Umuwi na lang kaya Ako?
Umuwi na lang kaya ako?,
Umuwi na lang kaya ako dahil wala naman ang Guro, Guro na magtuturo kung paano kalimutan ang Nakaraan.Umuwi na lang kaya ako Dahil naiwan ko ang ballpen, Ballpen na matutulungan akong isulat ang damdamin kong di sapat.
Umuwi na lang kaya ako kasi Naiwan ko ang Aking pambura, pambura na tutulong saking burahin ang mga alaala.
Umuwi na lang kaya ako kasi wala akong dalang Panukat, panukat na Makatutulong saking Sukatin kung ikaw nga ay nararapat, Nararapat para sa Pagmamahal kong sapat sa isa at hindi sa dalawa
Oo, Uuwi na lang ako sa Aking Tahanan, tahanang puno ng Katotohanan,
mga katotohanang makatutulong sakin na makaalis sa Kulungan ng Katangahan.Tama Uuwi na lang ako kaya Maraming salamat at Paalam.
-M.C.L.
--------------------------------
Sorry for not Updating Yesterday I'm so Busy with School. Anyways Dont forget to leave a Vote!! Lovelotsss
-Authornim
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word Poetry 101💝
RandomHi Im the Author And this book will be Filled with Hugots and Spoken Word Poetry, Taglish po Ito 😂😂 😂😆 Ill try to Update As Soon as Possible.