Noel with Banana Bread: Chapter 01
GAB's
Nag stretch ako ng kamay pataas at pababa. Pinaulit-ulit ko hanggang sa mapagod ako. Nag jog in place ako habang humihinga ng malalim at pinupunasan ng kamay ko ang noo kong pawisan na. Nag jumping jacks din ako ng thirty times at saka nag step-step.
"1, 2, alright. Again. 1, 2." paulit-ulit na sinasambit ko habang nag e-exercise.
Nang mapagpod na ako ng sobra ay uminom ako ng maraming tubig, nagpunas ng pawis, tumingin sa kalangitan at pinagsalop ang dalawa kong palad.
"Father in Heaven, thank you so much po!! I owe thee, every day. I love thee po, in Jesus name.. Amen." pabulong na sambit ko habang ngiting-ngiti at nakapikit pa.
'Magandang umaga para sa magandang ako!! Happy morning, everyone!!'
Ngiting-ngiti akong naglalakad pabalik sa bahay matapos kong maikot ang buoooong village para mag jog at mag exercise. I ended up at the park dahil s'yempre, iyon ang paborito kong lugar dahil maraming halaman at mga puno! Habang naglalakad ay nagpupunas ako ng pawis na patuloy pa rin sa pagtulo.
Halos lahat nang nakakasalubong ko ay sinusuklian ako ng ngiti and that makes my heart flutter!
'Hehehehehe'
Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko sa braso ko kung sa'n nakalagay yung phone holder kaya naman tinanggal ko ito sa lalagyan at agad na sinagot.
Aila Calling...
"Yes, hello? Happy morning!"
'Tss. Nasa'n ka?' sagot niya sa'kin sa line. Aga-aga bad mood?
"On my way home---hey, Sassi!" agad na natuon ang atensyon ko sa aso naming sumalubong sa'kin pagtapak ko ng gate. Natutuwa ako kasi dinidilaan niya yung kamay ko hehehehe, sweet.
'Hoy, Gab!' inis na tawag niya sa kabilang linya.
"O-oh? Sorry, si Sassi kasi eh. Punta ka na lang dito, magba-bake ako!" agad na bawi ko sa kanya habang sinasara ang gate at nakaipit ang phone ko sa tenga at braso ko.
''Wag mong tatamisan! Bare with my taste buds. 10 minutes. Bye.' then she hung up.
Naamoy ko kaagad ang bango ng niluluto ni Mama kaya dumiretso ako sa kitchen at naabutan siyang nagluluto habang kumekendeng-kendeng pa.
'Uy feeling teenager si Mama! Hehehehehe!'
"Happy morning sa pinakamaganda kong Mama!" bati ko pa at nagback hug sa kanya.
"Ako lang naman Mama mo, eh. 'Matic na yun hahahaha!" biro niya pa.
Napalayo pa ako bigla nang humarap si Mama, "Nako, Gabriella. Magpalit ka na ng damit dahil basang-basa ka ng pawis!" tinulak-tulak niya pa ko kaya humabol muna ko ng kiss sa pisngi niya at saka patakbong umakyat papuntang kwarto.
Nagpunas pa muna ako saglit ng pawis at saka nagpalit ng damit. Napagdesisyunan kong mamaya na lang maligo kapag umalis na si Aila para diretso tulog na ulit, wala naman akong gagawin ngayon kaya, okay lang. Pagbaba ko ay sumalubong sa'kin yung mukha ni Aila'ng nakabusangot.
"Mukha kang inapi ng bongga. An'yare?" dumiretso ako sa kitchen at hinayaan siyang kutkutin yung mais na hawak niya. Basta may mahawakan talaga siya, kinukutkut niya palagi. That's her mannerism at ngayon, yung mais ang biktima niya.
BINABASA MO ANG
Myriad of Noel's
RandomMadalas na malunod tayo sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao. Mahirap alisin agad sa buhay mo, dahil malapit na sa puso mo. Mahirap kalimutan kaagad dahil minahal mo na ng todo. Pero posible bang.. ..dahil lang sa pangalan; minahal mo na? Ang sa...