Chapter 23: My Heaven

3.9K 84 1
                                    

AYAKO's pov

Lahat ng students ay nasa field.. Dun kasi ginanap ang mga sports na gagawin, besides may stage rin naman dun na gagamitin for dance club, music club, magic show at iba pa. Habang ako ay nandito sa lumang building na tambayan ng kambal at masasabi kong ang boring dito, i tried to open the other doors but it's lock, naglakad lakad nalang ako hanggang sa makarating ako sa 6th floor, nakita ko ang Liblary. Lumang liblary, sinubukan kong buksan ito pero nakalock rin..

Tsk! Bakit pa kasi nila nilalock eh di naman na nila to ginagamit -_-

Sa inis ko ay kinuha ko ang isang bakal sa gilid at sinara ang door knob, nabuksan naman ito at sumalubong sakin ang alikabok, wengya!

Agad akong pumasok sa loob at nilibot ang paningin, napakaganda ng disenyo niya, mala harry potter ang dating nito. Malalaki ang libro at kahit na luma na ay halatang matibay parin.. Marami ring tables and chairs, ngunit isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.. Librong puti na may linings na gold, gaya ng theme ng school na to! Tinungo ko iyon at kinuha.

Ng mahawakan ko ito at namangha ako sa ganda, ngayon lang ako naakit ng isang libro. Ng buksan ko ito ay tumambad sakin agad ang isang pirma, maganda ang pirma nito..

Sa next page ay nakasulat ang title ng libro 'My Heaven' ang ganda. Inilipat ko ang sa next page at naupo sa isang silya.

My Heaven

May isang babae, maganda, mabait, matalino, maalaga, lahat na ng kabutihan ay nasa kanya. Hinahangaan sya ng lahat, sa kadahilanang hindi lang sya maganda, yun ay dahil may mabuting puso rin sya. Simple lamang ang babaeng ito at walang hangad kundi ang makatapos ng kanyang pagaaral, walang panahon sa pagibig at inuuna ang kanyang magulang.

Marami syang kaibigan na totoo sa kanya, hindi nila magawang gawan ng mali ang binibining ito sapagkat makokonsensya lamang sila, sa sobrang buti niya ay lahat ay nahuhulog sa kanya, maraming nainggit ngunit hindi rin ito tumagal.

Hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang lalaking ito, gwapo, tahimik ngunit mabait, malambing at maaalalahanin at matalino gaya niya.. Naging magkaibigan sila, marami ang humadlang sa kanila sa dahilang maraming babaeng nagkakandarapa sa lalaking ito, ngunit ang lalaki ay hindi pinansin ang paninira ng iba, palihim nitong minamahal ang dalaga. Hinahatid pauwi at palaging binabantayan. Hindi na kinaya pa ng lalaki ang nararamdaman at nag tapat na ito sa dalaga, abot langit ang ngiti ng binata ng malamang iniibig rin sya ng dalaga. Hinintay niya ang dalaga hanggang sa tumungtong ito ng labing walong taong gulang gaya ng hiling ng dalaga.. Naging masaya ang naging relasyon nila, nagkaroon man ng pagsubok ay Nalagpasan nila ito ngunit ang magulang ng Binata ay tutol sa kanilang relasyon.

Nalungkot ang dalaga at nasaktan, mas nasaktan ito ng mapagalamang ipakakasal ito sa ibang babae, pinili na lamang ng dalaga na kimkimin ang nararamdaman at ilihim sa nobyo na alam niya ang tungkol doon..

Isang gabi ay tinakas ng binata ang dalaga sa kagustuhang ipaglaban ang kanilang pagiibigan, ng gabing rin iyon ay may nangyari sa dalaga at binata, hindi na nila napaligilan ang nararamdaman, ng gabing iyon ay dinamdam nila ang pagmamahal sa isa't isa..

Ng gabing rin iyon ay nangako sila sa isa't isa na sila lang hanggang huli.

Napakaganda ng storya na ito, i wonder kung true story ito o hindi. Hindi ko na muna ito tinapos masyado kasing mahaba. Dadalin ko nalang siguro to sa dorm, tutal mukang di naman na nila kailangan.

Her Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon