Irene on the MM💓
Kim Taehyung as JACK KIM
Ps. A tagalog update
Naka upo sa may sofa sa kanilang bahay si Irene habang nanonood ng kanyang paboritong K Drama.
Ganto ang buhay niya simula noong matanggal siya sa kanyang trabaho sa pinapasukan niyang SPA sa Manila.
Isa siyang physical therapist ngunit hanggang ngayon ay wala parin siyang trabaho.
Habang nanonood ay nakarinig siya ng malalakas na katok sa pinto.
"Sandali lang!! " sigaw nito at pumunta sa tapat ng pinto.
Ng kanyang mabuksan ang pinto ay tumambad ang napaka masiyahin at napaka gwapo niyang bestfriend.
"Hello Ayrin ko! " Masayang saad nito at agad na niyakap si Irene.
Ginantihan naman ito ni Irene ng mahigpit na yakap
"Hello Jack! " agad naman na kumalas sa yakap si Irene.
"Ano pala ginagawa mo dito? May kailangan ka ba? Nanonood ako ng Hwarang eh sama ka nood tayo? " excited na tanong ni Irene.
Napangisi naman si Jack
"Baka ikaw ang may kailangan sakin Ayrin ""Huh? Anong ibig mong sabihin? " Curious na tanong ng dalaga
Hinila naman ni Jack si Irene papunta sa Sofa ng dalaga at agad na pinaupo. Umupo naman ito sa tapat niya.
"Naghahanap kasi ng Therapist yung pinsan nung may ari ng ospital na pinapasukan ko, since magaling na therapist itong gwapo mong best friend, eh ako ang inerekomenda, at since mabait ako, ni-recomend na din kita. So, iready mo na lahat ng papeles mo at sarili mo dahil next week na ang flight natin! " Sabik na sabik na saad ng binata.
Napatili naman si Irene sa magandang balita nito.
"Yeheeeyyy!!! Teka! Saan ba yung papasukan natin?! " napatigil at tanong nito
Naka ngisi naman si Jack habang tinitignan si Irene deretso sa mata at biglang lumingon sa tv. Napalingon naman si Irene sa TV at binuntunan si Jack ng nagtatakang ekspresyon.
"Sa....... SEOUL, SOUTH KOREA!!!!! " Sigaw ni Jack na sanhi sa malakas na tili ni Irene at nagsisisayaw sa Sofa.
"AUTOMATIC NA TATANGGAPIN KO YANG TRABAHO JACK!! MAKIKITA KO NA MGA OPPA KO!! WOOOHHH!!! " sigaw ni Irene at tumalon papunta sa may tapat ng tv at hinalikan agad ang screen nang magpakita si Park Seo Joon.
Masayang tinitigan ni Jack ang kanyang ngayon ay nababaliw na best friend. Habang nakikita ang napakasayang ekspresyon ng mukha nito ay mas lalong bumibilis ang pagtibok ang puso ng binata.
— After 1 week
@Seoul, South Korea"Ang lamig dito Jack! Summer naman sa Pinas ah! " reklamo ni Irene at pinagkiskis ang dalawa nitong kamay sabay hinipan.
Tawa naman ang isinagot ni Jack at nilagyan nito ng jacket ang balikat ng dalaga.
"Its a Korea thing Ayrin. Tara na! baka hinahanap na tayo ni Mr. Yoongsu" aya ng binata at hinila papasok si Irene.
Nang maka 3 pindot sa doorbell ang dalawa ay binuksan naman ito ng isang kasambahay
"Heokshi nugu hasaeyo? " saad ng kasambahay
"Hah?! Ano daw? Tanong ni Irene
"Uhm we are the therapists from the Philippines that Mr. Yoonsu had invited " Diretsong pag eenglish ni Jack
"Oh! Come in! " sabi nung yaya.
Medyo natawa si Irene sa accent ng kasambahay."Wow inglesero ka na pala Jack ah! Sosyal" pamimiro ni Irene.
"Syempre ako pa parang wala naman tong bilib sakin lika na Ayrin panget " Pangungutya nito.
Nakabusangot namang pumasok si Irene habang naglalakad sa harapan niya si Jack.
Nang makapasok ay sinalubong sila ng maputing lalake na naka upo sa sofa.
Tumayo ito at nakipag shake hands sa dalawa.
"Hello, I'm Yoonsu and welcome to my house. You are Jack and Ilyn right? " tanong ni Yoonsu.
"It's Jack and Irene sir " magalang ngunit may halong biro na sabi ni Jack at ipinakita ang kanyang Boxy smile.
"Ohh sorry Jack and Irene.I know you guys are good because you guys are recomended by my cousin. You know my cousin always recommends the best. Are you sure you wanna accept the job? " Nag aalalang tanong ng Koreano.
"Yes ofcourse Sir! We Filipinos, accept everything even if it is hard because we are Fighters! Aja! FIGHTING! " Determinadong sagot ng dalaga na naging dahilan upang mapatawa si Mr. Yoonsu.
"Ok! That's what I am looking for! but please be careful with my son. Because he got recently discharged from the hospital. He's really moody" pag bababala ni Mr. Yoonsu
Napabigkas ng mahinang "Ooh " ang dalawa.
"But where is he sir? " tanong naman ni Jack
"He's in his room. He never gets out of his room. He feels very upset because he can't walk. Please do everything for my son. You got no worries about the salary and everything. You're in good hands. " Nakangiting saad ng ginoo na nagpalawak pa sa ngiti ng dalawa.
"Kamsahamnida sir! Uhm when can we start sir? " tanong ni Irene.
"You can start today " magalang na saad ni Mr. Yoonsu
Nagkatinginan ng saglit ang dalawa.
"Let me lead you both to his room" saad nito at parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Irene na naging dahilan upang mapalunok ito ng maraming beses.
Habang papaakyat ay dumampi ang kamay ni Jack sa kamay ni Irene habang kagat kagat nito ang ibabang labi niya.
Napatingin naman si Irene kay Jack at napangiti.
Kumatok si Mr. Yoonsu sa crimson colored na pintuan. Para bang kasing pula ng impyerno. Nagsimula ng kabahan ang dalawa.
Binuksan ni Mr. Yoonsu ang pintuan at biglang may lumipad na flower vase sa gilid nila dahilan ng pagkapit ni Irene sa balikat ni Jack.
"Get out! " Garagal na boses ang narinig
"Yah inma! " Kalmadong saad ng nakatatanda. "Here are your therapists "
"I DON'T NEED THOSE! GET OUT OF MY ROOM NOW!! " sigaw ng lalaki sa ilalim ng mga kumot at napalunok ang dalawa dahil sa kaba.
Napabuntong hininga naman ang nakatatanda. Lumabas silang tatlo sa kwarto.
"Im sorry for that, are you sure you still wanna accept the Job? I know it will be very hard" nagaalangan na sabi ng Koreano
"Yes sir we will accept I know we can! " determinado na sagot ni Jack
Napangiti naman si Mr. Yoonsu kahit na halatang malungkot ito. Kitang kita ito sa kanyang mga mata.
"Thank you" pagpapasalamat nito
"uhm sir excuse me but can I ask something? " tanong ni Irene
"Anything. What is it? "
"Uhm your son. What is his name? " tanong nito
Umayos naman ng tayo si Mr. Yoonsu
"Yoongi. Min Yoongi"
YOU ARE READING
Irene x BTS Oneshots
FanfictionRed Velvet's Irene meets the 7 dorks, Bangtan Sonyeondan