MOAOPB 6: Pretending again

1.1K 35 0
                                    

Lory's POV

Andito na ako ngayon sa mansion ng mga Lee, dala kona din yung mga gamit ko. Muka nga akong nag layas samin eh. Sinundo ako ng mga taohan ni Mr. Lee.

Inalalayan ako ng isang lalakeng bumaba ng kotse tapos binaba nya na din yung mga gamit ko.

"Oh honey you're finally here"

Super sweet na sigaw ni Kurt.
Lumapit sya sakin na may dala pang flowers at hinalikan nya pa ako sa noo ko.

"Grabe namiss kita halos di nga ako makatulog kagabi sa kaiisip ko sayo"

Kung plastikan ang labanan, si Kurt na pambato ko. Panalo na to.

"Oh talaga ba HONEY?"

Diniinan ko pa talaga yung pagsabi ko ng word na honey para ipakita sa kanyang naiinis ako sa kaplastikan nya pero mukang walang kwenta.

Nakakapikon yung itsura nya.

"Oo naman, tara na?"

Sabay offer nya pa ng kamay nya sakin at holding hands kaming naglakad papasok.

Sumusunod pa din kasi samin yung lalakeng may dala ng mga gamit ko kaya dapat sweet pa din kami.

"San ako matutulog?"

Bulong na tanong ko sa kanya.

"Sa kwarto ko, tabi tayo"

Sabay kindat nya pa sakin.

"Ano? Bakit dun?"

Oh no, ayoko. Sobrang awkward at nakakailang naman nun.

"Nakakita kana ba ng mag asawang hiwalay matulog?!"

Oo nga naman pero kahit na! Hindi naman kami totoong mag girlfriend and boyfriend.

"Anong mag asawa, hindi tayo mag asawa noh!"

Pag angal ko sa kanya.

"Hindi pa pero malapit na tsaka wag ka ngang mag inarte dyan na parang lugi kapa"

Kita mo tong isang to! Ang yabang diba!
Sarap ihagis sa bintana.

"Heto na po young master"

Sabay lapag nung lalake ng mga gamit ko ng makarating na kami sa kwarto ni Kurt.

Tumango lang si Kurt sa kanya at nag bow naman sya kay Kurt pati sakin bago sya tuluyang umalis. Grabe ang pormal nilang lahat dito, sobrang nakakapanibago kompara sa normal kong buhay.

"Teka? Asan na yung singsing mo?"

Tanong ni Kurt at hinawakan ang kamay ko.

"Ah? Yun ba? Nasa bag ko yata"

Sagot ko kaya kinuha nya yung bag ko sakin at hinanap yung sing-sing.

"Wag na wag mong iwalala o tatanggalin to okay?"

Bilin nya kaya tumango naman ako.

Inilapag nya sa kama yung bag ko at kinuha yung kamay ko pagkatapos ay isinuot nya yung singsing sa daliri ko.

"Mag ayos kana ng sarili mo tapos ayusin mo na din yang mga gamit mo"

He said.

"Hindi mo ako tutulungang magbuhat ng mga to?"

Sabay turo ko sa mga gamit komg nakalapag sa sahig.

"Kaninong mga gamit ba yan?"

He asked.

My One And Only Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon