OFF

46 1 4
                                    

Ini-off ang phone

Nang tumawag ako sa hapon.

Ayaw sanang sakit ang isipin,

Ng isip kong paulit-ulit pa ring nabitin.


Ilang mga taon na ang lumipas,

Subalit ganito pa rin ang dinaranas.

Ilang taong sinubukang mabura sa isipan,

Ngunit kataga ng puso'y nais pang dugtungan.


Bakit ba 'di katanggap-tanggap,

Ang puso mong kaibigan lang ang hanap?

'Di kaya'y parusang hatid ng langit,

Sa mga desisyong gusto kong mangyaring pilit?

SILAKBO (Emotional Outburst)Where stories live. Discover now