PrologueMadalas tayong nahihirapan sa pag ahon pagdating sa pagmamahal kung talagang minahal natin ang isang tao.
Madalas na hindi natin sila madaling makalimutan.. Mga alaala; ngiti; pinagsamahan; at magagandang nakaraang nabaon sa puso natin.
Siguro, mahirap talagang mapalapit nang sobra sa isang tao, kung hindi ka talaga sigurado sa kung gaano katagal itong magiging nasa tabi mo.
Ganyang ganyan ang pala-isipang tumatakbo sa utak niya.
Pero hindi tao ang iniisip niya..
Pangalan lamang.
Walang kasiguraduhan. Walang basehan.
Pero dahil may tiwala siya sa pinanggalingan, sobra niya tong pinaninindigan..
"Kung 'Noel' ang pangalan mo, i-date mo 'ko!!"
Malakas ang kalooban at lahat sinusubukan dahil sa angking kakayahan.
Magbubunga ba ang paghahanap niya sa taong pangalan lang ang nalalaman niya?
O tuluyan na siyang susuko't maghahanap ng tunay na pagmamahal ng isang tao?
And that's the journey of the weirdest human-being, Gabrielle Ramirez.
BINABASA MO ANG
Myriad of Noel's
RandomMadalas na malunod tayo sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao. Mahirap alisin agad sa buhay mo, dahil malapit na sa puso mo. Mahirap kalimutan kaagad dahil minahal mo na ng todo. Pero posible bang.. ..dahil lang sa pangalan; minahal mo na? Ang sa...