Moon: Start
Evera
I've been living alone since I don't remember. Actually, I don't remember any memory. Parang binura sila kaya parang nagising nalang ako isang araw na mag-isa at walang naaalala bukod sa mayaman ako, at dito ako nakatira.
I don't have any relatives or even friends (though I have 3 bestfriends that I know I can trust). I don't understand but I have enough money to support my living.
Hindi ko gusto ang makipagkaibigan, simple lang, ayokong maexposed ang mga sekreto kong itinatago.
I have this ability na kapag hindi ko makontrol ay baka makasalit ako. Ayoko ng ganun.Mula sa pagiging iba ko dahil sa ability ko, iba rin ang itsura ko. I am as white as snow. Kulay ash-blue ang buhok at mata ko. I often wear contact lenses and dye my hair to be normal.
Daig ko pa ang mga taong albino. I know hindi naman ako lang ang ganito. That's why I believe in magic, extraordinaries, and immortals. Hindi ko lang alam kung nasaan sila ngayon, pero, alam kong may katulad pa ako.
"Vera, gusto mo bang sumama sa amin sa lilipatan naming school?" narinig kong tanong ni Via. Umiling lang ako without looking at her. Via is the one who can sing. She can calm me through her singing.
Nagbobrowse pa rin ako ng about sa abilities ko. Hindi nila tinitingnan ang binobrowse ko, naka laptop kasi ako. Sila naman, kaniya-kaniyang ayos ng forms nila. Maiiwan na nila ako. Lilipat na sila sa bagong school. Nakakalungkot pero di ko pinapahalata.
"Luna, how about we ask the Head Master if she could come?" rinig kong tanong ni Freya kay Luna. "Wait, I'll ask them. Hold for a second," sagot ni Luna at lumayo saka may tinawagan.
They don't want to leave me here, pero alam kong pang-elite lang yung papasukan nila. May pera ako pero alam kong special ang tatlong bestfriends ko dahil kilala ang mga magulang nila..
"Hey, if I cant come, then so be it. I can manage naman di'ba?" sabi ko at sinara ang laptop ko. Napasimangot naman sila. Lumapit na rin si Luna pabalik. Para siyang maiiyak. Hayst! Ito ang ayaw ko, ang artehan nila ako.
"But we want you there!" humahagulgol na sabi ni Freya. She's the closest to me. Napa-irap nalang ako. "And if you could only accept why we are way different, makakasama ka sa amin!" sabi pa niya.
Way different?! "You wouldn't understand. Baka ipagtabuyan mo pa kami," sabi ni Luna saka sumandal kay Via. Ipagtabuyan? By any chance... Baka katulad ko sila!
"Try me," sabi ko. Nagpunas sila ng luha at hinila ako papasok ng kwarto. Nasa iisang bahay kaming tatlo. Iisang kwarto na kasing laki ng maliit na bahay, dun kami pare-parehong natutulog.
Tinignan ako ng mabuti ni Freya. Nasa may pinto siya samantalang nasa tabi ko sila Via at Luna. Nakahawak sila sa akin. They're my bestfriends, at baka lahat kami may sinisekreto pa pala..
She slowly breathe. Nakita ko kung paano naging claws ang mga kuko niya. Kung paano nagkakabalahibo siyang kulay puti. At kung paano nagbago mula sa itim hanggang maging intensed yellow ang mga mata niya.
I wasn't shock. Naaamaze ako! May ability din si Freya. At isa nga lang siyang werewolf. Napakalaking lobo! May suot siyang yellow stoned necklace sa leeg niya. Lumapit siya sa akin at yumuko..
Pinatungan siya nina Via ng kumot saka siya naging tao ulit. Binalot niya ang kumot sa hubad niyang katawan. Umiiyak na lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Vera, hindi Freya Lopez ang pangalan ko. Ako si Freya Wolf. A royalty werewolf. Hindi ko sinabi sayo kasi baka matakot ka. Alam din to nila Via at Luna. Sorry," sabi niya at yumakap sa akin.
Hindi ako nagsalita. Gusto ko munang malaman kung ano sila Via at Luna. Ayokong manguna. Ayokong sabihing may pagkakatulad kami.. ayoko muna.
Naupo siya sa inuupuan kanina ni Luna. Si Luna naman ang nasa harap ko ngayon. Ano naman kaya siya? Katulad ko kaya siya?
Pumikit siya at may binigkas na ibang salita. Biglang lumabas sa leeg niya ang isang violet stoned necklace. Hinawakan niya iyon at biglang nag-iba ang suot niya. Nakasuot siya ng violet cloak at nagkaroon din siya ng mga design sa balat.
Humaba ang maikli niyang buhok at naging damson violet ang kulay. Naging kulay violet din ang mata niya. Nagbigkas din siya ng mga salita at may lumabas na parang dark orb sa mga kamay niya. Umikot yun at lumapit sa akin saka nawala.
Lumapit siya at ngumiti. "Hi, Vera! Hindi ako si Luna Llanes. Ako ang Witch royalty na si Lunaria Rich. I cast spells, only the good ones." sabi niya.
Pumalit naman sa harap si Via. Siya na kaya ang katulad ko? "Watch me, Vera," sabi niya saka isinuot ang isang pink stoned necklace. Ngumiti siya saka kumanta.
Ibang salita yun. Biglang lumabas ang iba't-ibang liwanag at pumaikot sa amin. Sumasayaw yun sa kanta ni Via. Dahan-dahan lumapit ang mga liwanag sa kaniya at naging pakpak niya. She's a fairy. Hindi katulad ng kay Tinker Bell iyon. Makulay siya at nagliliwanag talaga. Lumipad palapit sa akin si Via.
"Vera, halata naman kung ano ako di'ba? I am a Fairy royalty. Iba rin ang pangalan ko. Hindi Via Ramos. It's Oviana Iris," sabi niya at nag-bow sa harap ko.
Lahat sila, nakangiti pero halatang naiiyak. "Why didn't you tell me?" tanong ko at nakayuko. Pumatak ang mga luha ko. "Vera, sorry," sabi nila.
Iniangat ko ang mata ko at tinignan sila saka ako pumunta sa harap.
"I've been searching for you, guys! Akala ko, mamamatay nalang ako ng hindi ko nakikita ang mga kagaya ko. Iba't-iba kayo. Werewolf, Witch, at Fairy. Alam niyo kung ano kayo. Kilala niyo kung sino kayo. Ako wala. Vega Cruz. Yun ang tawag sa akin nung huling katulong namin. Napapanaginipan ko ang dalawang tayong lagi akong tinatawag. May ability akong akala ko itatago ko nalang lagi. Freya, Lunaria, and Oviana. Isama niyo ako sa kung saan man kayo pupunta, please!" sabi ko.
Humarap ako at tinanggal ang contact lenses ko. Saka ko ibinuhaghag ang buhok kong unti-unting nagbalik sa totoo niyang kulay. Napahinto sila at nakatitig lang sa akin.
Nagpalabas ako sa kanang kamay ko ng apoy na blue at sa kaliwa naman ay isang water orb. "I am Vera, I don't know who am I. Sana naman, tulungan niyo akong mahanap kung sino talaga ako,"
Nagkatinginan sila at naiyak lalo. "MAKAKASAMA NA SI VERA!" sabay-sabay na sabi nila at naiiyak na niyakap ako.
Ewan ko, sa buong buhay ko. Ngayon lang ako naexcite na pumasok sa panibagong school. Malalaman ko na kung sino ako.. Sana nga.
***
A/N:
Lame? Sorry, I'll make it exciting sa mga susunod na part. Promise! :) Mwaps!
BINABASA MO ANG
Moon Academy of Monsters [On-going]
FantasyBookcovers by: @goddessoflove1999 , @PanPreak and me Moon Academy. An Academy for Vampires, Werewolves, Witches, Sorcerers, Wizards, Magica, Fairies, and Goblins. Do you have enough courage to enter an academy with monsters? Welcome! To Moon Acad...