IV— Backstory (Part 1)
Nagkalat sa paligid ang mga basag na piraso ng glass wall ng restaurant dahil sa nangyaring pamamaril sa loob nito. May isang namatay at tatlo naman ang sugatan. Nakadapa ang mga tao sa sahig at maingay ang paligid dahil sa sigawan at iyakan ng mga nakasaksi sa pangyayari. The culprit was caught at sinabi nitong inutusan lamang ito. The one who hired him was inside the restaurant too, ngunit hind niya alam kung sino. He said he just received instructions and payment. Sa labas ng restaurant ay maririnig ang ingay na dulot ng mga sirena ng police patrol cars na nahuli sa pagresponde. Agad na pumasok ang mga ito sa loob at sinimulan ang pag-iimbestiga.
"Paumanhin po pero kung maaari ay wala munang lalabas ng establisyementong ito," anunsyo nito sa mga naroon na takot na takot pa rin dahil sa nangyaring pamamaril sa loob.
"Walang kikilos!" sigaw ng mga pulis at pumasok sa loob. Gayon din ang ginawa ng ibang mga pulis at hinalughog ang paligid.
"Chief, ito pong tatlo ang kahina-hinala. Baka isa sa kanila ang kasabwat ng namaril kanina," wika ng isang pulis. May dala-dala itong isang lalaki at gayundin ang kasama nitong dalawang pulis.
Hinarap ng hepe ang tatlong lalaking kahina-hinala. "Sasailalim kayong tatlo sa pagtatanong ng mga pulis."
"Chief!"
Napalingon silang lahat sa boses ng babae na tumawag sa hepe. Isang babaeng nakasuot ng uniporme ang ngayon ay tumatakbong lumapit sa kanila. She wore her hair just below her shoulders at maamo ang kanyang mukha.
"Ivy, bakit ka nandito?" tanong ng hepe. Lumabi sa kanya ang babae at tiningnan ang tatlong lalaking hawak-hawak ng iba pang mga pulis.
"Good job, SPO1 Atienza! Ang galing-galing mo talaga. These three are also the people na pinaghihinalaan ko. By the way, I was sitting over there nang mangyari ang commotion," Ivy said. Napangiti at nahihiyang napakamot naman ng ulo si SPO1 Atienza.
"Chief, mana sa 'yo 'tong anak mo. Bolera din," wika nito sa hepe.
"Ivy, bakit ka nandito? Umuwi ka na dahil mag-iimbestiga pa kami," tanong ng hepe sa kanya. Iverone was the chief's only daughter.
"Kasama ko ang mga kaibigan ko, Pa. And if that's the case, I can help. Witness ako sa mga nangyari kanina at pinagdududahan ko rin ang tatlong ito." Sagot nito at napatingin sa tatlong lalaki na hawak-hawak ng tatlong pulis. Lumapit siya sa unang lalaki.
The guy was effeminate but has a bulky body. Tinali nito ang mahabang buhok at nakasuot ito ng kupasing maong na jacket.
"Ikaw. 'Yang get up mo pang holdaper goons talaga. Starter pack eh. Long hair, denim jacket at alerto na mapupulang mata, but of course that's not what made you suspicious."
"Ha? Eh ano pala?" tanong ng isang pulis. "Hinuli ko siya kasi parehas no'ng suot ng mga namaril kanina ang suot niya."
"Hindi 'yan pwede, officer. Do not rely on the appearance. Look on the variables. Kahina-hinala kasi ang ginagawa niyang manaka-nakang pagtayo, tingin sa labas at pagtingin sa relo," Ivy said.
"Ah! Hudyat para sa mga kasamahan niya!"
"It could be."
Pumalag naman ang lalaki. "Hindi ako kasabwat!"
"We'll see to it later," Ivy said at bumaling sa ikalawang lalaki. "Kahina-hinala rin ang isang ito. I saw him throwing glances at the victim. Hindi kaya ikaw ang nagpautos ng shoot out?"
Todo-iling naman ang ikalawang lalaki. "Hindi ako kasabwat ng mga namaril kanina!"
"And you're the most suspicious of all," wika niya sa pangatlong lalaki.
BINABASA MO ANG
Detective Files Untold
Mystery / ThrillerCollection of untold scenes and events disclosed in an unchronological manner. Detective Files Untold Written by: ShinichiLaaaabs Started: November 9, 2017