YAYA!!!
Nakasimangot akong bumaba sa aming grandstaircase habang tinatawag ang aking ever loyal na yaya felise.
Siya na ang nagpalaki sa akin dahil busy sa negosyo ang aming mga magulang, ang MILLER GROUP OF COMPANIES na gumagawa ng mga latest cellphones, computers at mga modernong mga gadgets.
Bakit baby?
Napalingon ako kay yaya na tumatakbong palapit sakin. Baby pa din ang tawag niya sakin kahit dalaga na ako. take note, isang magandang dalaga. diwata nga tawag sakin ng mga friends ko dahil sa aking angking kagandahan na kahit ang mga nagsisikatang artista ng korea ay walang binatbat sa kagandahan ko.
My mother is filipina at isang beauty queen noong kanyang kabataan. while my father is half korean and half australian. He is a wealthy businessman in australia. Nagkakilala sila ng minsang magbakasyon ang aking ama sa beach resort na pag aari ng aking ina. It was a whirlwind romance at kahit noong mga panahong iyon ay nakatakda ng ikasal ang aking ama sa isang koreana ay ipinagpatuloy pa din nila ang kanilang relasyon. Nagpakasal sila bago pa malaman ng fiancee ng aking ama ang kanilang relasyon. after a year ay ipinanganak ng aki ng ina ang isang napakagandang batang babae, at ako nga iyon. Mag isang taon daw ako ng malaman ng fiancee ng aking ama ang pagpapakasal niya kay mama. Nagwala daw ang babae ngunit dahil sa kasal na ang aking ama ay wala na siyang nagawa. bumalik siya ng korea at nagbanta na pababagsakin daw niya ang aking mga magulang, but i doubt that, its been a couple of years since she said that but untill now ay nag uumapaw pa din ang aming kayamanan. We are one of the richest families here in philippines and even in australia.
Its just not one time, but a couple of times that we are published in Forbes magazine.
I am Assaliah Erich, 18 years of age and a college student in MILLER UNIVERSITY.
My family owned that school, kita ninyo naman ang name ng school, it is derived from my surname Miller. Isa iyong prestigious school na mga mayayaman. Maraming mga artista ang nag aaral doon pero talbog pa din sila sa beauty ko.
"Baby, back to earth na"
Naputol ang aking pagbalik tanaw ng pinitik ni yaya ang aking ilong. kung ibang tao iyon ay baka nasapak ko na. asset ko ang aking mukha kaya never ko itong pinahawakan and worst pitik pa. but since its yaya felice kaya ok lang. its my yaya naman kaya she had the priviledge of touching my very very pretty face.
I am a goddess, and no one can surpass me in terms of beauty, brain and wealth.
"Godness gracious yaya! im already late and my hermes bag is missing! how can i go to school without my precious thing?
"Relax baby, nasa limousine na ang Herms mo, naiwan mo sa cr kanina kaya inilagay ko na lang sa sasakyan at baka sa kung saan mo na naman maiwan.
"Oh thank you yaya, your the best! mwaaa mwaaaa!" nag kiss ako kay yaya bago ala model na naglakad sa nakaparadang sasakyan.
"Mam, sandali lang po, pwede po bang makisabay sa inyo?"
Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si shine ang aming bagong maid. Napataas ang aking magagandang kilay habang nakatingin sa kanya na nakataas noong nakatingin sakin. Mula ng dumating siya sa bahay last month ay hindi ko na siya gusto. i really hate her guts .Scholar daw siya ng school namin at para may allowance siya at pambili ng libro ay nag offer si daddy na dito na lang siya mag work as a maid sa bahay. kahit naman nasa australia si daddy ay siya pa rin ang nagpatakbo sa school. May mga pinagkatiwalaan naman siyang tao doon pero sa kanya pa din ang mga major decission like pagtanggap ng mga bagong scholar.
"Sorry pero hindi ako sanay na may kasabay". iyon lang at tuloy tuloy na ako sa limousine na agad namang binuksan ni mang alfred, ang driver ng pamilya.
MILLER UNIVERSITY
Huminto ang aking sasakyan sa harap ng University. As ussual, tinginan ang mga estudyante pagbaba ko pa lang ng sasakyan. Makakita ka ba naman ng diwata na naka limousine pa, tingnan ko lang kung hindi ka ba mapanganga.
"ganda talaga ni assaliah"
"gusto ko siyang maging girlfriend"
"pwede na akong mamatay dahil nakita ko na siya"
Ilan lang iyon sa mga salitang maririnig sa corridor ng school habang dumadaan ako. Mula iyon sa mga boys.
Ang mga girls naman.
"maputi lang siya kaya maganda"
"maganda nga siya, pangit naman ang ugali"
"sana ako na lang sa puwesto na"
" hindi siya maganda, nagparetoke iyan ng mukha"
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang huling sinabi ng isang grupo ng mga estudyante na mga mukhang tutubi.
agad ko silang nilapitan at nakatutok ang aking mga mata sa isang estudyanteng babae na puno ng tagihawat ang mukha.
Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito, malamang baguhan ito at hindi pa ako kilala.
pwes, magandang pagpapakilala ang gagawin ko sa tagihawat na iyon.
Huminto ako sa kanilang harapan habang tiningnan ng maigi si Ms. tagihawat mula ulo hanggang paa.
Lumaban naman ng titigan si Ms. tagihawat. " saang doktor ka ba nagparetoke at perpekto ang pagkagawa, siguro ang mahal ng ibinayad mo sa doktor para gumanda ka, hmmm, marami ka sigurong sugar daddy noh? hehehe"
Siniko naman siya ng kanyang kasama na mukhang takot na takot na tumitig sakin.
Gusto ko ng ingudngod ang babaeng ito, wala pang bumastos kay Assaliah Miller.
"What did you say?" mahina kong tanong.
tumaas naman ang kilay ni Miss taghihawat at ngumisi. "hindi ka lang pala retokada, bingi pa! hahahaha"
agad sumulak ang dugo ko sa narinig sa kanya.
Hinablot ko ang kanyang buhok at tinadyakan siya sa tiyan.
wala pang nakagawa sa akin ng ganuon. Ang ipahiya ako sa harap ng mga estudyante.
namilipit siya sa sakit habang hawak hawak ang kanyang tiyan. hindin ko pa din tinigilan ang paghawak sa kanyang buhok.
"Ikaw ang dapat magparetoke dahil mas maganda pa ang palaka sa iyo. Pero kahit siguro magparetoke ka at ibuhos ang pera para mapaganda ang mukha mo ay panget ka pa din dahil hopeless case na ang mukha mo"
Hindi pa din siya umimik, siguro nasobrahan ang pagtadyak ko sa kanya.
"At FYI, hindi ako retokada, maganda na talaga ako mula pagkabata, hindi katulad mo na parang tagihawat na tinubuan ng mukha" galit kong sabi sa kanya habang pabigla ko siyang binitawan.
Tuloy, napasadlak siya sa sahig habang pinagtinginan ng mga estudyante.
"ayoko ng makita ang pagmumukha mo sa school na ito, and if you're going to sue me, then you are free to do so, ang abogado ko na lang ang bahala sa iyo." matigas kong sabi habang binirahan ko ng alis. Ayaw kong ma stress dahil sa panget na babaeng ito.
Pero agad akong huminto at lumingon at nakita ko na nagbubulong bulongan ang mga estudyante.
"Siguro naman, kilala na ninyo ako ngayon, kaya mag ingat kayo sa pananalita ninyo.
"Coz, I am Assaliah Mliller, "The Bad Bitch"
HOPE YOU ENJOY READING MY STORY GUYS.....
AT KUNG HINDI KALABISAN, PA VOTE AT PA COMMENT NA MAN, HEHEHEHE....
BINABASA MO ANG
My Sossy Maid
RomanceA story of a girl who suddenly becomes a pauper in a blink of an eye.