"Hoy Camille, akin na nga sabi yan." pag-aatungal ni Jeric.
"Ayoko nga!" sagot ko at inasar pa siya lalo.
Inismiran lang niya ako at nag-make face.
Asar na naman itong lalaking ito. Kalalaking tao, asar-talo. Tsk tsk.
"Aba, Camille. Tama na ang pang-aasar kay Jeric, baka magkatuluyan kayo niyan. Lagot ka sa akin!" pagbabanta ni Joy, bestfriend ko.
"Tch. Ano ka ba, di ako magkakagusto d'yan no! Asar-talo lagi." sagot ko naman.
"Oy Jeric! O, sayo na yang ballpen mo!" pabalang na sabi ko kay Jeric.
Jeric is my bestfriend's crush, or puppy love? What ever. While me, he's my favorite teasemate.
Walang word na teasemate, gawa-gawa ko lang yan. Hahaha! Gustong-gusto ko kasi siyang asarin e. At siya lang ang inaasar ko ng ganito.
"Psh. Kababaeng tao ang hilig mang-asar! Tomboy ka!?" pagalit na sabi niya.
"Tch. Kalalaking tao, asar-talo! Bakla ka!?" pabalang na sagot ko.
"Whatever." irap niya.
Bakla talaga. Tsk!
*
"Hey! Everybody seems to be staring at me. You! You! All of you! How dare you to stare at me? Why? Is it because I'm a bad girl? A bad girl I am."
"Aba hoy! May nag-kakabisa rin dito, manahimik ka!" suway ng baklang si Jeric.
"Aba hoy ka rin! Nagkakabisa ako! Walang pakialaman kung gusto kong malakas!" sagot ko.
Well, nag-mememorize kami ngayon ng Declamation Speech for tomorrow. At eto, asar na naman si baklang Jeric sa way ng pag-memorize ko, e sa gusto kong malakas e.
Nag-irapan lang ulit kami at nag kanya-kanyang kabisa na.
"Pst. Asarin mo si Jeric." biglang sabi ni Joy nung nananahimik ako.
Isa rin itong babaeng ito e. Ako pa ang inutusan mang-asar e siya naman ang may gusto.
Pero good idea!
Tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit kay Jeric.
Nakuha ko naman ang atensyon niya at tiningnan ako ng masama.
"O? Inaano kita? Makiki-upo lang ay! Wag kang ano jan, tch." singhal ko at inismiran siya.
Umiling lang siya at tinuon ang pansin sa kinakabisa.
"You! You! You are my good parents! My good elder brother and sister in this society where I leave! Look... Look at me! What have you done to me!? You have pampered and spoiled me! Negleted me when I needed you most!" padramang sigaw ko sa harap niya.
"Punyeta." rinig kong bulong niya. "Wag ka nga, nalilito na nga ako dito sa kinakabisa ko e." paawang sabi niya.
"Inaano ka baga!? Nagkakabisa ako ay." pabalang na sigaw ko pero di niya lang ako pinansin.
Dahil medyo nakokonsensya ako, hinayaan ko na lang siya magkabisa.
"Yaw ko na nga!" suko ko at bumalik na sa upuan ko at nanahimik.
"Ano ba!? Mga papansin kayo!" rinig kong sigaw ni Jeric.
At nung tiningnan ko. Si Romel at Joy naman ang nanggugulo sa kanya.
Hahaha! Natawa na lang ako, kawawang lalaki talaga.
Ang sarap kasing asarin lalo na pag seryoso.
Bahala sila d'yan.

BINABASA MO ANG
His Diary (short story)
Historia CortaCover by: @stellarflair Jeric & Camille's Short Story. I ensure you guys that this is worth to read.