Day 1

12 2 0
                                    

*diba siya yung !@$!$!*

*oo nga siya nga yun #!%^@&*

*Grabe!! Nakakatakot pala siya &(^%@$&^*

Ayoko sa mga tao sa school na ito, umagang umaga bulungan at pambabatikos mula sa kanila ang naririnig ko. Kung makapagbulungan parang sinasadya nila talaga na lakasan para marinig ko. Sobrang spoiled sila, masama ang  mga ugali nila, walang tigil ang mga bibig nila, at takot sila sa akin, they disgust me. All of them.

Pero bakit pa ba ako magugulat? Elite school ito na nagtataglay ng mga insecure-spoiled-rich brats na kadalasan ay anak ng mga kilalang icons sa bansa. Anak ng singers, actors, actresses, mga models, mga foreigners......the only thing they all have in common is that every single one of them is a good-for-nothing students. Lahat sila takot sa akin. Lahat sila galit sa akin.

Ang aking tatay ay isang sikat at mapanganib na terorista, marami na siyang napatay. Si mama, siya ang leader ng mafia, same as dad, marami na din siyang napatay. Bata pa lang ako, 5 years old to be exact, ng tinuruan ako ni mama gumamit ng kutsilyo sa labanan, tinuruan naman ako ni papa gumamit ng mga baril. Mahilig sa papa sa mga baril. As you can see, ang pamilya ko ay puno ng mga demonyo, mga mararahas na tao, mapanganib na mga tao, mga desperadong tao. Desperado silang makawala sa buhay na puno ng karahasan. Sabi sa akin ni tito yun, hindi nila intensiyon na manakit ng tao. Sabi daw ni papa, sadyang kailangan lang talaga, wala na silang choice dahil nakakulong na sila sa buhay na ito. Pero..... sa kabila ng lahat ng iyon, naniniwala si mama at papa na balang araw, mawawala din ang kaguluhan sa mundo, mawawalan na ng away, at dadating ang tinatawag nilang "Eternal Peace". Kapayapaang kailanman ay hindi mawawala. 

                                              "Ang bobo pala ng magulang ko......"

Naniniwala sila sa isang pangarap na imposible. Dahil dito naging mahina sila, dahil dito namatay sila. Namatay ang magulang ko nung 9 years old ako. Naiwan ako, pati ang kapatid kong babae, we're orphans. Parentless I guess. Patay na si mama at papa at ang kumupkop sa amin ay ang kapatid ni papa, si Tito Andrew. Tumitira ako sa kanilang bahay, tinuturuan niya ako ng maraming bagay. Mga bagay na may kinalaman sa pagpatay. 

A year after my parent's death, my sister Catherine died. She was raped and then brutally murdered by a psycopath when she was on her way home.

Now it's been 4 years since my sister's death. Nasa school ako, ako nanaman ang star ng school. Lahat ng mga mata ng schoolmates ko ay nakatutok sa akin na para bang mga snipers na papatay sa akin kapag gumawa ako ng isang maling galaw. I can see disgust in their faces, some can see hatred in my eyes. I'm craving, craving for more, more, more blood. More death. 

Hindi, wag, wag Dylan, bawal dito. pero soon, patience muna. Wag mong hayaang ikulong ka nila sa kulungan ng nanay at tatay mo. Snap out of it!!

"Gooddamn it, I need to supress it", binulong ko sa sarili ko. Nagtuloy-tuloy na lang ako pabalik ng classroom ko. Darn, buti nalang naagapan ko iyon. Kung nagkataon, baka lahat sila, namatay na. Hahahahaha!!! Darn, my blood lust is getting worse every minute that I'm in this wretched place. 

Pagkapasok ko sa classroom ko, dumiretso ako sa bangkuan ko at tumungo sa bangkuan ko.

LUNCH TIME

Nagising ako, mukhang hinayaan nila akong matulog sa klase. Biglang may pumasok na grupo ng mga babae, luminya sila sa harapan. Isa-isa silang nagpakilala. May isang nagstep-forward at pinakilala ang sarili niya at pakay nila.

"Magandang umaga sainyong lahat!! Ako si Anise Draken ^_^!! Ako ng leader ng Martial Arts Club ng NWA!!! I would like to encourage you all to join our club hehe....Kasi we're actually short in members so I hope you can help us so that we won't get..ugh....disbanded ^_^!!!".

Tsk. Probably just a waste of time. Napansin ko ang mga kaklase ko na nag-aact as though wala silang narinig o nakita. Wala naman akong pake kung madisband sila......pake ko. Tumungo nalang ako at bumalik sa tulog.

"..."

"A-ahhh, k-kuya!!"

*O? Anong kailangan mo?*

"Hoy!"

*Bastos na bata, kung maka-hoy ah..close tayo?*

"Gising ka kuya!!!"

*Patulugin mo nalang ako leche ka. Kapag sinaksak kita diyan sa baga mo gamit ng kutsilyo ko sa bag...tingnan mo, di mo na ako maho-hoy bata!!*

"Pssttt!! Hoy!! Sumali ka sa club namin!!!"

*Bakit naman ako sasali? May mawawala ba sa akin kapag hindi ako sumali diyan!!!*

"Pssttt...hoy!! Kuya!!! Kuyang tamad at antukin!!!"

*Aba'y, tengene nitong batang 'to ah!! Hihingi na ngalang ng tulong lalaitin pa ako!!!*

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para makita ang mukha nung bastos na bata. Huminga akong malalim bago magsalita.

"Leave me alone and die somewhere."

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Feel free to comment nang kung ano-ano, kung medyo nakulangan kayo I assure you, marami pang dadating na chapters. Ta-try ko na gawing maganda ang storyang to kahit papaano.

Sisikapin ko ding basahin kung sakaling may comment hahahahahaXD.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon