"Sarap sarap talaga ng Coke Float hihihi" Sarap na sarap kong sabe habang sumisipsip saking float.
"Baliw ka ba? Nagsasalita magisa?" Ay may kasama nga pala ako. Hihihi si Justine ang ubod ng kapal.
"HAHA wala kang pake" (Please note the sarcasm!)
"Hays mga taong talaga ngayon baliw na" Letche lang talaga 'tong lalakeng 'to. Salamat sya at goodmood ako dahil sa coke float. Oo na! Ako na mababaw ang kaligayahan. -____- Hindi ko na lang pinansin ang pagpintas nitong lalaking 'to saken. Kesho baliw daw kesho mababaw ang kaligayahan. Ay ewan!
After 12345 years. At last! Andito na den kame sa school. Syempre pagpasok sa school di mawawalan ng bulungan dahil nga magkasama kame nito ni Kupal. Nakalimutan kong sabihin na famous nga pala tong kasama ko. Lol! Sabe daw kase yung pamilya daw nila ang may ari ng school na 'to. Kung totoo yun? Wow lang edi mayaman si Kupal? Hihihi mayaman di naman ako. Joke! Tama na sa kadaldalan.
"Omahgod! Sya si Justine diba? He's so gwapo talaga!!!"
"Sino yung girl? Well maganda sya ah"
"Gf ba yan ni Jus? Sana hindiiiiiii! Paano na ako?!!!"
Toiiiiinks! Oh diba? Ang ganda ng mga bulungan nila?! Napagkamalan pa kong syota nitong kupal na to.
Dirediretso lang kame sa Maliksi Building ba yun? Hihihi. Pagdating namen don. Holly sh*t lang. Super duper dameng tao. Huhuhu.
"Oh ano? Tutunganga at nganganga kana lang ba jan?" Hays eto na naman po tayo nagsalita naman ang kupal.
"Pareho lang yon shunga!" Taas kilay kong sagot sakanya.
"Tss whatever" Umirap pa sya pagkatapos nyang sabihin yon. Bakla ata 'to sayang gwapo pa naman. Aissh scratch that hindi pala sya gwapo. Okay?
Nakita ko namang pumasok na sya sa loob ng building. And take note! Habang naglalakad sya nagsisitabi lahat ng tao sa dadaanan nya. Peymuth nga. Hihihi
Ako? Eto nakatayo pa den. Bigla namang may lumapit saking isang babae at sabe
"Mam, pinapasabe po ni Sir. Justine na pumasok na po kayo sa loob" Eh? Mam daw? Tapos Sir Justine? Nakadrugs ba tong si ate? Pero wait ako? Pinapapasok? Ay paulit ulit lang? Nababaliw na ata ako.
"Pero? Hindi pa naman pinapapasok ah?" Tanong ko don sa babae.
"Si Sir.Justine po yung nagutos" Nakakatanga lang yung sagot ni ate. Walang kaconnect connect dun sa tanong ko. Psh! Whatever susunod na lang ako. Nakakangalay kayang tumayo ano?
Pagkapasok ko sa loob...
May nakita akong isang demonyo este si Justine lang pala. Aba sarap ng buhay nya dito ah? Samantala yung mga estudyante sa labas haggard na haggard na.
"Buti naman at pumasok ka kala ko ipapakaladkad pa kita eh" Nagsalita ang demonyong makapal ang mukha. Okay sarreh na. Masyado na kong hard.
"Hehe" Yan lang ang naisagot ko dahil wala ko sa trip makipagbangayan sa lalaking 'to. Buti na lang at may aircon 'tong building na ito. Kaya hindi haggard ang beauty.
*Kring *Kring *Kring
Ooops, sino naman kaya ang natawag saken?
Xam Chua Calling...
Ano naman kayang problema neto?
"Hello?" Tamad kong sagot sakanya.
"Hi bestfriend! Kamusta naman yung dinner nyo? Swerte mo Cass huhu" Eh? Paano naman nya yun nalaman? -.-
"Eh? Anong swerte don Xam? Eh ang sarap hambalusin ng jar yung lalaking yun eh.Tsaka pano mo nalaman na magkasabay kame nagdinner?" Nagtatakang tanong ko sa bestfriend kong may lahi atang madam auring.
"Syempre iniistalk ko kayo ni Justine anyway kasama ko nga si Migo sa pagiinstalk eh. Kayo ah may pakaladkad pa nalalaman si Justine. Just O.M.G lang ang lucky mo talaga best" Migo? As in yung classmate namen? Arrrgh.Charot lang! OA ko naman masyado. Hihi.
"So? Istalker ka na pala namen ngayon?" Ang taray lang. Lakas makainstalk netong gagang 'to.
"Aba'y syempre naman ho! Ako pa? Ako na si Xam Chua hindi kayo iistalkin? Just wow lang" Ay peste yan na naman sya sa kayabangan nya. Sarap hampasin ng wrecking ball. Charot lang. Sasagot pa sana ako ng..
"ANO BA CASSANDRA?! NAKIKINIG KA BA?!"
Anak ng! Nagulat ako don ah. Sino ba yon at OA naman kung makasigaw?! Eh. Sino pa ba edi si JUSTINE. Ano namang problema neto? Kitang may kausap sa phone eh shungang 'to pasakan ko ng cellphone yang bunganga mo eh!
"What?" Mataray kong sagot sakanya.
"What? Ayan lang isasagot mo saken? Kanina pa kita kinakausap! Shit lang" Arte naman nito. Psh! Wait! Ano daw? Kanina nya pa ko kinakausap? Why so shunga justine? Gwapo sana kaso. Aisssh! Erase that hindi sya gwapo.
"Eh?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"What the! Eh? What? Ayan lang ba isasagot mo? HA HA funny! Nakakagago ka Cassandra." Ano ba 'tong si Justine? Nababaliw na ba to? Hays ewan!
"Ano bang problema mo aber? Kinakausap mo ko kanina? Eh alam mo bang may kausap ako sa phone nun? Shunga mo kingina. Kung may sinasabe ka pakisabe na lang ulit hindi yung galit na galit ka jan. Istorbong to kainis!" Iritado kong sabe sakanya. Hays ano ka ngayon.
Tinignan ko lang sya. At nagulat ako sa reaksyon nya. Eh?
Yung kaninang mata nya na galit na galit ngayon hindi na. Bipolar ba tong pesteng to? Kanina lang galit na galit tas ngayon parang ewan na sya. Andyan pa yung umiiwas sya saken ng tingin ngayon.
Ano bang inaarte netong lalakeng to? Nakakainis ah!
BINABASA MO ANG
GOODBYE
Teen Fiction"Goodbye" Yan yung madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na kung magpapaalam ka sa taong sobrang minahal mo. Maraming uri ng pagpapaalam. May pagpapaalam na masaya at meron din namang malungkot. Ikaw? Kung papipiliin ka anong mas gusto mo? Yung...