Chapter 3- Pag-amin

2 0 0
                                    

Napatulala ako ng bigla akong nakapag pasalamat sa kanya! Tama ba? Nagpasalamat ako ng nakangiti? Hahayss! Ano ba Santine! Nakakahiyaaa kaa! Sa tanang buhay mo sa dinami dami ng mga lalaking nakilala mo ngayon kapa napahiya! Ay siya lang pala ang unang lakaking nakilala ko. Whahahaha! Lagot na! Bigla siyang nagsalita. "Binibini? Ayos ka lang ba? Kanina kapa tulala?" rinig kong tanong nya! Ano daw as in KANINA PA AKONG NAPATULALA! SHIT!
"Ah eh oo. Ayos lamang ako." tugon ko. Napa lunok siya. "Mabuti naman kong ganon." sambit nya. "Teka nga! Bakit mo pa ako binantayan kong iniiwasan mo ako, ha Nathan!?" tanong ko. "Malalaman mo rin sa tamang oras bini----- este Santine." sagot nya. Ano raw TAMANG ORAS BA KAMO? BAKIT SA TAMANG ORAS PA!
"Pwde naman ngayon ahh!" dagdag ko pa. "Basta Santine malalaman mo rin. Kung ano ang dahilan ng lahat sa pag-iwas ko sa'yo sa pag bantay sa'yo sa pag-aalaga sa'yo. Sasabihin ko rin sa'yo sa tamang oras kung bakit. Kaya wag kanang magtanong pa." sabi nya. Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita siya ulit. "Tama na ang tanong, Santine. Kasi kahit magtanong kapa, isa lang ang masasabi ko sa'yo mala------" di na nya natapos sasabihin nya kasi nagsalita na talaga ako! "MALALAMAN KO RIN SA TAMANG ORAS. HINDI BA?" diin kong tanong. "Hahaha oo. Tama ka nga, Santine. Kaya wag ng magtanong. OKAY!" sabi nya. "EDI OKAY NALANG!" sagot ko.
Ano kaya ang sasabihin nya na sa tamang panahon ko pa daw malalaman! Hay nako! Beast mode mo si ako Nathaniel!
Sa Paaralan~
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin. Mapapansin mo tahimik pa, kasi maaga pa. Parang ako lang nga yung tao rito ehh. Ang tahimik ng buong paligid. May guardia naman dun sa gate para mag-bantay. Ngunit biglang nabasag ang katahimikan na iyon na may narinig akong kung anong yapak ng paa. Agad akong natakot tumindig balahibo ko! Shit natatakot ako!
Agad akong nagtago at kumaripas ng takbo! Pero kahit saan ako magtago parang nakasunod parin sa'kin yung yapak ng paa. Nagtago ako at nagdasal! Ngunit bigla akong nagulat kasi may biglang humawak sa'king balikat dahilan para mapasigaw ako! "Bini----- este Santine ayos ka lang ba?" rining kong tanong nung tao sa likod ko. Teka! Pamilyar ang boses nya ah. Dahan-dahan akong lumingon sa paglingon ko nakita ko siii.....
NATHANIEL!
Ano ba yan tinakot nya ako! Shit! Bugbugin ko kaya to? Pwde naman dba? Ay wag na makakatuluyan ko to.kaya hashh! Whahaha! "Ano ba? Papatayin mo ba ako sa takot ha! Nathaniel ka!" diin kong tanong. Ibubukas sana nya ang bibig nya para magsalita, ngunit inunahan ko na siya sa pagsasalita! "Oh bakit? Bakit ka nga nagugulat! Pinapasakit mi dibdib ko ha! Eh paano kung mahimatay na naman ako ha! Baka sa pagkakataon nato di na ako mabubuhay pa! Baka ikaw pa pumatay sa'kin eh!" galit kong tugon. At agad siyang nagpaliwanag. "Paumanhin, Santine. Ngunit gusto lamang kitang samahan, kaso nagtatatakbo ka eh. Dahilan para sundan kita. At tsaka di kita kayang takutin no! May mga bagay pa akong sasabihin sa'yo." tugon nya. Ano daw may mga marami pang bagay na sasabihin ba kamo? Eh ano kaya yun! Hay nako!
"Eh bakit ka ba hindi man lang sumigaw sa pangalan ko! Eh sana lumingon ako at hindi natagtatatakbo sa takot." sabi ko. "At tsaka ano ba yung bagay na sasabihin mo sa'kin ang tagal na nun ah." dagdag ko pa. "Anong matagal eh kahapon ko pa yun na sabi sa'yo. Hahaha." sabi nya. Ay shit! Oo nga pala kahapon nga pa nga lang yun. Bat di ko naisip yun.
"May mga bagay na hindi mo na maiisip pa na kahapon lang pala nya yun sinabi. At parang kailan lang din na inibig mo siya ng lubusan. Kahit pa hindi pa maaari."
"Ah oo nga kahapon pa yun. Ang dami ko kasing iniisip kaya nasabi ko na matagal mo na yung sinabi." pagpapalusot ko."Ah ganon ba, Santine. Tara na at baka mahuli tayo sa una nating subject." tugon nya dahilan para makatango ako.
Makalipas ang ilang oras~
Sa kalahating oras naming pagtatalo, ay halos mga kalahating oras din kaming naglakad papunta sa classroom namin. "Hay nako! Napaka-ayaw ko sa subject nato! Like duhh! Pfft!" sambit ko. Dahilan para mapalingon siya. "Ako man ay ayaw rin sa subject natin ngayon, ngunit kapag kasama kita natiis ko lahat." sabat nya sa pagsalita. Oh my gaush! Ano daw? NATITIIS NYA LAHAT KAPAG KASAMA AKO!
Dugdugdugdugdugdugdug
Bigla kong naramdaman ang pag tibok ng puso kong maguumapaw sa saya. Dahil sa mga winika nya. Di ko alam kung bakit ito tumibok ng ganto ulit. Huli kong naramdaman ang ganitong pagtibok ng puso ay noong una ko siyang makita. Pero bakit nanumbalik ang lahat. Di kaya grabe na ang tama niya sa'kin? Hay nako! Tama na ang pagiisip ng mga ganyan, Santine. Mag-aral ka muna bago harot.
"Minsan kahit di mo na naramdaman ang pagtibok ng puso mo, may isang tao talaga ang nakalaan para sa'yo upang ito'y patibuking muli at magbukas ng pinto para mahalin ang lalaking nagpatibok nito."
"Santine? Ayos ka lang ba? Napapansin ko palagi ka na lang tulala. Buntis kaba?" banat ni Ate Mae. Huh? Ano daw? BUNTIS KAMO? Dahilan para manlaki at manlisik ang mga mata ko dahil sa sinabi nya! "Baka tama ka nga, Mae. Baka buntis tong bunso natin. Palaging tulala eh." sabat ni Ate Anna. Dahilan para manlaki ang mga mata ko! Sumang-ayon siya! Eww di pa ako buntis ang bata ko pa. "Hoy hoy hoy! Mga Ate! Hindi ako buntis. Dapat ba pag always tulala buntis agad agad? Baka mas mauna pa kayo sa'kin. Mag-aaral pa ako para makatapos. Upang matulungan sila ina at ama. Kaya Don't me mga Ate's ko!" galit kong saad.
May biglang tumawa sa likuran ko! Dahilan para lumingon ako sa likod at nagtaray. "Hoy lalaki! Anong tinatawa-tawa mo dyan ha! Nakikisali ka sa usapan namin ah! At sino kaba para makinig samin? Kaya lumayas ka para di na kita magulpi pa." saad ko. Huli na nung nalaman ko na si Nathaniel pala yung tinarayan ko. "Hahahaha oh bunso bat na istatwa ka dyan? Eh kanina lang ang galit galit mo? Eh ngayon bat ka na stuck-up dyan sa pagsasalita ng maharap mo si Ginoong Nathaniel." sabay na sambit ni Ate Mae at Ate Anna. Teka may script ba dito? Eh ang sabay nila kung magsalita ah!
Agad akong natauhan muli! "Eh kung patayin ko kaya kayong tatlo! Wag ako mga Ate's wag ako! OKAY!" sabi ko. At tsaka inemphazis ko talaga yung AKO! Para intense. Hahahaha!
At tsaka ano bang connect sa pagkatulala sa buntis? Edi ba wala naman? Hahayss! Gigil nyo si ako mga Ate's ko! Like pfft!
At ayon natulala ako ng makaharap ko ang lalaking tinarayan ko na si Nathaniel pala a.k.a Nathan! Hay nako ano ba to Lord! Bat palagi kaming pinagtatagpo ha? Di kaya kami ang itinadhana? Hay nako! Kinikilig ako ano ba! Hays tigil na Santine! Agad akong natauhan ng sinigawan nila ako!
"HOYYY! ANYARE? BAT KA NA NAMAN BA TULALA? GRABE BA ANG TAMA NI, GINOONG NATHAN SA'YO? OH ANO SUMAGOT KA!?" sigaw nila Ate Mae at Ate Anna. "TEKA BAT BA KAYO SUMISIGAW HA! EH ANG LAPIT LAPIT LANG NATIN SA ISA'T ISA HA! BAKA KAYO PA MAGING DAHILAN UPANG MABINGI AKO!" galit at mataray kong sagot. Teka nabinggi ako dun ah! Sakit ng eardrums ko! Grabe kasi kung makasigaw. Buti wala ng mga tao kasi uwian na! Dahil kong may mga tao pa dito. Nako! Pahiya is real talaga.
"May mga bagay na biglaang humihinto o tumitigil ang pag-andar ng oras kasi di mo kayang tarayan o sigawan yung mahal mo. At kahit na mapahiya kapa ay kinakaya mo dahil nandyan parin siya sayo."
Hay nako! At nagsalita si Nathan. "Mga Ate's baka nabigla lang si Santine sa'kin eh biglaan lang naman akong sumusulpot na parang kabute eh noh!" saad nya. Napatawa ako ng bahagya. Dahilan para mapatanong siya sa'kin ng diretso. "Santine? Bat ka natatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong nya. Ako naman ay napatawa pa ng kaunti bago sumagot. "Ah eh wala naman, Nathaniel. Natawa lang ako sa sinabi mo para kang kabute na sumusulpot kahit saan." saad ko naman. At napangisi siya bigla. Dahilan para matunaw na naman ako. Ayon na naman ang mga ngiti nyang nakakatunaw. Hay nako! Di ko nato kaya ah! Sobra na! Nagdiwang tuloy yung mga bituka ko! Ahehehe!
"Ehemm ehemm" sabat ni Ate Anna. Dahilan para matauhan kaming dalawa. "Oh siya cge maiwan ko muna kapatid ko sa'yo Nathaniel ha? May kukunin lang ako. Babalik kami kaagad." tugon ni Ate Anna. Dahilan para mataranta ako. Ano daw maiwan muna kaming dalawa dito!? Dahilan para tumutol ako! "Ateeee!" sigaw ko. Napalingon naman sila kaagad. "Oh bakit? May kailangan kaba, bunso?" tanong ni Ate Mae. Napaisip ako ng palusot para makatakas dun. "Ah eh pwde ba akong sumama sa'inyo?" tanong ko. Dahilan para matawa silang dalawa. "Oh bakit natatakot kabang maiwan dito kasama yung mahal mo?" tanong nila with matching ngiti-ngiti pa!
Ano daw MAHAL KO DAW!? At agad akong nagsalita para di nila mahata na totoo ang mga pinagsasabi nila! "H--huh? A--ano kamo?" tanong ko ulit. Dahilan para mapangisi sila. "Oh at bakit ika'y nauutal? Haaa! Samantha Janine!?" diin na tugon ni Ate Anna. At agad akong huminga ng malamin. Eh syempre hihinga talaga ako! Ano ako patay!? Para R.I.P. na as in na! Hoy! Buhay pa kaya ako noh! "Ah eh bawal bang mautal!? Haa! Ate Anna! Haa!?" tanong ko. Agad silang nagtawanang tatlo! Hay nako! Pag ako talaga nagalit lagot talaga kayo sa'kin!
"Hay nako, Santine! Kinikilig ka lang eh kaya ka ganyan eh!" tugon ni Ate Mae. "Oo nga halata naman na kinikilig yan eh! Sapagkat namumula na yang mga pisngi nya noh!" dagdag pa ni Ate Mae.
"Yung feeling mo na kinikilig ka tas idedeny mo pa! Ang ano lang ha! Eh kasi ayaw mong ipahalata sa kanila ang tunay mong nararamdaman kasi nga BAWAL KA PA BAWAL KA PANG MAGMAHAL! Lalo pa't Mahal na mahal mo ang taong iyon kahit masakit kahit mahirap kailangan mong maghintay sa tamang panahon.

2 weeks later~

Isang araw sa paglalakad ko papuntang silid aralan, may isang katangi-tanging lalaki ang nakita pero wait alam nyo naman kung sino siya dba? Si Nathaniel lang naman eh no! Ewan ko ba! Kung bat ito pa ang nagustuhan ko! Kay rami namang lalaki sa mundo!
Lumapit siya sa'kin at ngumiti! Hay buhay! Ayon na naman yung ngiti na yun! Shit naman oh! Amputa lang!
"Magandang Umaga, Santine!" masigla nyang bati sa'kin. "Naalala mo pa ba ang aking pangako sa'yo? Na sasabihin ko kung bakit ko nagawa ang lahat ng iyon? Dba palagi mo akong kinukulit noon kung ano ang rason?" dagdag pa niya. Napatigil ako bigla hindi ko inaasahan na sasabihin na nya sa'kin yun ngayon! "Ah eh oo naalala ko pa. Ano ba kaso yun? Bat pinapatagal pa!" naiirita kong tanong. "Una alam ko na masakit ang aking ginawa ngunit nung nahimatay ka sa classroom natin, may kung anong takot akong naramdaman pinaghalong pag-aalala at paggamba. Ngunit kahit iniiwasan kita alam mo ba? Nasasaktan din ako sa mga ginawa ko! Shit naman oh! Babaeng mahal ko pinahihirapan ko pa! Nasaktan ako talaga sa mga pasakit ko sa'yo di ko mapigilan ang pagsisisi ko! Mahal kita, Santine. Sobra sobra talaga. Patawad kong sinaktan kita pinahirapan pa kita. Pangako pinagsisisihan ko ang ginawa ko!" paliwanag nya.
Tsar naman oh! Grabe yun oh! Di ko yun inexpect ah! Huwaw! Pero okay na yun nagpaliwanag naman siya sa'kin kaya satisfied na ako. Ngunit lagot di ko pwde aminin na may feelings rin ako sa kanya. Kasi may deal kami nila ina at ama na bawal pa ang umibig kasi pag-aaral muna bago pagmamahal.

"Minsan talaga kailangan mo nalang itago ang feelings mo kasi ayaw mo na malayo sa kanya o malaman ng mga magulang mo na may pagtingin ka sa isang tao na kahit kailan ayaw mo malaman ng iba kasi mahal mo siya at ayaw mo malayo sa kanya kahit masaktan ka man ."

-Samantha Janine "Santine"

Unconditional LoveWhere stories live. Discover now