Moon 1: Cleverwood
Evera
"Cleverwood?!" patanong na pagbasa ko sa isang lumang arko. Nakasakay kami ngayon sa isang kakaibang tren. Maraming mga teenagers kaming nakasakay dito. Malamang, pare-pareho kaming kakaiba. Akala ko talaga, konti lang ang may ability eh. Marami rin pala.
"Oo, ang kabaligtaran ng Neverwood. Happiness ang meaning ng Neverwood. And Naughtiness naman ang sa Cleverwood," sabi ni Freya na nakasandal sa balikat ko. "Pero, mabait ang nasa Cleverwood, yung masama ang ugali yun ang sa Neverwood," dugtong ni Via sa sinabi ni Freya.
"Aww," yun nalang ang sabi ko.
Puro patay na puno at mahamog sa buong paligid. Makaririnig ka ng mga alulong ng mga aso. May mga uwak din sa puno at madilim ang langit. Nagtutugma ang pangalang Cleverwood sa mismong lugar.
Inakbayan nalang ako ni Freya at ngumiti. "Don't be afraid," sabi niya. Well, ito naman ang ginusto ko eh. Ang mahanap kung saan talaga ako nabibilang. Tumango lang ako at tumingin ulit sa labas. Nakakatakot? Oo.
"Welcome to Cleverwood Downtown," sabi sa speaker. Maniniwala ba kayong isang kalansay ang driver ng tren, or operator?! Nagbukas ang mga pinto kaya nagsibaba na kami.
Ganun pa rin ang paligid. Pinagkaiba lang ay parang nasa isa kaming palengke sa bukas na lugar. May stall na kalansay ang nagbebenta, may ibang nagbebenta ng witch and wizard crafts.
Malamig ang buong lugar na para kang nasa lugar ng mga patay. Hindi rin masarap sa ilong ang hangin. Naglakad kami papunta sa mga stalls. "We must buy things na kakailanganin natin kapag nag-aral na tayo," sabi ni Luna at tumakbo palapit sa isang stall ng witch crafts.
"Kita nalang tayo mamaya!" sabi ni Via at tumakbo rin siya papunta sa isang mailaw na stall. Siguro iyon ang Fairy Store. "Samahan nalang kita," sabi ko kay Freya. Wala naman kasi akong alam eh.
"Hala! Hindi ka pwedeng lumapit sa stall namin, Vera. Ganito nalang, nakikita mo yung stall na sarado?..." sabi niya saka tinuro ang huling stall na nakasara. Tumango ako.
"Kapag natapos ako, hihintayin kita doon. Kapag ikaw naman ang una, hintayin mo ako doon. Hanapin mo kung saan ang stall mo, tatawagin naman ng stall ang katawan mo eh," sabi niya at kinindatan ako sabay lapit niya sa Werewolves Stall. Napa-irap nalang ako.
Mag-isa pala akong lalapit eh. Psh!
Naglakad ako at naghanap ng stall na pwede kong pagbilihan. Hindi pera ang kailangan ng mga tindahan, isusulat lang ang pangalan namin, ganun lang. Dahil hindi pangkaraniwan ang apelyido ng mga tao dito, este monsters pala. Pinalitan namin ang pangalan ko.
Vera Flame, dahil yan sa blue flame ko.
May mga madilim at maliliwanag na stalls. May over-decorated, may mga simple naman. Hindi ko maramdaman ang sinasabi ni Freya. Kaya naghanap pa ako ng iba.
"Look out!" sigaw ng isang lalaking may pulang mata. Nakita kong papalapit sa akin ang isang apoy na sin' pula ng dugo. Kinabahan ako at akala ko masusunog na ako. Kaya hiniharang ko ang kamay ko.
"Woah!" sigaw ng lahat sa paligid ko. Kaya napamulat ako at binaba ang kamay ko. Nandoon na naman sa palad ko ang blue flame. Wala na rin ang apoy na kaninang dapat ay tatama sa akin.
Nakatitig lang sa akin yung lalaking pula ang mata. Ang dami na rin palang nanunood sa amin kaya umalis nalang ako. Pagliko ko, nakita ko ang isang simpleng botique. Kagaya lang yun nung nasa mortal world.
BINABASA MO ANG
Moon Academy of Monsters [On-going]
FantasyBookcovers by: @goddessoflove1999 , @PanPreak and me Moon Academy. An Academy for Vampires, Werewolves, Witches, Sorcerers, Wizards, Magica, Fairies, and Goblins. Do you have enough courage to enter an academy with monsters? Welcome! To Moon Acad...