalism ang course ko. Pangarap ko rin maging isang sikat na manunulat o editor ng isang dyaryo o magasin. Nangarap din ako tulad mo. Nagsimula ng nagkaroon ako ng muang sa mundo - High School ako noon.

Syempre, andami ko ng nakakasalimuhang tao. Natuto akong umibig, mabigo, mangarap, matumba, at higit sa lahat maging matapang. Pero bakit? Bakit pagdating sa taong mahal natin ay hindi na natin kayang maging matapang ulit? Kahit ilang beses natin sabihin sa saating sarili na "kaya kitang kalimutan." Hindi pa din eh. Sa huli, gusto natin na maramdaman rin nila ang nararamdaman natin. Ngunit hindi pwede, dahil wala naman tayong karapatan iparamdam sa kanila ang hinanakit ng ating puso dahil unang una sa lahat... hindi natin sila nakuha. 

Sa ngayon, ka-chat ko ang aking dalawang kaibigan. Humihingi din sila ng payo sakin para sa mga iniibig nila. Pero nasa isip ko, kung kaya ko silang payuhan, bakit ang sarili ko hindi? Eh paano ba naman. Hindi naman nakikinig yung sarili ko sa mga sinasabi ng mga tao. 

'"Mag-move on ka na!"

"Makakahanap ka rin ng bago!"

Pero kahit anong sabi nila, mahirap pa din eh. Mahirap pa din eh.. Minsan iniisip ko nalang habang sinasabi nila ang mga linyang yan "Putek! Edi kayo mag move on!" Pustahan, di rin naman nila magagawa agad agad yan pag sila na ang nasa sitwasyon ko.

Ganito naman kase ang realidad ng buhay. Kapag umibig ka, imposibleng hindi ka masasaktan. Dahil kung sino ang mas nagbibigay ng mas marami, sya ring mas makatatanggap ng maraming pasakit. Tulad ng nangyari samin ni LTN06. Sa simula oo, pareho kaming nagbibigayan. Pero sa huli, habang pahaba ng pahaba ang panahon na may namamagitan samin, ako nalang palagi... ang nagpapakita ng totoong pagmamahal... Sa susunod nalang na magkita ulit tayo. Magkukuwento na ako saiyo. Paalam..

Sa susunod muli,

X.

Strange LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon