Chapter 27: Goodbye

3.7K 86 3
                                    

AYAKO's pov

Sunod sunod ang pagsabog na nagaganap, nagkalat na rin ang tauhan ng Monterial na yun, maging ang mga tauhan ko na nakikipaglaban. Maya maya pa ay dumating ang di kilalang mga armadong lalaki.. Maari kayang tauhan yan ng Anderson.

"Queen" tawag ni leo ng may paparating na shuriken sakin na agad kong nailagan.

Kinuha ko ang isang katana sa gilid at pinugot ang ulo niya at tumakbo na para puntahan si Yasmin. Bwiset! Ilang beses na ba akong tumatakbo, palagi nalang may pumipigil!

"DQ.. Totoo ngang maganda ka" Danica.

"Bitch!" Sambit ko at tinadyakan sya saka sinuntok, sinuntok ako nito at nasaksak sa hita na ikinangisi niya.. sinipa ko ito sa dibdib kaya napaupo ito, agad ko syang sinaksak dahilan para mapasuka ito ng dugo..

"You choose a wrong choice at yun ay ang pagbangga sakin!" Saad ko at umalis na..

Maya maya pa ay may sumugod saking isang lalaki at hinagisan ako ng kunai kaya nadaplisan ako sa pisngi, mabilis sya.

Kinuha ko ang isang dagger ko at binato sa kanya kaya natamaan sya sa Hita, kinuha ko pa ang isa at pinatamaan sya sa isa pa niyang hita, hindi ko na pinatagal at sinaksak ko sya gamit ang katana na hawak ko kaya bumaon ito hanggang likod niya, tumulo ang dugo nito sa sahig na dahilan ng pagngisi ko..

Ramdam kong may papalapit na patalim sa akin kaya inilagan ko ito, iwinasiwas ko ang katana ko kaya nadaplisan sya sa bewang, malalim ito na maaring makapatay sa kanya pag naubusan sya ng dugo, dapat lang yan sa mga taong walang ginawa kundi ang manggulo!

"Sabihin mo nasan sila? Nasan ang matandang Monterial na yon!" Sigaw ko sa kanya..

"B-bakit ko n-naman sasabihin?" Saad nito at ngumisi..

"Hahayaan kitang mabuhay kung sasabihin mo" seryoso kong sagot sa kanya.

"Mamatay muna ako, b-bago mo malaman-- Akkkkkkkkkk!"

Hindi ko na sya pinatapos at sinaksak ko na ito, umalis na ako at nagtungo sa Gymnasium.. Sana nandun pa sila.. Napatingin naman ako sa paligid, lahat ay kulay pula dahil sa dugo..

Wala ni isang studyante ang nandito! Lahat sila ay pinapunta ko sa lumang Building, walang nakakaalam dun maliban sakin at sa kambal, mas mabuti ng nandun sila kesa malagasan sila!

Lahat ng humarang sa daan ko ay pinatay ko. Ng makarating sa Gymnasium ay walang katao tao, masama ang kutob ko rito!

Clap! Clap! Clap!

Napatingin ako sa pumalakpak, Mr. Monterial!

"Napakahusay mo talaga Ayako A.K.A Demon Queen!" Nakangising saad nito. Hinihingal na tinignan ko sya ng masama..

"Nasan si Yasmin?" Seryoso kong tanong sa kanya..

"Oopss! Si Yasmin Legaspi ba? Ahmmmm.. Naghihingalo na"

Agad kong hinagis ang isa kong dagger kaya natamaan ito sa binti na ikinagulat niya..

"Nasan sya?" Ako..

"Easy!" Saad nito at pumalakpak at nagsilabasan na tauhan niya at buhat buhat ang isang kulungan..

"Fuck! Pakawalan mo si yasmin!" Galit na sigaw ko!

"Ok!" Sagot nito ngunit isa isang sumugod ang mga tauhan niya..

Sinipa ako ng isa na nasalo ko naman at inihagis sya sa kasama niya, sinugod naman ako ng isa pa at pinaulanan ng suntok kaya natamaan ako ngunit agad na nakabawi at isinaksak ko sa kanya ang dagger ko.. Iwinasiwas ko ang katana ko na dahilan kaya napugot ang ulo ng lima sa kanila, kinuha ko ang shuriken ko at inihagis ito sa babaeng papasugod sakin, nasapul ito sa noo at kusa na lamang natumba sa lapag.. Nilagyan ko yan ng lason.. In 3 seconds ay mamatay ka na.

Her Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon