Jeon Seomin's pov
Nakahiga kami ngayon ng aking kapatid sa kama namin dito sa hotel para magpahinga dahil may flight pa kami mamaya. Bakit kaya ang tagal nila mommy?
Biglang may tumawag sa cellphone ko at kinuha ko iyon sa tabi ko. Tinignan ko ang caller ID at si mommy ang tumatawag. Sinagot ko iyon. "Anak Seomin, cinancel ko ang flight natin today. Me and your dad have a lot of things to finish here kaya hindi tayo makakauwi ngayon. May isa pa akong binooking na flight for us tomorrow, 10 PM ulit, paki sabi nalang kay Seojin."
"Okay mom. Sige po."
Nagpaalam na si mommy at inend narin namin ang call pagkatapos nun. "Ano sabi ni mom, Seomin?" Tanong saakin ni Seojin. "Sabi ni mom na cinancel niya raw yung flight for today dahil madami pa silang gagawin sa office. They're a lot busy. Nag booking si mommy ng flight for tomorrow, 10 PM ulit." Sabi ko.
"Ahh okay." Sabi niya saakin habang kinakamot ang mga mata niya.
"Matulog na tayo, antok na antok na ako." Ani ko sakanya.
*BUKAS*
"GOOD MORNING KAMBAL!!" Sigaw ko sakanya. Hinagisan niya ako ng unan sa mukha ko at sinabing "Manahimik ka nga! Ingay mo!" Sigaw niya saakin. "Di ka gigising?! Di ka gigising?! Iiwan ka namin ni mommy dito sa U.S kapag di ka gumising! Tse, alis na nga ako. Pupunta ako sa labas! Diyan ka na nga!" Sabi ko sakanya na parang bata na may sumpong.
"Oo na! Oo na! Ito na! Tatayo naaaaa!" Sabi niya at ngumiti ako dahil natatawa ako sa mukha niyang antok na antok pa. Kanina pa ako gising at nagbihis dahil sabi ko ay pupunta ako sa labas paggising ko. Ginising ko nalang si Seojin ng tapos na ako kaya ito ako ngayon nanonood sa tv dahil naghihintay.
"Tagal mo!!" Sigaw ko sakanya.
"Teka lang! Badtrip!" Sabi niya na nakabusangot ang mukha. Pagkatapos ay lumabas na kami. Excited na daw siya, so ibig sabihin ay hindi na siya inaantok dahil ngiti siya ng ngiti habang naglalad kami eh. Naglalakad kami ngayon dahil ang aming driver ay nasa Korea.
Biglang may nabangga si Seojin na isang lalaking naka earphones sa tenga at nahulog yung cellphone ng lalaki tapos nabasag pa ang salamin nito. "I-Im s-sorry. I didn't mean to-" Naputol and sinabi ni Seojin nang magsalita yung lalaki. "It's okay, it's just a cellphone. It's not like it can affect my health." Sabi nung lalaki sakanya. "I'm still sorry." Nag bow si Seojin sakanya. Siguro naweweirdan yung lalaki kung bakit siya nagbobow. "Korean ka?" Tanong nung lalaki biglang nag salita ng korean at tumango lang si Seojin. "Oh, wag ka na mag bow. It's really fine. I'll get going." Sabi nung lalaki at umalis na.
"Wow Seojin, korean rin pala yung lalaking yun." Sabi ko sakanya at mukha niya ay hindi interested. "Bakit?" Tanong ko. "Eh kambal, nasira ko cellphone niya. Syempre ang cellphone ay importante sa isang tao. Kapag may emergency diba tatawag? So cellphone ang gamit. Naguiguilty ako kambs, nabasag ko cellphone niya." Sabi niya na naka frown ang kaniyang mukha.
"Kambal, sabi naman niya ay okay lang naman daw sakanya. Malay mo mayaman yung lalaking yun kaya walang problema sakanya na masira cellphone niya." Pinalo niya ako. "Tange ka kambal! Wala naman yan kung mayaman or mahirap ka eh!" Sabi niya saakin. "Sorry na sorry na" Sabi ko.
*after 1 hour*
Jeon Seojin's pov.
Naguiguilty parin ako dahil nasira ko ang cellphone nung lalaking nabangga ko kanina. :((. Ngayon ay nasa isang kainan kami ng aking kapatid na gutom na gutom dahil hindi kami kumain ng breakfast.
"Kanina ka pa tulala diyan. Cellphone lang naman yun. Sabi ko nga sayo eh baka mayaman siya kaya siguro walang problema sakanya masira ang kaniyang cellphone." Sabi ni Seomin.
"Seomin, first time lang kasi ako maka sira ng gamit ng hindi saakin. So maguiguilty ako dahil yung gamit na nasira ko ay pag mamayari ng ibang tao. Okay lang sana kung nasira ko gamit ko dahil gamit ko naman yun." Haist, siguro nga cellphone lang yun.
"Sa bagay..."
"Tara! Punta tayo sa office nila mom and dad. Let's visit them!" Aniya.
Nang makarating kami sa office nila mom and dad ay binati na kami ng mga employees nila. "Good morning Miss Seomin and Miss Seojin. What can I help you?" Tanong saamin ng isang foreigner na babae na secretary ni mommy. "We are here to visit our parents." Sabi ko. "Oh we are sorry, but your parents is in a meeting right now. They'll be dismissed after an hour." Aniya.
"Oh well then, we'll get going now. We'll be back again later. Thank you." Sabi ni Seomin. "Oh! And please tell mom and dad to call us when they're finished." Dugtong niya pa.
"Okay ma'am." Sabi ng secretary ni mom.
"Thanks!" Sabi ko at tuluyan na kaming umalis ni Seomin. "Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sakanya at ngayon ay nag-iisip na siya kung saan na kami pupunta ngayon.
At ayon! May naisip ako kung saan kami pupunta! Sinabi ko sakanya kung saan kami pupunta at tumango naman siya na excited na excited.
"Taxi!" Tinaas ko ang aking kamay dun sa taxi na patungo saamin ni Seomin. Tumigil ito sa harap namin at pumasok na kami sa loob. Sinabi namin sakanya kung saan ang aming destination at tumango lang siya.
Habang nasa loob ng taxi ay kanina pa sinasabi ni Seomin na excited na excited na siya dahil ang pupuntahan namin ngayon ay sobrang laki.
"KAMBALL!!!! EXCITED NA AKOOOO!!! KYAAAHHHHH!! ANG GANDA KASSSIII NG PUPUNTAHAN NATIN AT SOBRANG LAKI! MABUTI NALANG NAISIP MO!!!" Sigaw niya habang pinapalo ako. Ganyan kasi siya kapag excited, namamalo.
"HAHAHA! BUTI NGA!! AKO RIN NAMAN EXCITED NA EHHHHHH!!!!! KASIII OMGGGGGG ANG GANDA TALAGA NG PUPUNTAHAN NATTIIIINNNNN!!!" Sigaw ko rin sakanya "Miss, please stop shouting." Sa sobrang excited namin ay hindi namin namalayan na may nakikinig pala saamin. "We're sorry" Sabi namin.
"Nandito na pala tayo Seojin." Sabi ni Seomin na patingin tingin sa paligid habang ngiti ng ngiti. Binigay ko na sa driver yung pambayad at tinggap niya ito. Pag labas niya ay sumigaw siya ng pinaka lakas at ang sakit sa tenga. "NANDITO NA TAYO!!! YAAAYYY" Hindi ko pa nasasarado yung pinto ng taxi ay tumakbo na siya papasok at hindi ako hinintay.
"Oy! HINTAY SEOMIN!!!" Sinarado ko yung pintuan sa taxi at hinabol siya. Mabuti nalang at nahabol ko siya. "Grabe ka! Hindi marunong mag hintay!" Sigaw ko sakanya habang hinihingal ako. "Sorry na. Excited ako eh." Sabi niya naman.
"Ang ganda ng amusement park na ito Seojin." Sabi niya at pumunta sa kabilang side. Sinundan ko siya. "Tara! Dun tayo!!" Sabi ko sakanya at hinila siya papunta sa gusto kong rides.
"Ayoko diyan! Gusto ko dun! SEOJIN ANO BA.." Sigaw niya saakin. "Dali na!!" Sigaw ko rin sakanya. Sa huli ay ako ang nanalo, napilitan lang siya.
"Good bye Seojin, bye Eunhee unnie, bye mom and dad. Bye world." Sabi niyang at nag sign of the cross pa. Hindi naman ito nakakamatay jusko. "Umayos ka nga." Sabi ko sakanya at nag ready dahil mag-sstart na.
__
haist! tapos na! guys, tingin niyo sino yung lalaking nabangga ni Seojin? :))
-mai