nakatitig nanaman sa kawalan
andaming iniisip na ayaw pakawalan
di napapagod animo'y walang kapaguran
nalunod na sa lalim ng walang katapusan
nakakawalang gana din pala huminga
napakawalang-'ya ng tadhana 'langhiya
napakasamang hangin ng nagtulak sa- ating dalawa
para ma-palayo- tayo sa isa't-isa
kung maari lang natin salungatin ang ating mga kapalaran
sana nga noon pa
dahil di ko talaga- kakayanin mag-isa- gusto ko sa'king bukas
sana naroon ka
at kung sa susunod na buhay ay muli tayong magkita
di na hahayaang ang namamagitan ay masira
pero habang ang pagmamahalan natin ay mali pa
ililihim ko muna yung nangyari sa'tin kanina
sabik sa paglapat ng palad mo sa palad ko
mga pabalik na yakap mo sa yakap ko
kahit na pangako mo lamang ang tanging hawak ko
maghihintay ako sayo hanggang mga pangarap ko
ay mapasakamay ko na
ang mahawakan ng kamay ko ang kamay mo sa
araw na ang araw na yun ay biglang bumulaga
di na magsasayang ng oras para lang tumulala
BINABASA MO ANG
Deep Words
Randomwarning: contains phrases/words that may hurt or causes pain to you. xoxo. madame writer