Chapter 1

381 6 0
                                    

My Unexpected Love - Chapter 1 

~~~~~~~~~~~~~~

Gillian Gail Lustre P.O.V

" tok..tok.. tok .. anak naman matuto ka naman gumising ng maaga mula ngayun" - papa 

Ngayong umaga naririnig ko ang boses ni papa kahit na medyo malayo ang kama ko sa pintuan ang lakas kasi ng pagkakatoktok na akala mo may nagyayaring delubyo , sermon na ba tawag agad diyan kay papa hmm. Bumangon na ako at agad pumasok sa CR.

" Pa naman grabe ka naman akala mo makakalimutan kung gumising ng maaga tsk" - ako

pagsisinungaling ko kay papa kahit ang totoo kagigising ko pa lang naman, ayoko naman isipin ni papa na ang tamad tamad kong anak dahil pati pag gising ng maaga di ko pa magawa yung parang may inaasahan ako na gigising saakin. Saka alam ko rin sa sarili ko na matagal na kong dapat matuto dahil nasa tamang edad na ako, gaya ngayun na unang araw ng pagiging ganap kong Junior Student/3rd year High School ng Greater East Academy ang pumapangalawang skwelahan kung saan maraming mayayaman na nag-aaral, hindi naman kami mayaman pero nakakaya naman ni papa ang Tuition Fee dahil sa Restaurant na mabenta dito sa aming lugar Korean Food kasi ang mga kakanin namin, si papa mismo ang nagluluto, ang alam ko rin ang mabenta talaga ay yung RAMYEON. Sabi nila kaya syempre naniniwala naman ako kasi kahit anung lutuin ni Papa masarap yun sa panlasa ko.

" Mabuti kung ganun, ayoko naman na dumagdag ka pa sa mga inaasikaso ko, bumaba ka na at kumain pagkatapos"- papa 

Huling sabi ni papa narinig ko naman ang pagbababa niya ng hagdan.Kung tatanungin niyo rin kung nasaan ang aking ina, matagal na siyang wala as in patay. Namatay siya sa isang matinding sakit bata pa ako nun eh siguro 7 years old matagal na rin yun kaya matagal na rin akong naka move-on. Kaya simula nung nawala si mama si papa na talaga ang nagsilbing ina at ama ko, lahat nga sinusubukan niya para lang daw hindi maipadama saakin ang kakulangan sa atemsyon. Alam ko rin na kahit medyo magagalitin yan si papa sa loob-looban pa rin nyan ay mahal na mahal ako. 

Super close kami niyan ni papa kasi nung bakasyon ni hindi ako umaalis para maglakwatsya dahil gusto ko lagi kung nakikita si papa, lagi akong nasa restaurant niya tambay kung tatawagin kasi ayaw naman akong patulungin o patrabahuhin ni papa may mga katulong naman kasi si papa kaya hindi na rin talaga kaelangan tumulong, higit sa lahat pagtumulong naman ako lagi naman palpak. Ganito kasi yun nung wala yung mga waiter ni papa ako ang nagvolunteer na magseserve ng pagkain at ang masaklap kasi yung laging maiinit kaya lagi kong nabubuhus sa mga customer, ang iba nga hindi na bumalik dahil lang dun. Nagalit si papa pero hindi naman ako pinagalitan sinabihan lang ako na wag na daw tutulong kasi kaya naman daw nila.Kaya hindi na rin ako nagsipumilit na tumulong.

" Hay naku " - sabi ko na lang ng magsimula na akong maligo, mabilis lang naman akong maligo kaya mga 15 minutes ay lumabas na ako ng CR. Nagbihis na rin ako ng aking uniporme, namiss ko rin tong suotin hehe. 

" salamat at kasyang-kasya lang" dumiretso kasi ako sa salamin para naman makita kung bagay ba saakin o kaya malaki, natuwa naman ako kasi kasyang-kasya kahit si papa lang naman ang pumili at nagpatahi nito. Nag-ayos na rin ako simpleng pagsusuklay lang at pagpupulbo ang ginawa ko at bumaba na rin ng hagdan para kumain ng almusal.

" Kumain ka na diyan, para naman maka-alis ka na ayoko naman na malate ka pa sa unang araw niyo" - papa

Unang araw nga ngayun pero bakit hindi nagugulo ang isipan ko?, siguro sanay lang ako na ganito o hindi lang talaga ako excited, dati rin lang naman kasi siguro mga kaklase ko hmp..

Matapos kong kumain ay binigyan na ako ni papa ng baon ko, hinug ko muna siya bago ako umalis, ganyan talaga ako eh sweet girl. e

"Sya-sya baka malate ka pa niyan, mag-iingat ka anak ah malaki ka na, kaya dapat alam mo na ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin , maliwanag ba yun?" - papa

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon