Bakit?

32 5 0
                                    

Bakit?

Bakit sa pakiramdam ko bawal?

Bawal bang mahalin kita?

Hindi naman kita kapatid, pinsan, kamag-anak.

Pero pakiramdam ko talaga bawal.

Dahil ba sa mas matanda ako sayo?

Eh dba nga "age doesn't matter"?

Bawal ba kasi taken ka na?

Hindi pa naman ah?

Ang hirap.

Hindi masagot ang aking mga tanong,

Dahil sa hindi kita makausap.

Maraming bagay ang gusto kong itanong sayo.

Pero bakit?

Bakit hindi ko matanong sayo?

Masyado na ba ang duwag?

Siguro bawal....

Kasi.... hindi tayo para sa isa't-isa??

Baka nga.

Mas ok na atang ganto nalang tayo, yung hanggang tingin nalang? Yung hindi tayo nag uusap?

Kasi baka kapag naging close tayo, baka mas lalo akong mahulog sayo.

Mali ba?

Mali bang magkaroon ng feelings sa taong first time mong nakita?

Hindi ba't ito yung kataga nilang "love at first sight"?

Mali ba yun?

Mali ba yung ma-love at first sight ka sa isang tao ng hindi mo nalalaman ang dahilan kung bakit ka nainlove dun?

Masyado na ba akong desperada?

Desperadang makita ka?

Nasa moving on stage na ako, kahit walang naganap na "tayo".

Bakit?

Bakit pa kita nakita kung hindi naman tayo yung nakatadhana sa isa't-isa?

Masyadong magkasalungat mundo natin.

Sana,

Makalimutan na kita.

Thy UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon