Strange Letters - 1.2

15 0 0
                                    

April 8, 2011

 Dear You,

Pasensya kung hindi ko pa kayang ikwento sayo si LTN06.  Hindi ko rin kayang banggitin ang mga letra ng pangalan niya. Pero mahirap itago ang nararamdaman, kaya't minabuti ko nang laksan ang aking loob para ikwento sa'yo ang naging istorya ng relasyon naming dalawa...

Nagsimula kaming  magkakilala nong tumungtong ako ng High School sa isang bayan sa Laguna. Doon ako nagtapos ng elementarya. At syempre, taon taon, naghahanap kami ng bagong makikilala. If ever there were transferees from other schools. Lumapit sa akin noon yung kaibagan kong si Sarah.

"Uy X, Balita ko may bagong transfer daw ah!"

"Ka-batch natin? Akalain mo yun. Pinili yung school natin."

"Oo! Nagulat nga ako eh. Kaso sayang. Hindi natin naging kaklase."

"Sayang naman! Anong section?"

"Hindi ko maalala eh. Tara tignan natin yung list of enrollees."

First day ng klase noon. Alam kong hindi na kami pwedeng lumabas ng classroom dahil magsisimula na ang napakahabang orientation ng mga teacher naming nakakaasar na walang mapagawa kundi "Write an Essay about your summer vacation.".

Napaka-pasaway naman kase ng tropa kong si Sarah.

"Ma'm! May I go out?"

"No. The orientation is about to start."

"Ma'm! Si X, Sumasakit ang tiyan!"

Sabay siniko ako sa tiyan.

"AAAAAAAAAAWWWWWWWWWWWWWWW!"

"Ma'm! Bilis! Baka mapano 'tong kaibigan ko!"

Matagal na kaming magkaibigan. Childhood bestfriends kami kase yung mga nanay namin magkakaibigan din nung High School sila at nagkasundo silang mag-kaanak ng sabay. At ayun, itinuloy ang friendship nila samin.  

Bumaba kami ni Sarah sa GF ng school namin, at tinignan ang bulletin.

"X! Ayan sya oh! Si  __________________"

Pasensya talaga sa'yo. Kung binabasa mo 'to. Hindi ko pa talaga kayang bigkasin ang pangalan niya.

____________________________________________________________________________

"X! Ayan sya oh! Si LTN06"

Hindi ko din alam kung bakit naging eager akong tumakas sa classroom para lang din tignan kung  anong pangalan niya, na sa ngayon, nahihirapan ako kung kakalimutan ko na ba siya o hindi pa.

Dumaan ang mga araw, na nakikita ko lang siya parati sa school. Hindi ko naman siya nakakausap dahil palagi lang akong nakasama sa kaibigan kong si Sarah at sa mga kaklase ko. Bihira rin naman kase akong makipag-kaibigan sa mga ibang section. Hindi ko alam, Maybe I just have some inner conflicts about myself regarding of my being sociable.

Mula noon, hindi ko na nakausap si Sarah about kay LTN06.....

Nagkaroon kami ng konting pag-uusap. Sa text nga lang. May upperclass kase kaming gumawa ng text clan at kasali sya doon. Wala pa naman sa isip ko yung mga pag-ibig na yan noon! Kaya't parang wala lang siya sakin. Isa lang siyang taong kilala ko.. Nothing special about it. Hanggang doon lang. Hi, Hello, Bye lang naman parati ang mantra namin.

Naaalala ko pa noon, bandang Sophomore na ako sa High School, Iniiscroll ko lang naman yung contacts ko. Nakita ko yung pangalan nya doon. Naisip ko, bakit kaya hindi na kami nag-uusap? I tried to text LTN06 pero walang reply. Siguro nagpalit na sya ng number non. At saka, Wala lang ulit sakin. Hindi pa naman sya malaking kawalan ng panahon na iyon. At may iba akong minamahal noon. Na ngayon ay nakalimutan ko na.

Pero kung tutuusin. Pareho lang naman ang pinagdaanan ko sa kanilang dalawa pero bakit ang hirap nyang limutin? Ikaw? Nahihirapan ka rin bang limutin yung taong minahal mo? Pero wala ng dahilan para ipagpatuloy pa ito?

Sana nasasagot mo rin yung mga tanong ko, Hindi ko na kase alam kung kanino ko to sasabihin. Nowadays, mahirap na magtiwala sa mga tao. Kahit kaibigan mo yang tunay. Minsan, magugulat ka nalang na bigla nya nalang sisirain ang tiwala na ibinigay mo sa kanya.

Hindi ko na maalala ang ibang memorya dahil naniniwala ako na, Ang mga bagay bagay, maaalala mo lang yan pag binigyang importansya mo na yan. Kung wala, mananatili nalang yang nakabaon sa likod ng utak mo at kailanman ay hindi na ito mabubungkal...

Nagsimula kaming mag-usap ng regular noong Junior ako.

Teka dumating na sila Mama at Papa galing office. Tutulong muna ako sa kanila. Sa susunod na magkita ulit tayo. Sana nakikinig ka sakin.

Love,

X. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strange LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon