"Please Bea, Let me go."
"Jho, babe. Isang chance na lang oh.. Alam kong may iba ka ng mahal ramdam ko yon kahit araw-araw tayong magkasama, hindi na parehas ang mga ngiti mo, pero babe please. Ipapaalala ko sayo ang nakaraan natin. Kung gaano tayo kasaya, wag mo naman itapon ang apat na taon nating pagsasama please babe." kitang-kita ko ang pag-agos ng kanyang luha habang nakaluhod at nag-mamakaawa siyang bigyan pa ng pagkakataon ang relasyon namin.
"Bea please rin, hindi na ako masaya sa kung anong meron tayo. Sana maintindihan mo rin ako. Hindi na kita mahal at hinding-hindi na maibabalik ang nakaraan natin. Pumayag ka na please nahihirapan na rin ako. Itigil na natin 'to." Bigla naman niyang tinanggal ang mga kamay niya sa kamay kong hawak-hawak niya at biglang yumuko.
"May iba na ba talaga?" Sabi niya ng hindi ako tinitignan at pinipigilan ang pag-agos ng luha.
"Pasensya na Bea, pinigilan ko naman eh. Nawala na talaga, at oo. Meron na."
Jho
Yan ang huli naming pag-uusap ni Bea. That was exactly a year ago. After that wala na siyang paramdam, miski anino niya hindi ko nakita.
Napaluha na lang ako after ko maalala yan habang tinititigan ko ang litrato naming magkayakap.
Alam kong mali ako, wala akong karapatan na maramdaman ito. Ako nakipag hiwalay at ako ang nagkaroon ng iba.
Dalawang buwan bago kami mag hiwalay ni Bea nakilala ko si Nico. Iba ang naramdaman ko sakanya dahil marami silang pagkakahawig ni Bea sa ugali at kilos. Nagustuhan ko siya matapos ang isang buwan at napapadalas ang paglabas namin, nung mismong araw na naghiwalay kami ni Bea siya nagtanong kung pwede siyang manligaw sakin at ang dahilan ng pakikipag hiwalay ko kay Bea.
Nung nililigawan niya ako naging masaya ako pero hindi rin ito tumagal ng bigla kong napagtanto na lagi kong hinahanap ang mga katangian ni Bea sakanya, at nadidisappoint ako everytime na magkakaiba ito sa kung paano si Bea.
Nagustuhan ko siya dahil marami siyang katangian ni Bea.
Dun ko nakumpirma na mali ang desisyon ko. Napakatanga ko na nasa akin na ang nag-iisang Bea De Leon ay pinakawalan ko pa.
At kada gabi na maalala ko ang katangahan ko naiiyak ako.
Marami akong what-ifs sa utak ko.
"Babe, sorry na. Bumalik ka na sakin, promise ko sayo na ako na ang pinaka magiging da best na girlfriend maging tayo lang ulit o kaya naman diretso kasalan na." Parang tangang kausap ko sakanya sa litrato.
Bea please, magpakita ka lang itatama ko na ang mga kamalian ko. Sobrang miss na kita.
Hindi ko namalayan sa kakaisip sakanya ay nakatulog na ako.
Kinabukasan
Everday naman akong lutang pero parang bago today kasi extra lutang ako. Yung miski susi ng kotse ko naiwan ko sa loob ng sasakyan. What a great way to start my day! Insert the sarcasm.
Habang naglalakad ako papuntang elevator naninibago ako kasi walang tao. Eh male-late na nga ako so dapat hectic na? Di ko alam. Di ko na problema yon, miski nga guard wala rin eh.
Pagpasok ko ng elevator yumuko na lang ako ng makita kong magkaiba ang suot ko sa paa. Okay pa sana kung magkaibang kulay lang eh, pero iba bes!! Yung isa flat shoes, yung isa naman may takong!!! Nakita ko rin ang suot kong damit. Okay, tangina naka all yellow ako. Buti sana kung maganda, pantalon na dilaw at long sleeves na dilaw ang suot ko.
Mukha akong ripened banana na naglalakad!!!!!
"Bwiseeeeeett!!!" Sigaw ko to the highest level. Without even noticing na nagbukas yung elevator.
YOU ARE READING
Jhobea one shots
FanfictionPwede rin namang short stories. Depende kung may maiisip ako hehehehe