Sayang di ako nakapagpaalam para sa party. Sigurado sa mga oras na 'to nag aayos na sila. Nag susuot ng magagarang damit sabagay gastos lang din naman 'yon.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Nagulat ako ng nag salita si Mama.
"Po? Wala naman po. Madalang lang po pala yung customer niyo noh?" Tanong ko habang umaayos ng upo sa harap ng cashier.
"Oo pero masaya kasi ako sa ginagawa ko kaya ok lang. Ikaw nga wag mong ibahin yung usapan. Ano yung dahilan at malungkot ang dalaga ko?" Salita niya habang tumatabi sakin.
"Hindi naman po ako malungkot." Agad na sabi ko habang todo ang iling sakanya. Bigla naman niya kong sinigkitan ng mata at pilit na pinapaamin. "Kasi po ano...may party po kasi ngayon sa school at mamaya pong gabi gaganapin. " Alangan kong paliwanag. "So? Ano susuotin mo?" Agad naman niyang tanong na ikinatingin ko.
"Wala po. Hindi po ako pupunta gastos lang po eh." Tawa ko pa kunyari. Pinalo niya naman ako sa braso sabay pamewang na para bang may nasabi kong mali.
"Hay. Ano ka ba?! Minsan lang mangyari 'yon! Tara bibili tayo ng damit mo ora mismo tuloy ako mag memake up sayo! Ohhhh excited nako! Ngayon lang ako may aayusan na parang Barbie. Pagagandahin kita!" Di pa ko nakakasagot hinaltak niya ko agad at sumakay sa kotse niya. Seryoso ba siya?! Sabagay kung titignan mo yung mukha ni Mama tuwang tuwa siya ngayon.
Nang makarating kami sa bilihan ng mga damit. Napa hinto nalang ako sa isang gilid habang lumilinga linga. Grabe. Ang gaganda. 'Panigurado ang mamahal nito.' Ok lang naman sakin yung sa ukay ukay nalang kami bumili o kaya mag rent nalang diba? Mas tipid pa.
"Eto bagay sayo. Isukat mo." Tingin niya sa mga gown at dress.
"Ma? Wag dito mahal dito." Bulong ko agad ng makita ko yung tag price.
"Basta isukat mo dali baka malate ka sa party!" Pamimilit niya pa sabay hila sakin sa dressing room.
Napilitan tuloy akong magsukat. Di naman ako nag susuot ng ganito. Saka ngayon lang ako makakapunta sa party na ganon kabongga.
"Ok! Dress check! Sandals check! Makeup check! Wow ang ganda ganda mo pala pag naayusan para na talaga tayong mag nanay!" Tuwang tuwa niyang sabi habang iniikutan ako.
"Thank you po. Thank you po talaga." Natutuwa ko ding sabi kahit masakit sa paa yung heels.
"San kaba nag aaral? Ihahatid na kita."
"Nako! Wag na po. Nakakahiya na." Pag ayaw ko sakanya pero bigla siyang nag seryoso at nag crossed arms sa harap ko. Wala tuloy akong nagawa kundi sabihin. Nagulat pa siya at doon ako nag aaral. Ang weird ng mama ko pero ang sweet niya. Nag picture pa kami kanina at tuwang tuwa siya.
"Buti nakarating ka!" Tuwang tuwa naman nilang salubong sakin.
"Wow! Ikaw ba yan? Inlove na ko sayo. Pwede bang manligaw?" Nanlolokong sabi naman ni Carl. Kaya naman napailing nalang ako habang nginingitian siya.
"Ang ganda mo te! Shine bright like a diamond ang peg mo! Nakakababae ka!" Ingit namang sabi ni Edwin habang nakapout pa. Grabe mga reaction nila sakin. Ewan ko sakanila. Basta masaya na kong naka attend.
"Ang bait naman pala ng mama mamahan mo. Binihisan kapa tapos hinatid ka pa niya."
"True! Ang bait niya talaga!"
Nang makapasok na kami sa reception. Napahinto muna ko habang humihinga ng malalim. Grabe napakadaming tao at ang gagara din ng mga suot nila. Buti nalang at hindi ako pinabayaan ni Mama.
Napatingin ako sa gown ko habang napapangiti. "Ok this is it."
Nag kasiyahan kaming mag kakabarkada. Pero mas naenjoy ko yung part kung saan pwede ng kumain. Grabe! Unli yung mga pag kain tapos ang dami pang desserts! Yung iba? Ngayon ko lang talaga natikman sa buong buhay ko.
Sa sobrang busog ko. Naupo nalang ako sa isang gilid habang pinag mamasdan silang abalang nag sasayaw sa gitna. Di naman ako nag sasayaw ng ganon. Isa pa para silang malalandi. Pano naman halos karamihan ng nag sasayaw sa gitna nag hahalikan. Na para bang hindi 'yon isang school event. Kadiri.
Pero sweet lahat ng tao ngayon pwera sa lalaking nakaupo don at pinag kakaguluhan ng mga babae. Ayon sa iba Jericho pala pangalan niya siya pala yung nasa Rule #3 nila Elsa.
Naku po. Bakit ba tinitignan niya ko? Papalapit na siya—at eto na nga umupo sa tabi ko. Kaya naman yung mga babae nakatingin ng masama. Patay nako. Talagang trip niyang subukan ang pasensiya ko.
"Wag mong pansinin." Seryoso niya lang na sabi habang nakatingin sa malayo.
"..." Bakit ko siya kakausapin. Sayang lang laway ko.
"Hay. Walang magawa inom tayo?" Bigla niyang tingin sakin kaya naman agad akong tumingin sa malayo.
"Tara? O nag hihintay ka ng mag sasayaw sayo?" Smirk niya pa.
"Sige." Pumayag nako kesa lamukin ako dito.
"T-teka!" Sigaw ko sakanya ng mag lakad siya sa ibang direksiyon.
"Bakit?"
"Kala ko ba iinom? San tayo pupunta??" Mabilis kong habol habang di mapakali. Grabe yung mga babae kala mo namang aagawin ko sakanila 'tong mokong na'to.
"Ano gusto mo? Mabugbog ka nung mga babae jan dahil kasama kita?" Sabi niya. Sabagay tama siya may utak din pala.
"Jan kana lang ba? Bahala ka nga jan." Naiinis niyang sabi sabay sakay sa sasakyan at binuksan niya yung bintana.
"Hoy sasakay kaba o hindi??" Mayabang niya pang tingin sakin.
"Ayan na." Yabang.
Inabutan niya ko ng isang boteng alak. Mukhang mamahalin 'to ah?
"Hindi ko 'to mauubos." Gulat kong tingin sakanya.
"Isipin mo nalang mawawala mga problema mo pag ininom mo yan. Mauubos mo yan." Sabi niya sabay lagok ng alak niya. Bakit ang gwapo niya kahit para siyang uhaw na uhaw na umiinom?
Teka?! Bakit ba tinititigan ko siya?!
"Ano ba yan kalakas mo yatang uminom may problema ka ba?" Pambasag katahimikan kong tanong sakanya habang binubuksan yung bote. Kinuha niya naman 'yon sakin at binuksan niya.
"Kasi may nag sabi saking panget ako. Alam mo bang 'yon ang kauna unahang nag sabi na panget ako? Alam mo 'yon?" Biglang tingin niya sakin kaya naman napalunok ako bigla.
Ako ba yung tinutukoy niya? Mukhang ako nga. Kasi parang gusto niya kong patayin sa titig niya. Bakit di ko naman alam na heartthrob pala siya dito ah?! Kaya pala ganon nalang titig sakin nun ng mga babae.
"Ang simple lang pala ng problema mo daig mo pa pasan mo mundo."
"Nakakatuwa ka din noh? Ayaw mong masisi kaya iniiba mo usapan?" Sabi niya sakin habang tumatawa. Ano ba yan ako nga kalahati palang naiinom ko eh siya mauubos na. Ano trip nito? Di naman masarap yung alak..kapait pait kala mo tubig lang sakanya.
A/N:
THIS STORY IS NOW UNDER DREAME 💜
YOU CAN READ THE WHOLE STORY THERE! 💜
THANK YOU GUYS FOR YOUR NONSTOP SUPPORT 🌹
SEE YOU! 🍀
BINABASA MO ANG
That Night with Mr. Heartthrob
RomanceIt just started with an accident then a dare. Di ko alam na mag kakaroon ng bubuo ng buhay kong nasira na. At di ko inaasahang mainlove sa maling tao at sa maling lugar at sa maling pag kakataon at sa maling pangyayari.