Ang sabi nila kapag nahulog ka raw sa isang tao lahat gagawin mo para lang makamit ang salitang, I love you. Kapag umibig ka raw kasi ay para kang nasa isang magandang panaginip, hindi mo mapapansin ang mga masasamang bagay, lagi ka lang nakangiti na parang baliw at kahit nasasaktan ka na ay lalaban ka pa rin para sa kanya.
In short, people go crazy when they fall in love. But for me, I don't believe in that. Hindi ako bitter o kung ano pa man. Galing kasi ako sa isang broken family. Bata pa lang ako nang maghiwalay ang mga magulang ko at nagkanya-kanya ng buhay, na para bang wala silang naiwang bunga.
Naiwan akong mag-isa na mas malala pa sa isang basang sisiw sa kalye. Kailangan kong kumapit sa patalim para lang mabuhay.
Payak naman ang naging pamumuhay ko noong una. Noong buhay pa sila lolo't lola kung saan ako iniwan ng mga magulang ko. Pitong gulang ako no'n, kaso sa kasamaang palad ay hindi rin sila nagtagal at kinuha na rin sila ni Lord.
Labing siyam na taong gulang ako nang matuto akong tumayo nang mag-isa at lakasan ang loob sa delikadong mundong tinitirhan nating lahat. Naghanap ako ng kung ano-anong trabaho para mabuhay lang at may makain kahit isang beses sa isang araw.
Kaya bakit ako mahuhulog sa isang tao? Bakit kailangan ko pang ma-inlove? Sa dulo naman, lahat ng taong umiibig ay naghihiwalay din. Isa pa, wala akong oras sa mga gano'ng bagay. Bawat galaw ng orasan ay mahalaga para sa akin. Hindi ko kayang sayangin sa feelings na walang katuturan at masasaktan ka rin naman sa dulo.
"Eliza!" malakas na tawag sa'kin ng manager namin sa restaurant.
"Po?!" Napabalikwas ako at mabilis na tumakbo papunta sa harapan niya. Siguradong dahil sa customer kanina kaya siya nagagalit ngayon sa akin.
"Ano 'yung ginawa mo kanina?!" sigaw niyang bungad nang huminto ako sa tabi niya.
Napakagat ako ng labi habang pasimple siyang tinitignan. Namumula siya sa galit dahil sa nangyari. Hindi naman ako ang may kasalanan.
"Ano?! Magsalita ka!" sigaw niya ulit na ikinapikit ko.
"Ginawa ko lang naman po kung ano ang nararapat," pilit kong paliwanag pero lalo pa siyang sumigaw.
"So, sinasabi mo ba na tama ang ginawa mo? Binatukan mo 'yung customer natin! Tama para sayo 'yon?!" muling sigaw ng halimaw, este ng manager namin.
Mukhang matatanggal na naman ako sa trabaho nito. Sa galit niyang mukha na 'yan, imposibleng patawarin niya ang nangyari. Kaya naman namawis na ang mga kamay ko habang pinapanuod siya na walang tigil sa pagsasalita sa harapan ko. Kulang na lang nga ay murahin niya ko.
Para lang alam niyo, hindi naman ako ang may kasalanan kanina. Bakit? Hindi sa pinagtatanggol ko ang sarili ko o humahanap ako ng kakampi. Tama lang naman na batukan ang customer kung manyakis naman, right?
"You're fired!" huli niyang sigaw bago mag-walkout.
"Teka lang po. Magpapaliwanag ako.." habol kong pakiusap pero hindi siya nagpapigil.
Huminto siya sa tapat ng bag ko at binato sa akin ang lahat ng gamit ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! You are fired! Alis!" nanlalaking matang ulit niya na may kasamang pagmostra ng kamay pataboy sa akin.
Ang init naman ng ulo. Ako naman ang nasa tama, ah! Bakit pinagtatanggol niya pa 'yung customer na 'yon? Kung alam ko lang na matatanggal din ako, edi sana pinalipit ko pa nang mas matindi 'yung kamay ng lalaki kanina. Nakakagigil!
"YOU'RE FIRED!"
"YOU'RE FIRED!"
Sunod-sunod kong rinig ngayong araw. Kapag minamalas ka nga naman.
BINABASA MO ANG
That Night with Mr. Heartthrob
RomansaIt just started with an accident then a dare. Di ko alam na mag kakaroon ng bubuo ng buhay kong nasira na. At di ko inaasahang mainlove sa maling tao at sa maling lugar at sa maling pag kakataon at sa maling pangyayari.