Spoken Poetry #1 (Tagalog/Filipino)

551 4 2
                                    

Originally written by me ☺️
I hope you'll like it.

"Para sa lahat ng taong hanggang tingin at kaibigan lamang."

Para Sa'yo

Ang tulang ito ay isinulat ko para malaman mo ang tunay na nararamdaman ko.
Oo, ang tunay na nararamdaman ko.
Dahil ang lahat ng sinasabi ko sa'yo noon ay may halong biro.
Ngayon ay gusto ko na malaman mo ang totoong nararamdaman ko na walang bahid ng biro.
Gusto ko na malaman mo na kung paanong yumabong ang nararamdaman kong ito para sa'yo.

Noong unang araw na makita kita
Nabihag mo ang aking mga mata
Sa bawat oras, minuto at segundo, ikaw lang ang nais makita
Hinahanap-hanap ka sa tuwing nawawala sa aking mata
At parang tanga kapag nakikita na ang iyong mukha.

Gumagawa ng iba't ibang rason makita ka lang
Gumagawa ng kahit anong paraan makita ka lang
At gagawin ang lahat makita ka lang

Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako magkagusto sa'yo
Sinabi ko sa sarili ko na 'wag magtangkang mahalin ka dahil alam ko na sa dulo ako lang ang magmumukhang tanga.
Pero nagkamali ako,
Hindi ko nakaya ang mga nasabi ko at tuluyan nang nadala ng nararamdaman ko.

Hindi ko inakalang mahuhulog ang loob ko sa'yo
Hindi ko inakalang lalabas ang totoong damdamin ko para sa'yo
At hindi ko inakalang ang damdamin na parang wala lang ay bigla na lamang nabuo at naging totoo.

Unti-unti akong nahuhulog sa'yo
Unti-unti akong napapamahal sa'yo
Unti-unti akong nangungulila sa tuwing wala ka
At unti-unti akong nadudurog sa tuwing nakikita kita na may kasamang iba.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Pero ang alam ko lang ay masaya ako
Sa t'wing nakikita ka't napagmamasdan.
Masaya ako kahit sa kaloob-looban ko ay nasasaktan naman talaga ako.

Sinabi ko sa sarili ko, "bakit ikaw?"
Bakit ikaw ang s'yang isinisigaw ng puso kong uhaw na uhaw sa pag-ibig mong madalas ko lang matanaw.
Mali. Mali.
Hindi ko pala matanaw.

Ang sakit isipin na,
Nakatingin ako sa'yong mga mata ngunit ang iyong mga kumikinang na mata ay nakatingin sa iba.

Alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na masaktan.
Dahil una sa lahat,
Wala naman sa ating namamagitan.
Isa lang naman akong hamak na kaibigan.
Isang kaibigan.
Kaibigan na walang puwang sa puso mong 'yan.
Isang kaibigan na hanggang kaibigan na lamang.

Hindi ako naghahangad na masukliab ang pagmamahal na inialay ko sa'yo.
Pero mahal, may isang bagay lang akong nais hilingin sa'yo.
Na kahit wala mang ikaw at ako.
Sana'y pahalagahan mo ang nararamdaman kong ito, para sa'yo.
At palagi mong tatandaan, nandito lang ako, naghihintay at umaalalay sa'yo.

THE END.

~~

Thank you for reading. Sana po ay nagustuhan niyo.
Vote or Leave comments 💓

follow me on social media:
twitter: @superpaooey
fb: facebook.com/paolo.arcipe

Deep WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon