English Class...
Maaga akong nakarating ng room namin, at humanap ako ng mauupuan, ayoko sa unahan at ayoko din sa gitna maupo, gusto ko nasa likod ako, para di ako makita ng prof xD
at ayun, may vacant seat :)
at doon na ako naupo, at maya maya dumating na din si JB.
"Ohh, bat natagalan ka?"
"hinanap ko pa kasi tong room naten eh"
"ahh, cge maupo kana, tabi na lang tayo" :D
oki :D
Habang nakaupo kami, ay tinitingnan ko yung mga new classmates namin, may mga babae nun na nakaupo sa di kalayuan sa kinauupuan namin,
busy silang makipag chitchat sa isat isa, feeling ko nga dati na tong magka kilala ehh, ang iingay kasi -.-
ahm, ung isang girl, katamtaman ang haba ng buhok, siya yung busy makipag usap sa katabi niya,
yung katabi naman niya, ay maganda, long straight hair, maputi, katamtaman ang height at may malumanay na boses.
maingay din, siya pero hindi tulad kay Girl#1 na ganun kaingay :D
Sa harapan namin may nakaupo din na girl, mahaba ang buhok, mabait at may pagka korean ang mata niya :)
siya yung naka usap namin noon ni JB,
miss anu name mo? sabi ko
ahm, lyn ;)
ahh, nice to meet you, ako pala si jo, eto naman si JB
ahh, nice to meet you :)
maya maya ay dumating na yung prof namin..
"ok class, since first day ngayon, let us introduce ourselves"
at nagpakilala siya sa amin, at sabi niya kami naman daw ang magpakilala, well nagsimula sila mag pakilala from first row down to the last row.
Habang busy magpakilala yung mga classmates ko, ay tinitingnan ko yung paligid ng classroom namin.
maaliwalas tingnan yung room malawak, at maganda yung view na galing sa bintana, kitang kita yung soccer field, commencement stage, at yung grass sa palibot ng campus ay makikita mo doon.
3pm na kami dinismiss ng prof namin at nakasabay ko umuwi sina jb at lyn.
Nagpasya kami na libutin muna ang buong campus at napadaan kami sa my Centree at naupo muja kami sandali at nagpahinga.
Usually, since bagong magkaka kilala pa lang kami, napag usapan namin kung saang school kami nag graduate.
"hmm, ako sa TNHS ako nag graduate" -- Lyn
"ahh, kami naman ni JB sa DNHS,
kami" :)
"oo, malawak ba doon sa school ninyo?"
"oo, naman, napaka lawak nun, sa totoo nga, parang kasing lawak nitong BU ang school namin ehh"
"wow, buti pa sa inyo, malawak, samin , ang liit liit lng ng school namin"
"saan ba yung school ninyo?"
"nasa likod lang ng CBEM" :)
after a couple of minutes na kwentuhan, umuwi na kami, magkasabay kaming lumuwas ng main campus at nagpa alam na kami ni JB kay lyn, at sumakay na siya diretso sa jeep, at kami naman ni JB ay magkasabay na kaming lumakad pauwi.
Ahhh, sige dito na ako, bye -- JB
ahh sige sige, bye bye
at ako na lang mag isa ang natira at patuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa bahay.
Nyehehe halos ganito naman ako lagi ehh, ako na lang laging naiiwan mag isa -.-
hay naku, dibale sanay naman akong laging nag iisa ehh :D kaya ok lang. :3
to be continued... :)
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Non-FictionSabi nila, there are things which comes to us na hindi natin inaasahan. mga bagay na hindi naman natin hinangad na mangyari pero, nangyari, mga bagay na hindi naman natin hiniling pero dumating. What if kung isang araw, ehh nag bloom ang feelings mo...