Asawa ko

1.7K 50 10
                                    

Jho

"Ay ang kulit ha" reklamo ni Maki sakin sabay tampal ng kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Kasi naman isama mo na ako Maks please!!" Pangungulit ko pa.

Pero no pansin ang lodi. Wow, petmalu brad.

"Parang hindi naman tayo mag bestfriend niyan eh." Pangongonsensya ko sakanya. Biglang pout pa.

"Tigilan mo ko Jhoana Louisse di gumagana sakin yan." Tsk! Badtrip talaga eh.

Kung di lang talaga niya kasama crush ko hindi ko ipipilit sarili ko dito. Inis naman talaga.

"Sige na please? Kahit ito na lang yung bayad mo sakin sa mga atraso mo." Sabi ko pa at tinignan siya na parang aso.

"Lagi naman na kitang nililibre after mong mag training ah?" Sabay taas ng kilay ay wow gumaganti si ate girl.

Super crush niya kasi yung teammate ko eh bawal ang outsider pag nagte-training kami kaya kailangan kasabay ko siya pumasok para lang mapanood crush niya.

"Kasi naman Maks, sige na para maging close na kami!" Sabi ko pa, baka mapilit eh.

"Si Tina nga lang ang kasama ko, tamang duda ka na naman eh." Sabi niya, napairap naman ako ng wala sa oras.

Hindi kasi ako naniniwalang si Tina lang ang kasama niya ngayon. Iniinggit kasi ako ng bruhang Tina na yun dahil makakasama nila ngayon ang Beatriz ko, opo guys sakin na siya. Pero wag lang kayo magulo baka kasi mag-break kami pag nalaman niya.

"Alam mo? Last na sama mo na talaga kahapon! Hinding-hindi na ako papayag na sumama ka pa sa training namen! Kainis ka, bahala ka nga diyan." At winalk-outan ko siya. Rinig na rinig ko naman ang pag sigaw niya ng kung ano-anong bad words hahahaha, edi nakabawi ako naging sobrang linaw naman sakin nung last line na sinigaw niya.

"Gago ka! Pag sinama kita, baka lalo ka lang mahulog! Ayaw lang kita umasa!!" Pfzhskvxkdktk!! Tanginang bestfriend sobrang sakit magsalita!! Parang sinabi niya na rin na wala akong pag-asa kay Beatriz ko!!

Napasimangot na lang ako at pumasok sa kwarto ko, opo nasa iisang condo lang kami kasi alam niyo na. Tag-tipid ang inyong mga lola.

Humiga na lang ako at nag-isip ng mga scenarios na nakakakilig na kaming dalawa ni Beatriz ko ang bida.

"Hay nakooo, akin ka na lang kasi Beatriz." Sabi ko habang nakapikit. Baliw na talaga ako..... Sakanya.

Tagal kasi mag monday para makita ko na siya. Wala naman kasi magawa ngayon umasa kasi ako na isasama ako ni Maki sa date nilang magkakaibigan, umasa akong masisilayan ko ang gwapong mukha ng aking sinisinta.

Hahahaha tangina ang corny ko.

Kaso negative!!

Kinuha ko na lang ang laptop ko at ginawa ang routine ko edi ano pa? I-stalk siya.

Pero wala akong nakitang relevant dahil puro nagpo-post lang sa wall niya na mga kajejemonan ang mga karibal ko. Mga hitad! Ako nga hiyang-hiya mag message ng Hi kayo nakakapag ily pa sa wall niya! Tinitignan ko na rin kung nila-like niya ba or nagco-comment siya. Pero dahil loyal siya sakin (na inimagine ko lang) seenzoned lang siya sa mga haliparot, tama yan dahil masama ako magselos, char.

Eto yung mga nakalagay.

Kabayo ka ba? -cause I wanna ride on you beibi.

Kailangan mo ba ng personal massuer? Free ako lagi at may place ako 😽

Openminded ka ba? Ang 500 mo gagawin kong 50K!! Just message me and papayamanin kita! Pawer!

Jhobea one shots Where stories live. Discover now