Paano ba ipapaliwanag
Ang damdamin kong hungkag
Kanina ko lamang ito nababanaag
Ang sarap-sarap na talagang tumiwalag!
TUMIWALAG!
Sa mundo kong puno ng habag.
Wala na ba akong karapatang ikaw ay maisnab?
Ang hirap magmay-ari ng pusong paulit-ulit na sayo'y tumatawag!
Kainis!
Gusto kong mainis!
Mainis sa sarili kong puno ng hapis!
Bakit ko nararamdaman ang iniiwasan kong hinagpis?!
MAHAL KITA.
Hayun naman pala.
Ngunit nais ko na itong iluha.
Ipalabas sa puso ko at ipaanod sa lupa.
Subalit mahal, mahal pala talaga kita.
Oo nga naman pala't nakalimutan ko na sana.
Ang nais ko lamang kasi sana'y matigilan ko na.
Ang kahibanga't katangahan ng puso kong sirang-sira na talaga!
Ninanais pa ng puso kong mahalin ka pa.
Pero grabe naman talaga ang hatid nito sinta.
Inaanod na ako ng sarili kong mga luha't gunita.
Dinuduyan... kinakantahan... pinapatahan.
Patawad.
'Di ko na matupad.
Ang pangako kong inilantad.
Nang mga panahong sayo'y napadpad.
Hindi bale na lang na ako'y magdusa,
Basta maprotektahan lamang kita, sinta.
MAHAL KITANG talaga, sorry napatagal pa.
Kaya pakakawalan na kita, malaya ka ng lumigaya sa piling ng iba.
YOU ARE READING
SILAKBO (Emotional Outburst)
RandomMga kataga ng pusong pilit na tinitipa sa mundo ng teknolohiya.