Ang Boyfriend Kong Iyakin (One shot Story)

61 1 0
                                    

Naranasan niyo na bang magkaroon ng boyfriend na mas emosyonal pa sayo?

Naranasan mo na bang magkaboyfriend na mahina ang loob?
Naranasan mo na bang magkaroon ng boyfriend na kasing hina nang mga babae?

Naranasan mo na bang magkaroon ng boyfriend na IYAKIN?

Anong feeling?

Masaya?
Masarap sa pakiramdam?
o
Awkward?

I'm Lera ang nagiisang babae sa buhay ni Jack.

Noong mga panahong unang nagkakilala pa lang kami ni Jack.

I was very dissapointed na makita ko siyang nakaupo sa isang tabi kasama ang tropa niya na may hawak na sigarilyo.

Di ko pa siya kilala ngunit naagaw niya ang atensyon ko.

Naagaw niya ang atensyon ko sa kadahilanang siya ay mukhang adik.

Dumaan ako sa harap niya noon dahil wala ng ibang daanan.

Mga sipol at hiyawan ng mga tropa niya ang nangingibabaw.

Ngunit nabigla ako na sa kalagitnaan ng tawanan nila ay bigla silang tumigil.
Pero nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.

Lumipas ang ilang linggo na laging ganun ang nangyayari.

Sa tuwing daraan ako sa harap nila ay napakatahimik nila.

Isang gabi, muli akong naglakad sa harap nila.

"Ano ba yan Jack! Ang torpe mo!" biglang sigaw nung isang tropa niya

"Gago" mahinang sabi niya na sapat na para marinig ko.

Sa tagal ng panahong naglalakad ako sa harap nila ngayon ko lang narinig ang kanyang boses.

Napakagandang boses.
Ang sarap pakinggan.
Boses na hindi bagay sa katauhan niya.

At sa tagal na rin ng paglalakad ko sa harap nila ay napapansin ko na ang ugali niyang pagiging tahimik.

Ngunit hindi ko ulit pinansin ang sinabi nung lalaki.

Isang gabi ulit, naglakad ako sa harap nila.
Pero di ko siya nakita.

"Sayang wala si Jack. Andito na yung pinapantasya niya"

"Oo nga. Ang torpe pa!"

"Wag natin siyang pag-usapan pre, Baka magalit si Jack. Lagot tayo" sabi nung isang lalaki.

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanila.

Napatigil sila sa pagsasalita.

At ako naman ay lumingon sa likuran ko at may nakita akong isang babae.

Napakagandang babae.

Ouch!

Akala ko ako ang tinutukoy nila. 💔

Yung babae pala.

Sa bagay, lagi ko naman siyang nakakasabay pag naglalakad dito.

Di ko maintindihan ang sarili ko.

May gusto ba ako sa Jack na yun kahit na hindi pa kami nagkakausap?

Pero imposible kasi!

Di nga niya ako gusto eh.

Simula noon, napagisipan ko ng wag ng maglakad doon.

Kasi nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang tumitingin sa iba na akala ko sa akin siya nakatingin.

Ang Boyfriend Kong Iyakin (one-shot story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon