After class ay umuwi na agad ako at feeling ko ay pagod na pagod ako sa nangyayari sa school kanina."Hi Mom!" bati ko dito sabay halik sa pisngi
"Hello, kamusta ka?"
"Ayun pogi pa din naman at pinagkakaguluhan parin" sabi ko at sabay taas baba ng kilay
"HAHAHAHA Loko ka talaga, anak" luh? Hindi ba siya naniniwala dun?
"Grabe ka mommy! Hindi ka ba naniniwala!?" kunwaring padabog kong tanong
"HAHAHAHA oo na oo na" sabi neto "Magbihis ka na at magpahinga ka" dagdag pa.
"Okay!" sagot ko at dumiretso sa kwarto ko.
Hayst! Feeling ko ang lungkot lungkot ko!? Bakit ba kasi bigla na lang din siya nawala!? Saan naman yun nagpupunta!? Nakaka irita siya! Mawawala na lang sa room biglaan!
"Eh? Bakit ko naman siya iniisip? Bahala na siya dun! Tsk! Pambihirang babae!" sabi ko sabay lundag sa kama ko. Matutulog muna ako.
Ttttttttzzzzzzz
-------RRRIIINNNGGG-----
Ang ingay naman. Ano ba 'yun!?
Napadilat ako ng aking mata at nakita ko na madilim na sa labas. Nang tignan ko naman ang orasan ko ay alas singko pa lang ng umaga.
Ganun ba ako kapagod? Ang dami naman ng tulog ko?
Napagdesisyonan ko na mag jogging na lang muna dahil sa maaga akong nagising ngayong araw.
Hindi man lang ba ako ginising nila mommy? Tsk. Nalipasan tuloy ako ng kain.
Nang mapagod ako ay pumunta ako sa isang 7/11 store sa na malapit sa quadrangle. Sa pagbili ko ay nakakagulat kung sino ang nakita ko dito.
Anong ginagawa niya dito? Nang ganito ka aga?
Nag tuloy tuloy lang ako at nakayukong nagbayad at dahil sa naka sumbrero ako ay natakpan ang aking mukha. Pagkalabas ko ay muli akong sumilip sa store at hindi talaga ako nagkakamali. Siya talaga 'yun.
Pagkauwi ko ay mag a-ala syiete na ng umaga. Bungad naman sakin si mommy na nasa kusina. "Oh? Ang aga mo naman magising? Saan ka galing?" tanong neto. "Nag jogging lang ako sa quadrangle, hindi mo naman ako ginising ka gabi" sagot ko sabay halik sa pisngi nito.
"Aray naman!" hasik ko noong binatukan niya ako. "Ginising kitang bata ka! Masyado ka lang talagang tulog mantika!" pagtataray neto "Pareho kayo ng tatay mo. Tsk!" dagdag pa nito.
Kumain lang ako ng konti at umakyat na upang makapag bihis na at makapasok na nama sa eskwelahan.
Kailangan kong magmadali bubungangaan na naman ako nila Bryce neto! Tsk!
Nang matapos ako ay agad akong bumaba upang magpaalam at umalis na. Naging diretso naman ang takbo ng sasakyan ko dahil hindi masyadong traffic.
Bakit parang ang tahimik ng buhay ko? Nakakapanibago. Madalas kasi sa ganitong oras ay medyo traffic na ngayon lang nag kaganito na dire diretso ang takbo.
Pagkadating ko nga ay hindi ako nagkakamali nauna parin sila dito. "Ang tagal mo naman!" sabi ni Drake "HAHAHAHHA nag jogging pa kasi ako kata nalate ako" sagot ko. Gulat naman silang tumingin sakin "wow! Grabe naman kayo makatingin! Napaaga lang ang gising ko ngayon!" hasik ko na una ng maglakad.
Ano kayang ginagawa nun doon? Minsan lang naman kasi akong magpunta doon kaya ngayon ko lang yun nakita. Dati naman ay wala yun doon. Ayst! Bakit ko ba kasi yun iniisip!? Tsk, bahala na!
Nakinig na lang ako sa klase at ngayon ko lang na pansin na hindi ko kaklase ang babaeng yun za subject na to! Nakakairita! Tsk! Wala pa akong maisip na pang bawi sa kanya! Naiinis na ako.
Sinawalang bahala ko na lang muna at mamaya na lang ako mag iisip ng pang bawi.
Author's note,
Sensya na po! Ngayon lang nakapag update huwag kayong mag alala summer na rin naman eh. Gagawin ko ang makakaya ko upang regular na makapag update! Thank you!
YOU ARE READING
I'm inlove with a Man Hater
Teen FictionSean Laurence Tan ay kilala bilang maloko, gwapo, matalino na lalaki sa university. Hinahanggaan ng karamihan dahil sa taglay na talino at itsura, masaya ang buhay niya not until he met Ylona Carlos, the man hater of the university.