Nanlaki ang mga mata ni Mega nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang nakakatakam na katawan ng kanyang Fafa Junior. Tanging ang suot nitong puting brief na lamang ang nagkukubli sa pinakaasam niyang matikman.
"P'wede ko bang isawsaw sa kape 'yang mga pandesal mo, fafa?" malandi niyang pakiusap habang nakatitig sa six-pack abs ni Junior.
"S'yempre naman, my darling," malambing na sagot nito. Kinindatan pa siya kaya mas lalo lamang nitong pinaglawa ang masaganang laway sa kanyang bibig. Yuck!
"Okay. Kainan na!" tili niya. Agad niyang hinila ang katawan ni Junior palapit sa kanya at marahas na itinulak sa kama. "Lord, thank you po sa biyaya! Amen."
Sabik na sabik siyang sumampa sa kama upang magpapakasasa sa biyayang nakahain. Una niyang dinilaan ang malalapad na dibdib ni Junior na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang buong pagkatao.
Mas lalo pa niyang pinaglaruan ang mga utong nito nang marinig niya ang impit nitong pag-ungol. "Ang sarap mo talaga, fafa," kinikilig niyang bulong dito.
Sinabayan ni Junior ang pagkain niya sa katawan nito sa pamamagitan nang marahang paghaplos sa kanyang ulo. Sinuklay-suklay ng mga daliri nito ang kulot at buhaghag niyang mga buhok.
Unti-unti ng naglakbay ang nag-aalab niyang dila pababa sa mga nakakabusog na mga pandesal ni Junior. Isa-isa niya itong hinalikan at bahagyang kinagat sa sobrang panggigil. Hindi pa siya nakontento kaya ginawa niyang lollipop ang mga pandesal nito.
Lalong naglawa ang malagkit niyang laway pababa sa pusod ni Junior dahil sa unti-unting paglakas ng ungol nito. "Sige pa darling. Sige pa..."
"Oh, my sardin!" tili niya nang marating ng kanyang dila ang garter ng brief ni Junior.
Ilang beses siyang napalunok nang mapansin niyang kasing haba ng dalawang lata ng sardinas at kasing taba ng isang lata ang alagang nakatatago roon.
"Fafa, gutom pa 'ko e'...kaya kakainin ko na rin 'to," malandi pa niyang pagpapaalam kay Junior. Hindi niya naiwasan ang panginginig ng kanyang kamay habang unti-unting hinihila ang brief nito.
Nang tuluyan na niyang nahawi ang telang iyon ay humampas sa kanyang mukha ang lata ng sardinas.
Akma na siyang kakanta nang muli siyang mapatili dahil sa pagbulwak ng masagana at mapanghing likido mula rito. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa pagkalunod sa dami ng lumabas na ihi mula sa lata ni Junior."EEHIII... EEHIII... EEHIII."
Isang kakaibang tunog ang naging daan upang magbalik ang ulirat ni Mega. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang malalaking mga mata. Na lalo pang nanlaki dahil sa likidong sumirit patungo sa kanyang mukha.
"EEWWWWWW!" sigaw niya dahil sa instant hilamos na ibinigay ng ka-kuwadra niyang si Bays Gondo. Agad siyang gumapang palayo sa ilalim ng mga paa ng kabayong iyon.
"Ang bastos mo talagang baklabayo ka! Ginagawa mong alarm clock 'yang ihi mo," gigil niyang sabi habang pinupunasan ang kanyang mukha ng suot niyang apron.
Halos isang linggo na rin siyang nakikihati sa kuwadra ni Bays Gondo. Halos araw-araw din siyang nakakatanggap ng instant hilamos mula rito. Ganoon ka-sweet sa kanya ang alagang kabayo ni Donya Masteria.
"Sinira na naman ng kabayong 'yon ang panaginip ko," paghihimutok pa niya. "Sayang muntik ko nang---" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa tangkang pagsipa sa kanya ni Bays Gondo.
"O' tumigil ka, 'di ako lalaban!" sigaw niya at patakbo siyang umalis sa kuwadrang iyon.
Patakbo rin siyang nagtungo sa maid's quarter nang makaligo na at magpaganda upang muli siyang maging kaakit-akit sa tingin ng kanyang Fafa Junior.MATAPOS ang halos isang oras na pagpapaganda ay rumampa na si Mega patungo sa loob ng mans'yon. Dahan-dahan siyang humakbang paakyat sa mahabang hagdan habang kumakaway gaya ng isang beauty queen.
Siguradong tutulo ang laway ni Fafa Junior 'pag nakita n'ya 'ko, kinikilig pa niyang bulong sa kanyang sarili.
Natatawa pa niyang pinagmasdan ang kanyang repleksyon sa malaking salamin sa bukana ng hagdan.
Hindi na buhaghag ang kanyang kulot na buhok dahil na ipinatirintas niya ito sa tatlong bahagi sa kaibigan niyang si Gongdu. May inilagay din siyang pulbos sa kanyang buong mukha upang kahit paano ay maging kutis porselana siya. S'yempre mayroon ding pulang lipstick ang kanyang mga labi. Na sigurado siyang magbibigay ng magic sa bawat halik na ibibigay niya kay Junior.
"Uubusin ko 'yong mga pandesal mo, fafa," nakangisi pa niyang sabi at muling nagpatuloy sa pagrampa.
"Ano'ng ginagawa mo rito babaeng sea urchin?"
Muntik na siyang matalisod nang bigla magpakita sa harap niya si Junior. Nakasuot lang ng puting sando at boxer shorts ang kanyang fafa kaya muli na namang naglawa ang kanyang masaganang laway. Bakat na bakat na naman ang mga pandesal at s'yempre ang sardinas nito.
"Oh, close your big mouth baka mahigop mo 'ko," pang-aasar sa kanya nito na hindi niya sinunod.
"Gusto kasi kitang makita, Fafa---este senyorito Junior..." malambing niyang sagot habang pinapapungay ang kanyang mga mata. "May ipag-uutos po ba kayo sa 'kin?"
Dahan-dahan siyang nilapitan ni Junior habang nakatitig sa kanyang mga mata. Ilang beses din itong ngumisi na para bang may kalokohang iniisip.
"Lahat ba talaga ng gusto ko gagawin mo?" malambing nitong tanong habang akmang hahawakan ang kanyang pisngi.
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marahang iyong haplusin ni Junior. "O-of course, fafa... Anything you want," malandi niyang sagot.
Bago pa siya tuluyang madala sa mga haplos ni Junior ay nilayuan na siya nito. "Follow me, Miss Sea Urchin," utos nito matapos siyang talikuran.
"Okay, Fafa Junior," sagot niya habang matamang nakatitig sa nakatatakam na pang-upo nito. "Ang yummy mo talaga, fafa," bulong pa niya sa kanyang sarili.ISINAMA ni Junior si Mega sa malawak at napakagandang hardin na matatagpuan ilang metro mula sa kanilang mans'yon. Manghang-mangha si Mega nang makita niya ang iba't ibang uri ng mga bulaklak na naroroon.
Agad din niyang nilapitan ang mga pulang rosas na paborito niyang bulaklak. "Sir, ano po'ng ipapagawa n'yo sa 'kin dito?" aniya habang inaamoy ang isang bulaklak.
"Gusto kong ipitas mo 'ko ng one hundred pieces ng red roses. S'yempre dapat alisin mo na ang mga tinik a'. Maliwanag ba?"
Natameme siya nang maisip niyang baka sa kanya nito ibibigay ang mga bulaklak na iyon. Mahal na mahal na kaya niya ako? Kunwari na lang 'di ko alam ang surprise niya sa 'kin. Haha!
"Maliwanag ba ang mga sinabi ko, Miss Sea Urchin?" tanong muli ni Junior nang mapansin nitong nakanganga siya habang nakatingin dito.
"O-opo, sir," nauutal pang sagot nito.
"Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang mga sinabi ko. Kung hindi maglalaho ka rito, babaeng sea urchin," pagbabanta nito sa kanya. "Sige, babalikan kita rito mamayang alas onse," bilin pa niya bago tuluyang umalis doon.
Sinundan na lang ng tingin ni Mega ang unti-unting paglayo ni Junior. Agad siyang nagsimula sa kanyang gawain nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.
"Sisiw lang sa 'kin 'tong ipinapagawa mo, fafa," natatawa niyang sabi habang mabilis na pumipitas ng mga rosas.
May tanim siyang mga rosas sa kanilang bahay kaya alam niya kung paano pipitasin ang mga ito nang hindi siya natutusok ng mga tinik.
Habang ginagawa niya ito ay nakuha pa niyang mag-imagine na kasama niya si Junior sa isang kama na punong-puno ng mga talulot ng rosas.
"Mahal na mahal kita, Mega," malambing nitong sabi habang unti-unting ibinubuhos sa kanyang hubad na katawan ang mga talulot na iyon.
"Alabsyu, fafa," malandi niyang sagot.
Marahas pa niyang hinila ang hubad ding katawan ni Junior palapit sa kanya at sinibasib ng halik ang mga labi nito.
Kasunod ng paglalapat ng kanilang mga labi ang unti-unting pagsasanib ng kanilang katawan.
"Oohhh...."
"OOOHHH...RAY!"
Bigla siyang natauhan nang matusok siya ng tinik dahil sa kalandian. Napilitan siyang itigil na lang ang kanyang pagpapantasya upang matapos ang kanyang ginagawa.SA LOOB ng halos isang oras ay nakakuha na siya ng mahigit siyamnapung mga bulaklak ng rosas.
"96... 97... 98... 99... ARAYYY!" Hindi na niya naituloy ang pagpitas sa ika-isandaang rosas dahil sa bigla siyang bumagsak sa mga ito.
"ANG KAPAL NG MUKHA MONG PITASIN ANG MGA ROSAS KO!"
Sumabay sa pagdagundong nang malakas ng boses ni Donya Masteria ang malakas niyang pagdaing dahil sa mga tinik na tumusok sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.
"LUMAYAS KA RITO, HAMPASLUPA!"
Nang makatayo na siya ay muli na namang siyang itinulak ng babaeng dragon.
"SORRY PO! SORRY PO!" sigaw niya habang inaalis ang tinik na muling tumusok sa kanyang katawan. "Inutusan po ako ni Senyorito Junior," katwiran pa niya.
Hindi na rin niya tinangka pa na muling tumayo dahil sa nanlilisik na mga mata ni Donya Masteria. Tiniis-ganda na lamang niya ang pagkakahiga sa mga tinik.
"'Wag kang magsinungaling, hampaslupa. Si Junior mismo ang nagsabi sa 'kin ng ginagawa mo sa mga rosas ko," gigil nitong sagot sa kanya.
Hindi na siya nakasagot pa dahil napagtanto na niyang niloko lang pala siya ni Junior. Hindi na rin niya napigilan ang kanyang damdamin kaya napayuko na lang siya upang umiyak.
Niloko mo 'ko... giit niya sa kanyang sarili. Gaya ka rin pala ng ibang lalaki, Junior. Sasaktan mo pa rin pala ako.
"Hoy, ano'ng inaarte-arte mo? Pagbabayaran mo 'yang ginawa mo sa mga rosas ko."
Hindi na niya pinakinggan pa ang mga sinasabi ni Donya Masteria dahil awang-awa na siya sa kanyang sarili.
"Dapat siyang parusahan."
Napaangat siya ng ulo nang makilala niya ang boses ni Junior. Kitang-kita niya ang nakakainis na pagngisi nito habang nakatingin sa kanya.
"Mama, sinira n'ya ang mga precious roses n'yo."
"S'yempre, anak," sagot ni Donya Masteria. Pinakinggan pa nito ang bulong ni Junior bago muling humarap sa kanya. "Sisiguraduhin kong pagsisihan n'ya ang pagpasok n'ya sa buhay natin."
Muli siyang napayuko dahil sa pangamba para sa kanyang kaligtasan.
Ano na naman kaya ang parusang ibibigay nila sa 'kin? Mabuhay pa kaya ako pagkatapos no'n?
"Get ready, Miss Sea Urchin. Goodluck," pang-aasar pa sa kanya ni Junior.
"Alam n'yo na ang gagawin sa hampaslupang 'yan."
Tinalikuran na siya ng mag-ina nang lapitan siya nina Dyesebil at Dyosebil. Naging mistula siyang palaman sa dalawang malalaking mga monay nang bitbitin siya ng mga ito paalis sa mga rosas.
"Dyose, ang kapal talaga ng peyslak ng babaeng itey. Balak pang agawin sa 'tin si Senyorito Junior," gigil na sabi ni Dyesebil habang pinipiga ang kanyang kaliwang braso.
"Oo nga, sisteret. Kaya kung ako sa kanya ay sisimulan ko ng magdasal," natatawang sagot ni Dyosebil.
Ininda na lang niya ang sakit na kanyang nararamdaman dahil alam niyang mas matinding pasakit pa ang mararanasan niya. Buo pa rin ang loob niyang isakatuparan ang kanyang pangarap na maging mayaman. Kahit ano pang mangyari ay hindi siya susuko.
Babangon ako upang durugin kayo.©2018 Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
BINABASA MO ANG
Oh, My Sardin!
HumorSubaybayan ang pakikipagsapalaran ng isang dalagang may angking ganda na hindi mo inakala... 'Oh, My Sardin!' ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro