"Cassandra and Justin,babalik kayo dito sa school mamayang 2:00 pumunta kayo mamaya sa Maliksi Building. Don kase gaganapin yung botohan" For God's sake! Ayoko talaga tong kasama promiseee!
"Sige po mam sabay na lang po kame ni Cassandra mamaya" Hala?! Anong pinagsasabe netong lalakeng to? Like hello? 10:00 pa lang kaya tapos 2:00 pa yun! Uuwi na muna ako, wala na naman pasok sa ibang subj.
"Ay hinde uuwi kase ako hehe" Pagpapaliwanag ko sakanya.
"Itext mo na lang sundo mo na dito ka kakain.Sabay na tayong maglunch at maghintay na lang tayo hanggang mag 2" Dirediretsong sabe ng bwisit na lalaking to.
"Ah eh" Magisip ka ng palusot Cassandra! Biliiiiis!
"No but's Ms.Cassandra, Let's go nagugutom na ko" Sabay hila saken.
Hila hila nya ko sa kamay. At hawak nya yung kamay ko. Err. Pilit kong tinatanggal pero sadyang malakas sya. Huhu! Papunta kame ngayon sa Jollibee.
"Jollibee?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Hindi. Mcdo yan" Aba! May gana pa syang barahin ako pagkatapos nya kong hila hilain ah!
"Bwisit" Bulong ko SANA pero narinig nya eh. Bwisit talaga!
"Hindi ako bwisit ililibre ka na nga eh" What? Ililibre nya ko? *u* Yeheyy mahilig ako sa libre. Lahat ng nanglilibre saken nagiging kaibigan ko. Pero sya? No way! Mabuti lang na ilibre nya ko pagkatapos nya kong hila hilain.
"Dito ka lang oorder ako" Mabuti naman at sya ang oorder ang sakit ng paa ko. Arghhh
After 5 minutes. Nakabalik na din sya. And wow ha? As in wow lang! Ang dami nyang inorder. Parang ang dami naman naming kakain. Dalawa lang kame no? Oh baka naman may halimaw sa tyan nya?
"Kumain ka na marami talaga kong inorder dahil gutom ako" Pake ko? Basta thankyou na lang sa foods! *u*
Kain lang ako ng kain. Wala kong pakialam sakanya. Bahala sya sa buhay nya. Gutom ako eh! *u* Ang sarap talaga ng Pancakeee *u* tapos buhusan mo ng.sandamakmak na syrup! *u* Uwaaa heaven ang feeling! *u*
"Di ka naman gutom nyan?" Ay may kasama pa pala ko. Sorry naman! Busy ako sa paglamon eh. Hihihi *u*
"Ano sa tingin mo?" Kala mo ikaw lang marunong mangbara ah! Pwes hinde! Nagkakamali ka! -.-
"Sa tingin ko di ka naman gutom,gutom na gutom lang" Buti alam mo nagtanong ka pang hayup ka. Masyado na kong harsh. Sorry na! Joke!
"Leche tumigil ka nga,nakakawalan ka ng gana!"
"Ha ha! Sa lagay na yan nawawalan ka pa ng gana ha?" Sarkastikong sagot nya saken.
Bwisit talaga tong lalakeng to. Sana si Migo na lang yung nanalo wag lang tong Justin na 'to. Arghh ano ba namang kamalasan to!
Sabe ko sa isip isip ko.
"Tapos na kong kumain. Tara na" Aba? Excited?
"Excited?" *Insert sarcastic tone here*
"Susunod ka o hihilain na naman kita?" Oo na! Wala na kong choice. Bwisit!
"Eto na poooooo!" Kinuha ko na lang yung Float sayang eh.Hahaha!
-
BINABASA MO ANG
GOODBYE
Teen Fiction"Goodbye" Yan yung madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na kung magpapaalam ka sa taong sobrang minahal mo. Maraming uri ng pagpapaalam. May pagpapaalam na masaya at meron din namang malungkot. Ikaw? Kung papipiliin ka anong mas gusto mo? Yung...