That White Fox is my Boyfriend
written by: sputtichai
CHAPTER 1Habang naglilibot sa misteryosong bahay ni Lola, may nakita akong isang hayop na natutulog sa hardin. Aso ba ito?
Waaahhhhh aso nga. Agad ko itong nilapitan at kinurot ang tenga.
"Wow napakalaking aso, ang kyuuuttt" bulalas ko. Hinampas ko ito ng napakalakas.
"Gggrrrrrrr." napitlag ako sa gulat ng magising ito at galit akong tiningnan..
Tatakbo na sana ako ngunit huli na ang lahat. Nakahiga na ako sa lupa habang nakapatong sa akin ang demonyong aso? Lobo? Fox? Aswang?
Waaaaaaahhhh mamamatay na ba ako? Ramdam ko ang kanyang mabangong hininga at ang matutulis niyang ngipin. Bwiset! Lalapain na yata ako ng aswang na ito.
Ang dating kulay itim niyang mata ay naging kulay asul? Ano yun magic? Halos lumawa ang mata ko sa gulat nang mapansing nagpalit ito ng anyo. Ay juice kong matamis, Aswang nga!
Laglag panga akong nakatitig sa kanya, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka perfect na lalaki. Tumalsik ang utak ko ng mapagtantong hubo't hubad pala ang mokong. Oh My Virgin eyes!
Tatakbo na sana ulit ako ng mahuli niya ang aking mga braso.
"A-aray, b-bitawan m-mo a-ako."
"What are you?" galit niyang tanong. Seriously? Itatanong pa ba yan? Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"I'm talking to you! Are you a witch or a Vampire?" galit niyang sambit at mariin akong tinitigan. Ano daw? Vampire? Witch? Sino ako? Baka siya! Aswang!
"Ayaw mo akong sagutin? Okay fine, madali naman akong kausap. Baka gusto mong unahin kong putulin yang dila mo-"
"Wait, tao po ako! Tao ako! Ano?! Gets mo na?" Giit ko.
"What?" gulat niyang tanong. Ay bingi si kuya oh.
"Tao malamang! Kung witch o vampire ako edi sana kanina pa kita kinagat o kinulam!" Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.
Nanlaki ang kanyang mga mata na animoy nagtataka sa mga pangyayari.
Namumula naman ang pisngi ko ng mapansin ulit ang buo niyang katawan. Shemay minurder niya ang inosenteng pag-iisip ko ! Napapikit nalang ako sa inis.