Prologue

122 5 3
                                    

Sa isang maliit na bayan sa Santa Rosa matatagpuan ang bundok na kung saan nakatayo ang paaralan ng Moorim University.

Ang Moorim University ay sinasabi paaralan na binibuo ng mga mag aaral na nagmula sa mga anak ng kilalang tao sa bayan ng Santa Rosa at mga anak ng mga taong may kaya. Hindi ito sakop ng Government sapagkat ang mga magulang ng mga nag aaral dito ang nagbibigay ng supporta sa paaralan na ito. Sa kagustuhan na mapabuti ang kanilang mga anak sapagkat wala silang oras sa mga ito dahil iniintindi nila ang kani-kanilang business.

Dito nila pinapaaral ang kanilang mga anak na kung saan every sembreak lamang sila uuwi. Once na makapasok kana sa Moorim University, hinding-hindi ka makakalabas kung hindi sembreak and walang pahintulot ng kanilang head mistress.

Ang paaralan na ito ay may dormitory sa loob. Mapababae o Lalaki. Ang dormitory ng babae ay hiwalay sa lalaki. Sa loob din nito ay may simbahan, hospitals, malls, fastfood chains, parks and other convenience store para hindi maboring ang mga Estudyante dito

Bukod sa suporta ng mga magulang ng mag aaral dito. Nakakatanggap din sila ng malaking funds mula sa mga kilalang kompanya dahil sa kanilang maayos na platform ng University.

Nang magkasakit ang head mistress tila nagbago ang pamamalakad ng paaralan.

Unti-unti nagiging magulo ang paaralan, maging ang mga karahasan ay napapadalas.

Pilit itong tinatago ng mga officials sa mga magulang maging sa mga kompanyang nagbibigay ng funds sa paaralan ang mga nangyayari sa loob nito.

Hanggang kailan ito matatago ng mga officials sa mga magulang at mga kawani ng kompanya?

Halina't ating tanawin ang makasaysayang kwento ng Moorim University.

Moorim UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon